Friday, February 15, 2013

COCO AT JULIA, SOBRANG HAPPY SA MAINIT NA SUPORTA NG FANS SA "A MOMENT IN TIME”

Apaw-apaw na pasasalamat ang ipinarating ng phenomenal love team nina Coco Martin at Julia Monetes sa mainit na pagtangkilik at positibong feedback ng publiko sa kauna-unahan nilang pelikula na "A Moment In Time" palabas pa rin ngayon sa mahigit 130 cinemas nationwide. Handog ng Star Cinema, ang "A Moment In Time" ay graded "B" ng Cinema Evaluation Board. 

"I am so happy sa reaction ng mga tao sa movie noong pinapanood nila! Honestly, sobrang lakas ng kaba ko before mag-start ang showing pero nung naririnig ko na 'yung iba ay nagsisigawan pa sa mga eksenang pinapanood nila, parang worth it lahat ng hirap namin sa shooting," masayang pahayag ni Julia. 

Tulad ng kanyang ka-love team, wala ring pagsidlan ang tuwa ni Coco sa patuloy na pagdumog ng moviegoers sa tinagurian ng karamihan bilang perfect Valentine movie na "A Moment In Time." 

"Maraming salamat po sa lahat ng magagandang feedback na naririnig namin tungkol sa pelikula. Sobra-sobrang biyaya na po ito! Sobra rin akong happy kasi finally heto na, nakikita na naming ang pinaghirapan at pinagtrabahuhan namin ng ilang buwan. Kasi binigay ko na talaga lahat sa pelikulang ito," ani Coco. "Yung mga hindi ko usually ginagawa ay napagawa sa akin kaya laking pasasalamat ko sa Star Cinema na pumilit sa akin gawin ang mga 'yun. Kilala n'yo naman ako 'di ako sumasayaw, pero dito n'yo lang mapapanood 'yun. At base naman sa reaction ng tao sa eksena nagustuhan talaga nila." 

Bukod sa mga bagong talent na ipinasiklab ni Coco, isa pang hot topic sa mga manonood ang 'first kiss' diumano ni Julia sa pelikula. "Gusto kong may maibigay naman na bago sa audience at si Coco po naman ay kasama ko na nang napakatagal kaya nandun na 'yung tiwala," sabi ni Julia. 

Dagdag pa ni Coco, hindi naging mahirap para sa kanila ni Julia ang pinag-uusapang sweet moments dahil kampante sila sa isa't isa. "Wala namang ilangan. Mas nailang pa 'yata si Lola Flory (ang Lola ni Julia) kasi s'yempre first time ni Julia 'yun. Kailangan talagang abangan sa movie kung paano namin ginawa 'yun." 

Saksihan sa "A Moment In Time" ang naiibang love story nina Patrick (Coco) at Jillian (Julia) na daraan sa maraming pagsubok. Posible nga bang dumating at mawala ang pag-ibig sa isang iglap? Paano kung ang taong nais mong limutin at layuan ay sa isang saglit lang ay biglang magbabalik upang muli kang paibigin? 

Sa ilalim ng direksyon ni Emmanuel Palo, tampok rin sa "A Moment In Time" sina ZsaZsa Padilla, Cherie Gil, Gabby Concepcion, Ella Cruz, at ang kambal mula sa PBB Teen Edition 4 na sina Joj at Jai Agpangan. 

I-celebrate ang Valentine's season kasama ang buong pamilya at manood ng nakakatuwa, nakakkilig at nakaka-in love na first movie nina Coco at Julia, "A Moment In Time," palabas pa rin sa mahigit 130 cinemas nationwide. 

Para sa karagdagang impormasyon at pinakabagong updates tungkol sa "A Moment In Time," bisitahin lamang ang www.StarCinema.com.ph,http://facebook.com/StarCinema at http://twitter.com/StarCinema.

Thursday, February 14, 2013

BAMBOO, IKALAWANG COACH NG ‘THE VOICE OF THE PHILIPPINES’

Ang Rock Superstar na si Bamboo ang ikalawang celebrity na uupo bilang coach sa pinakaabangang singing competition ng ABS-CBN na The Voice of the Philippines kung saan sasamahan niya ang una ng ipinakilalang coach na si Sarah Geronimo.

Gagabayan at ime-mentor ni Bamboo bilang coach ang mga contestant na mapapabilang sa kanyang team at hahasain ang kakayahan ng mga ito sa pag-awit nang sa gayo'y isa sa kanila ang manalo at tanghaling "The Voice of the Philippines."

Dating bokalista ng mga bandang Rivermaya at Bamboo at ngayo'y isa ng award-winning na solo artist, si Bamboo ay nakumbinseng gawin ang naturang proyekto dahil naniniwala siya na ito na ang panahon para ipasa niya ang kanyang kaalaman sa susunod na henerasyon ng mga music artist sa bansa.

"Handa na ako maging coach. May tamang oras lahat ng 'yan at naniniwala akong ito na 'yun," sabi ni Bamboo.

