Tuesday, June 25, 2013

“WANSAPANATAYM” SPECIAL NINA JULIA, ZAIJIAN AT XYRIEL, MAGSISIMULA NA NGAYONG SABADO

Mapapanood na ngayong Sabado (Hunyo 29) ang "Wansapanataym Presents Petrang Paminta" na pinagbibidahan ng Kapamilya child wonders na sina Zaijian Jaranilla at Xyriel Manabat kasama ang isa sa most promising stars ng kanilang henerasyon na si Julia Barretto. TV remake ng nobela ni Pablo Gomez, ang "Wansapanataym Presents Petrang Paminta" ay sa ilalim ng direksyon ng box-office director na si Wenn V. Deramas. Tampok sa pinakabagong "Wansapanataym" special ang kuwento ng magkapatid na Petra (Julia) at Aya (Xyriel) na nagtatrabaho sa taniman ng paminta ng kanilang masungit na tiyahin. Dahil sa hirap ng kanilang buhay ay palihim silang tutulungan ng duwendeng si Pampam (Zaijian) na mayroong espesyal na pagtingin kay Petra. Paano nga ba magbabago ang buhay ng magkapatid sa tulong ng mahihiwagang paminta? Makakasama nina Julia, Zaijian, at Xyriel sa "Wansapanataym Presents Petrang Paminta" sina Diego Loyzaga, Ruby Rubi, Kiray Celis, Atak Aranas, Maricar de Mesa, Epi Quizon, Jayson Gainza, Tess Antonio, Joey Paras, at Alora Sasam. Huwag palampasin ang pilot episode ngayong Sabado ng four-week special ng storybook ng batang Pinoy, "Wansapanataym," 6:45PM, pagkatapos ng "Kapamilya: Deal or No Deal" sa ABS-CBN. Para sa karagdagang updates, mag-log on sawww.abs-cbn.com o sundan ang@abscbndotcom sa Twitter.

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...