Wednesday, June 12, 2013

JULIA BARRETTO DADAAN SA MATINDING PAGSUBOK SA BUHAY-PAMILYA SA “MMK”

Madamdaming kuwento ng isang anak ang bibigyang-buhay ng rising Kapamilya teen star na si Julia Barretto ngayong Sabado (Hunyo 15) sa kanyang kauna-unahang pagganap sa longest-running drama anthology ng ABS-CBN na "Maalaala Mo Kaya." Gagampanan ni Julia ang karakter ni Alex, isang batang lumaki sa kumpleto at masayang pamilya. Gumuho ang buhay ni Alex nang sumama ang kanyang ina sa ibang lalaki dahil nagsimulang malulong sa droga ang kanyang ama. Bago tuluyang masira ang kanilang pamilya, pinatawad ni Alex ang kanyang ama at nagsikap tapusin ang pag-aaral para patunayan sa ina na hindi niya ito kailangan. Magawa kaya ni Alex na patawarin ang kanyang nanay sa kabila ng pag-abandona nito? Paano maghihilom ang mga sugat sa pamilya na dulot ng isang malaking pagkakamali? Makakasama ni Julia sa "MMK" episode na ito sina Ara Mina, James Blanco, Jacob Dionisio, Tommy Abuel, Manuel Chua, Kristoff Meneses, Marikit Morales, at Yda Yaneza. Ito ay sa ilalim ng pananaliksik ni Akeem Jordan del Rosario, panulat ni Mark Angos, at direksyon ni Dado Lumibao. Abangan si Julia sa "MMK" ngayong Sabado pagkatapos ng "Wansapanataym," sa ABS-CBN. Para sa iba pang updates, mag log on sa www.mmk.abs-cbn.com, sundan ang @MMKOfficial sa Twitter, at i-"like" ang www.facebook.com/MMKOfficial.

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...