Nang tanungin kung anong uri ng music artist ang nais niyang i-coach, paliwanag niya "Matagal na akong nakikinig sa rock pero pinapakinggan ko lahat ng genres—from rock to pop to folk to everything. Naghahanap ako ng singer na bukas sa iba't ibang klaseng musika at willing makinig at matuto."

Sa tingin mo ba ikaw ay may boses na makakakuha sa atensyon ni Bamboo? May iba't-ibang paraan para mag-audition.

Mag-log on sa www.thevoice.abs-cbn.com at mag-audition online hanggang Pebrero 19 sa pamamagitan ng pag-upload ng inyong video na kumakanta ng a capella o tanging boses lang ang gagamitin at walang anumang saliw ng background music, minus one o instrumento. Ang mga sasali ay dapat Pilipino o may lahing Pilipino na nasa edad 16 pagpasok ng Hunyo 2013. Maari ring ipadala lang ang video link ng inyong performance na naka-upload sa video-sharing sites tulad ng YouTube at Vimeo basta ay sumusunod pa rin ito sa mga nabanggit na pamantayan.

May auditions din na gaganapin sa Bacolod, Iloilo, Tacloban, at Cebu sa Pebrero 23; General Santos, Zamboanga, Cagayan De Oro, at Davao sa Marso 2; and sa Palawan, Laoag, Naga, Legazpi, Baguio, Dagupan, at Maynila sa Marso 9.

Para sa karagdagang updates, i-like lang ang www.facebook.com/thevoiceabscbnsa Facebook o i-follow ang @thevoiceabscbn sa Twitter. Abangan ang The Voice of the Philippines sa pangunguna ng host na si Toni Gonzaga malapit na sa ABS-CBN.

Wednesday, February 13, 2013

“MINUTE,” NAGHAHANAP NG TEEN STUDIO PLAYERS; NAGBUKAS NG ONLINE AUDITIONS

Matapos maglaro ang mga celebrity contestant sa unang buwan ng "Minute to Win It," umariba na ang unang regular contestant na naglaro ng tila madadali ngunit nakakakabang challenges sa top-rating Kapamilya game show noong Lunes (Feb 11). Panahon na ng mga ordinaryong Pilipino na magpakitang gilas kaya naman maaari na ring sumubok ang pinakamaliliksi, palaban, at madiskarteng kabataan na gustong maging studio player sa pamamagitan ng pagsabak sa teen tryouts ngayong Sabado (Feb 16). Gaganapin ito sa ABS-CBN Center Road sa Quezon City mula 9 AM hanggang 4 PM at bukas lamang para sa mga edad 15-18 taong gulang. Samantala, maaari ring mag-audition online ang mga nasa edad 18 taong gulang at pataas sa pamamagitan ng pag-upload ng video nilang gumagawa ng kahit anong challenge sa "Minute to Win It" sa cge.tv. Patuloy pa rin ang pamamayagpag ng "Minute to Win It" at patunay nito ang 16.9% na national TV rating na nakuha nito noong Lunes, anim na puntos na mas mataas laban sa kalabang "Knock Out" ng GMA na may 10.6% lang. Kaya't magpraktis na bago mag-audition at baka kayo na ang susunod na makakakuha ng P1 milyon! Patuloy na panoorin ang "Minute to Win It" kasama ang host na si Luis Manzano mula Lunes hanggang Biyernes, 11AM sa ABS-CBN. Para sa updates ukol sa programa, bisitahin ang www.facebook.com/minute2winitPH at sundan ang @Minute2WinItPH sa Twitter.

SAM AT PAULO, NAGKAKAPERSONALAN NA?

Unti-unti nang nabubuo ang kompetisyon sa pagitan ng mga karakter ng Kapamilya heartthrobs na sina Sam Milby at Paulo Avelino sa top-rating Primetime Bida kilig-serye ng ABS-CBN na "Kahit Konting Pagtingin." Dahil sa pagtulong ni Aurora (Angeline Quinto) sa pagpapagaling ng lolo nina Lance (Paulo) at Adam (Sam), handa nang magdesisyon si Don Arturo (Joonee Gamboa) kung sino sa kanyang mga apo ang nararapat na pumalit sa kanyang puwesto sa kanilang negosyo. Sino nga ba sa mag-kuya ang pipiliin ni Don Arturo na maging bagong CEO ng kanilang kompanya? Paano nga ba maapektuhan ang relasyon ng magkapatid kapag natuklasan ni Adam na tinutulungan ni Lance si Aurora na magsinungaling tungkol sa kanyang tunay na pagkatao? Huwag palampasin ang nakakikilig na adventures nina Adam, Lance at Aurora sa kilig-seryeng "Kahit Konting Pagtingin," gabi-gabi, bago mag "TV Patrol" sa Primetime Bida ng ABS-CBN. Para sa karagdagang impormasyon mag-log on lang sa www.abs-cbn.com, o sundan ang @abscbndotcom sa Twitter.

ATOM, BABASAGIN ANG MISTERYO SA LIKOD NG GAYUMA

Lubos na kaligayahan raw ang dala ng pag-ibig, ngunit maari nga ba itong maging isang sumpa?

