Sunday, June 23, 2013

BREAK-BOY DANCE GROUP, WAGI BILANG “IT’S SHOWTIME” BIDA KIDS GRAND CHAMPION

Wagi ang b-boy or breakdancing group na Super Crew ng Dasmarinas, Cavite bilang ang unang Bida Kids Grand Champion ng "It's Showtime" kahapon (Hunyo 22). Makapanindig-balahibo ang kanilang performance kahapon at umani ito ng standing ovation sa lahat ng mga hurado at madlang people.

Tumanggap ng P500,000 ang Super Crew para sa kanilang tribal-inspired performance na nakakuha ng average score na 10. Malinis at puno ng hiphop stunts at tumbling moves ang kanilang sayaw kaya naman tinawag itong "world-class" ng hurado at host na si Jhong Hilario.

Itinanghal namang 2nd placer ang hiphop dance group na FMD Kids na nagwagi ng P200,000, samantalang 3rd placer naman ang gymnasts ng Tondo na Lakandula Elementary School Dance Squad na may P100,000.

Nanalo naman ng consolation prize na tig-P20,000 ang iba pang grand finalists na Higher Level Kids, Rated G, Likhain Dance Troupe, Kombo ni Vyosh, at Insiana Kids.

Bukod kay Jhong, nagsilbi ring hurado sa grand finals ang Kapamilya teen at child stars na sina Nash Aguas, Sharlene San Pedro, Zaijan Jaranilla, Bugoy Carino, Clarence Delgado, Aaron Junatas, Andre Garcia, at Mika dela Cruz.

Manatiling nakatutok sa "It's Showtime," 12:30PM mula Lunes hanggang Biyernes at 12NN tuwing Sabado sa ABS-CBN. Para sa updates ng programa, sundan ang @ItsShowtimena sa Twitter o i-like angwww.facebook.com/itsShowtimena.

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...