Friday, August 23, 2013

KATHRYN AT DANIEL, PINARANGALANG 'HOTTEST STARS UNDER 20'

Tinanghal kamakailan ang "Got To Believe" lead stars na sina Kathryn
Bernardo at Daniel Padilla bilang 'Hottest Filipino Stars Under 20' sa
online poll ng sikat na entertainment blog na Starmometer na nilahukan
ng libu-libong fans sa Facebook at Twitter.

Nanguna sa listahan ng 'Hottest 20 Stars Under 20' si Kathryn taglay
ang kabuuang 203,736 votes, na sinundan ng ka-love team na si Daniel
na nagkamit ng 148,415 na boto. Sa parehong online poll, nasungkit rin
ng 'teen queen at king of Philippine showbiz' ang rank 1 at 2 noong
2011.

Samantala, ngayong Lunes (Agosto 26) na ang pinakahihintay na
pagsisimula ng most romantic TV series of 2013 na "Got To Believe."
Eere ang obrang pantelebisyon ng box-office director na si Cathy
Garcia-Molina sa ABS-CBN Primetime Bida pagkatapos ng "Juan dela
Cruz."

Bilang regalo sa buong sambayanang nanabik sa TV comeback ng tambalang
KathNiel, inilunsad "Got To Believe" ang espesyal nitong proyekto, ang
'G2B Army Color Fun Run.' Dahil sa masamang panahon, mula Agosto 25 ay
inilipat sa Setyembre 1 (Linggo) ang araw ng fun run na gaganapin pa
rin sa Aseana Business Park sa Paranaque City. Ang assembly time ng
'G2B Army Color Fun Run' ay alas-siyete ng umaga. Ang G2B Army ay
binubuo ng libo-libong Pilipino--bata o matanda--na naniniwala sa ang
pangunahing layunin ng grupo na makapagdulot ng mabuting pagbabago sa
bansa.

Ang mga may opisyal na race kits lamang ang maaaring dumalo sa 'G2B
Army Color Fun Run.'

Damahin ang kakaibang magic ng pag-ibig sa "Got To Believe,"
magsisimula ngayong Lunes, pagkatapos ng "Juan dela Cruz" sa ABS-CBN
Primetime Bida.

Para sa mga eksklusibong impormasyon, pictures, o videos, mag-log on
lamang sawww.got2believe.abs-cbn.com at sa official social media
accounts ng programa sawww.facebook.com/G2B at
www.twitter.com/G2BGottobelieve.

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...