Thursday, August 15, 2013

“THE VOICE PH” TEAMS, MAKUKUMPLETO NA SA HULING BATTLES NGAYONG SABADO

Makukumpleto na ang listahan ng bawat team nina Apl de Ap, Sarah
Geronimo, Bamboo, at Ms. Lea Salonga sa huling yugto ng Battle Rounds
ng top-rating at Twitter-trending na singing-reality show na "The
Voice of the Philippines" ngayong Sabado (Agosto 17).

Magbabanggaan para manatili sa Team Apl ang sidewalk vendor na si Cora
dela Cruz at ang singing waitress na si Jessica Corpuz, at sa Team
Sarah naman ang theater actor na si Gab Ramos at mga estudyanteng sina
Klarisse de Guzman at Rouxette Swinton.

Isang matinding laban din ang naghihintay para sa radio DJ na si John
Duka at freelance singer na si Myk Perez ng Team Bamboo, samantalang
magtatapatan ang dalawang powerhouse singers ng Team Lea na sina Radha
at Marissa Saroca.

Sinu-sino ang huling mapapabilang sa teams ng kanilang coaches?
Sinu-sino ang tatawid sa live shows sa susunod na linggo?

Matapos namang makumpleto ang bawat team ay live na live na bibirit at
magpapakitang gilas ang Top 24 artists sa Angeles City, Pampanga
bilang patikim sa nalalapit na live shows. Sumugod na sa Marquee Mall,
4PM ngayong Linggo (Agosto 18) at maki-bonding sa inyong paboring
artists.

Pakatutukan ang "The Voice of the Philippines" tuwing Sabado, 9 PM, at
Linggo, 8:15 PM sa ABS-CBN. Maglog-on sa www.thevoice.abs-cbn.com para
sa pinakasariwang news at updates sa programa at para sa ekslusibong
profiles at performance videos ng artists. I-like rin ang
www.facebook.com/thevoiceabscbn sa Facebook, i-follow ang
@thevoiceabscbn sa Twitter o i-follow ang abscbnthevoice sa Instagram.
I-tweet ang iyong mga opinion sa show gamit ang hashtag na
#VoicePHBattles.

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...