Wednesday, August 14, 2013

“JUAN DELA CRUZ” IBIBIDA ANG SUPER POWERS SA KADAYAWAN FESTIVAL

Makiki-fiesta ang Hari ng Drama at bida ng "Juan dela Cruz" na si Coco
Martin sa engrandeng pagdiriwang ng Kadayawan Festival ngayong Linggo
(Agosto 18), 5pm, sa Gaisano Mall, Davao City. Ang espesyal na
pagbisita ni Coco sa Davao ay bahagi ng 'Salamat, Kapamilya' event ng
ABS-CBN bilang pasasalamat sa walang-sawang pagsuporta ng TV viewers
sa most-watched TV show sa bansa. Makakasama ni Coco sa paghahatid ng
iba't ibang sorpresa sa mga Davaoeño ang co-stars niya sa "Juan dela
Cruz" na sina Arron Villaflor at Neil Coleta. Samantala, tiyak na
lalong mapapakapit ang mga manunuod sa mga susunod na
makapigil-hiningang tagpo sa "Juan dela Cruz" ngayong natuklasan na ni
Juan (Coco) na siya ang nakatakdang 'Anak ng Dilim.' Sa nalalapit na
pagdating ng araw ng kanyang pagpili, makakayanan ba ni Juan na
talikuran ang kanyang ama na si Samuel (Albert Martinez) upang
maipagpatuloy ang misyon niya bilang isang Tagabantay? Huwag
palampasin ang paboritong superhero TV series ng mga Pilipino, "Juan
dela Cruz," gabi-gabi pagkatapos ng "TV Patrol" sa Primetime Bida ng
ABS-CBN. Para sa karagdagang updates sundan ang @JUANDELACRUZ_TV sa
Twitter at i-like ang official Facebook fanpage nito
nahttp://www.facebook.com/JuanDelaCruz.TV.

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...