Posible ba ang isang ordinaryong buhay para sa isang
ekstra-ordinaryong babae? Anong halaga ng pagmamahal ng isang pamilya
para sa isang dalagang walang ibang hangad kundi tanggapin siya ng
lipunang ginagalawan niya?
Ngayong Setyembre, masisilayan na ng TV viewers ng ABS-CBN ang
makamandag na ganda ni "Galema: Anak ni Zuma." Bibigyang buhay ang
classic Pinoy komiks character na ito ng Kapamilya actress na si Andi
Eigenmann.
Ang "Galema: Anak ni Zuma" ay halaw sa sikat na serye sa komiks ni Jim
Fernandez na mas naging popular sa masa ng maisapelikula ito noong
1985 at pinagbidahan ng aktres na si Snooky Serna.
Ngayong 2013, bilang bahagi ng engrandeng pagdiriwang ng ika-60
anibersaryo ng telebisyon sa Pilipinas, muling ipakikila sa TV viewers
si "Galema: Anak ni Zuma" na malapit nang mapanood sa Kapamilya Gold
ng ABS-CBN. Ang inaabangang TV remake ay sa ilalim ng direksyon ng
award-winning at box-office director na si Wenn V. Deramas.
Ang "Galema: Anak ni Zuma" ay kwento ng mabait na dalaga na si Galema
(Andi) na minana ang sumpa ng kanyang ama na si Zuma--ang pagkakaroon
ng kambal na ahas sa kanyang balikat.
Makakasama ni Andi sa "Galema: Anak ni Zuma" sina Matteo Guidicelli,
Meg Imperial, Sunshine Cruz, Sheryl Cruz, Carlos Morales, Divina
Valencia, Lito Legaspi, at ipinakilala si Derick Hubalde bilang si
Zuma
Tuklasin ang naiibang kamandag ni "Galema: Anak ni Zuma," ngayong
Setyembre na sa ABS-CBN.
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa "Galema: Anak ni Zuma,"
bisitahin lamang ang social networking sites ng programa sa
Facebook.com/galemaofficial and Twitter.com/galemaofficial
No comments:
Post a Comment