Wednesday, August 14, 2013

NEXT KAPAMILYA BOY WONDER, HINAHANAP NG ABS-CBN!

Muling bubuksan ng ABS-CBN ang bakuran nito ngayong Sabado (Agosto 17)
para sa mga talented na batang lalaki na nangangarap na sumunod sa
yapak ng award-winning Kapamilya child wonder na si Zaijian Jaranilla.
Maaaring sumali ang little boys, mula tatlo hanggang pitong taong
gulang, sa audition na gaganapin mula 9am hanggang 3pm, sa center road
ng ABS-CBN Complex sa Mother Ignacia Avenue, Quezon City. Lahat ng
batang sasali ay kailangang magdala ng bio-data at dalawang pictures
(isang close-up at isang whole body). Para sa karagdagang updates,
mag-log on sa www.abs-cbn.com, sundan ang @abscbndotcom sa Twitter.

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...