Pasasarapin ng pinakabagong cooking reality show na "Kuwentong Kusina, Kuwentong Buhay" ang bawat Linggo ng pamilyang Pilipino sa paghahain ng masasarap na pagkain at nakakabusog na mga kuwento ng inspirasyon simula ngayong Hunyo 23.
Tuwing Linggo ay iba't-ibang nakakaantig na kwento mula sa totoong buhay ang ilalahad sa programa na pangugunahan ng ultimate multimedia star na si Toni Gonzaga bilang host.
Para sa pamilyang Pilipino na kilalang mahilig sa mga salu-salo, may katapat na putahe ang bawat alaala at mahahalagang tagpo ng kanilang buhay. Kaya naman sa bawat episode ay isang 'featured Kapamilya' ang mapipili mula sa letter senders na magbahagi ng kani-kanilang nakakaantig na kwento. Tutuparin nina Toni at ng kanyang magiging panauhin ang simpleng hiling ng Kapamilyang ito na maghain ng saya sa kanyang mga mahal sa buhay sa pamamagitan ng mga espesyal na San Miguel Pure Food recipe.
Hindi lang mga hiling ng mga Kapamilya ang matutupad kung hindi pati rin ang pangarap ni Toni na maipamalas ang kanyang husay sa pagluluto. Lingid sa kaalaman ng marami ay mahilig magluto si Toni. Sa katunayan ay kumuha pa ang dalaga ng kursong culinary arts noon upang maghasa pa ang kanyang kakayahan sa kusina.
Itatampok din sa programa ang ilang culinary spots sa bansa na personal namangibibida ng mga Kapamilya star at celebrity chefs na mula roon.
Kilala ang San Miguel Pure Foods sa pag-aalaga at paghubog ng pamilya mula dekada singkuwenta. Kaya naman sa pamamagitan ng "Kuwentong Kusina, Kuwentong Buhay" ay mas pagiibayuhin nito ang dedikasyon sa pagpapatibay ng pundasyon ng bawat pamilyang Pilipino.
Huwag palampasin ang "Kuwentong Kusina, Kuwentong Buhay" tuwing Linggo, ika-9 ng umaga sa ABS-CBN.
No comments:
Post a Comment