Sasabak na sa comedy ang dalawa sa mga matinee idol at award-winning
na mga aktor na sina John Lloyd Cruz at Jericho Rosales para dalhin
ang kanilang mga talento sa pag-aarte sa mga bagong lugar simula
ngayong Sabado (Setyembre 14) sa dalawang comedy show ng Kapamilya
Network, ang "Goin' Bulilit" at "Toda Max".
Magsisimula ang tawanan kasama si Echo bilang guest star ng sitcom na
pinagbibidahan nina Angel Locsin, Vhong Navarro, at Ai-Ai delas Alas.
Sa "Toda Max", gaganap si Echo bilang isang sikat na celebrity chef na
si Sir Chef, na darating sa Beverly Gils para i-promote ang cooking
show niyang "Be Careful With My Cooking". Diyan ay makikilala niya si
Justin (Vhong Navarro) na mag-a-apply para maging assistant chef. Ang
kaso, sa pagtatrabaho nila, may malalamang sikreto si Justin tungkol
sa celebrity chef na maaaring makasira sa kanyang career.
Samantala, si Lloydie naman ay kasama ng mga paboritong bulilit ng
Pinoy TV sa sikat na kiddie gag show na "Goin' Bulilit". Kasama si
Lloydie sa mga gags at magge-guest star siya sa segment ni Aaliyah
Belmoro na "Mutyaya ng Masa" at sa "How? How? With Islaw" kasama si
Clarence Delgado.
Para rin makasabay sa mga kasalukuyang nababalitaan, up-to-date rin
ang mga ihahatid ng cast ng "Banana Split: Extra Scoop" ngayong Sabado
(Setyembre 14). May mga kaabang-abang na pagbubunyag na mapapanood
tungkol sa pagbubuntis ni Melai Cantiveros. Maliban dito, pag-uusapan
din ang kakatapos lamang na Star Magic Ball at gaganap pa bilang si
Janet Napoles si Donya Bading (Jayson Gainza).
Sa hit teen series naman na "LUV U" ay may mga conflict din na
kailangan nang ayusin. Maiisip na ni Marj (Mika dela Cruz) na panahon
na para pagbatiin ang mga kaibigan niyang sina Lexie (Alexa Ilacad) at
Shirley (Sharlene San Pedro) sa kaaway nilang grupo na the Breakers na
sina Benj (Nash Aguas), Drake (Jairus Aquino) at Archie (Kobi
Vidanes). Matatapos na kaya ang rivalry ng boys at girls sa LUV U?
Huwag palampasin ang lahat ng mga ito sa mga comedy show ng ABS-CBN
Channel 2 simula ngayong Sabado (Setyembre 14), sa back-to-back airing
ng "Toda Max" at "Banana Split: Extra Scoop" pagkatapos ng "The Voice
of the Philippines". Abangan naman sa Linggo (Setyembre 15) ang "Goin'
Bulilit" pagkatapos ng "TV Patrol Weekend" at "LUV U" pagkatapos ng
"ASAP 18".
No comments:
Post a Comment