Monday, August 26, 2013

'G2B ARMY COLOR FUN RUN' TULOY NA SA SETYEMBRE 1

Bilang regalo sa buong sambayanang nanabik sa TV comeback ng "Got To
Believe" lead stars na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla,
inilunsad programa ang espesyal na proyekto nitong 'G2B Army Color Fun
Run.' Dahil sa masamang panahon, mula Agosto 25 ay inilipat sa
Setyembre 1 (Linggo) ang araw ng fun run na gaganapin pa rin sa Aseana
Business Park sa Paranaque City. Ang assembly time ng 'G2B Army Color
Fun Run' ay alas-siyete ng umaga. Ang G2B Army ay binubuo ng
libo-libong Pilipino--bata o matanda--na naniniwala sa ang pangunahing
layunin ng grupo na makapagdulot ng mabuting pagbabago sa bansa. Ang
mga may opisyal na race kits lamang ang maaaring dumalo sa 'G2B Army
Color Fun Run.' Patuloy na damahin ang kakaibang magic ng pag-ibig sa
"Got To Believe," gabi-gabi, pagkatapos ng "Juan dela Cruz" sa ABS-CBN
Primetime Bida. Para sa mga eksklusibong impormasyon, pictures, o
videos, mag-log on lamang sa www.got2believe.abs-cbn.com at sa
official social media accounts ng programa sa www.facebook.com/G2B
atwww.twitter.com/G2BGottobelieve.

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...