Samahan si Atom Araullo na alamin ang kwento ni Carla, isang tipikal na estudyante na nahumaling sa isang lalaki at gumamit ng gayuma para mapaibig ito ngayong Biyernes (Feb 15) sa "Pinoy True Stories: Hiwaga."

Sa pagnanais ni Carla na mapasakanya agad ang Filipino-Spanish na si Delo, nagpatulong siya sa kanyang kaibigang marunong manggayuma. Tinuruan siya nito ng dasal o bulong na kanyang sasabihin gabi-gabi.

Matapos ang ilang araw ay umepekto na nga ang panggagayuma ni Carla. Subalit ang dapat sanang mala-fairytale romance na matagal na niyang inaasam ay naging isang bangungot na ngayo'y nais niyang takasan. Ang "pag-ibig" ni Delo para sa dalaga ay unti-unting humantong sa pagiging obsessed nito sa kanya. Hindi ito makakapayag na mawalay si Carla sa paningin niya.

Sa tulong ng mga eksperto, isang psychic medium, at isang life coach, tutulungan ni Atom si Carla na masolusyonan ang problema nito sa pag-ibig. Posible kayang bumalik sa dati ang kanilang mga buhay? O habambuhay nang magiging alipin si Delo sa pagmamahal niya na isa lamang ilusyon?

Huwag palalampasin pinakabagong kuwento ng kababalaghan handog ng "Pinoy True Stories: Hiwaga," sa pangunguna ng anchor na si Atom Araullo, ngayong Biyernes ng hapon (Feb 15), 4:45 p.m. pagkatapos ng "A Gentleman's Dignity" sa ABS-CBN. Para sa updates tungkol sa programa, bisitahin angwww.abscbnnews.com/currentaffairs.

Abangan din ibang mga bagong "Pinoy True Stories" hatid ng ABS-CBN News and Current Affairds, tulad ng "Bistado" ni Julius Babao tuwing Lunes, "Engkwentro" ni Karen Davila tuwing Martes, "Saklolo" nina Maan Macapagal at Dominic Almelor tuwing Miyerkules, at "Demandahan" ni Anthony Taberna tuwing Huwebes.

JAZZ SAXOPHONIST MINDI ABAIR AND DUO TUCK AND PATTI SERENADE MUSIC LOVERS AT THE ABS-CBN JAZZ GALA

Move to the soulful music of smooth jazz saxophonist Mindi Abair, and jazz duo Tuck and Patti at the annual Philippine International Jazz and Arts Festival (PI Jazzfest), in partnership with ABS-CBN's Cable and Print Media Group, this February 22 (Friday) at the Rockwell Tent in Makati.

With over a decade of performance and recordings/tours with some of the biggest stars in the music industry such as Backstreet Boys, Mandy Moore, Josh Groban, Adam Sandler, and currently Aerosmith, Mindi has indeed come a long way from playing on the streets of Santa Monica.

She has since produced 10 #1 radio singles and 5 major label solo releases that have topped the Contemporary Jazz Charts, "It Just Happens That Way" (2003), "Come As You Are" (2004), "Life Less Ordinary" (2006), "Stars" (2008), and "In Hi Fi Stereo" (2010).  She has hosted the internationally syndicated radio show "Chill With Mindi Abair" for 6 years and has been the featured saxophonist on the 2011 and 2012 seasons of "American Idol".

Meanwhile, fall in love with the music of American jazz duo Tuck Andress and Patti Cathcart, who have enchanted music lovers for three decades. The husband-and-wife duo has been performing since 1981, with Tuck on guitars and Patti on vocals and has since produced a string of albums including "Tears of Joy" (1988), "Learning to Fly" (1995), and "A Gift of Love" (2004).

The jazz night will also be filled by music coming from our very own up and coming jazz artists – Baihana, an all female jazz trio, and singer/songwriter, Jennifer Blair-Bianco.

The PI Jazzfest, which will run until Februay 27, is considered this year's biggest gathering of local and international artists. Since 2009, PI Jazzfest has brought the biggest jazz greats to the country to deliver successful, sold-out shows and celebrate jazz and artistry in the Philippines.

Tickets for the PI Jazzfest are sold in all Ticketworld outlets nationwide. For inquiries, log on to www.pijazzfest.com / www.ticketworld.com.ph or e-mailpijazz@gmail.com.

LA SALLE AT ATENEO MAGKAKAINITAN SA “BOTTOMLINE” NGAYONG SABADO

Matapos ang matagumpay na pagpapalabas ng "Rivalry: Ateneo-La Salle The Musical" noong nakaraang taon, muling itinatanghal sa entablado ngayong Pebrero ang istorya ng mainit na kompetisyon sa pagitan ng Ateneo de Manila University at De La Salle University. At ngayong Sabado (Pebrero 16) sa "The Bottomline With Boy Abunda," ibabahagi sa TV viewers ng producer at musical director ng nasabing musical na si Ed Gatchalian ang kanyang pananaw kaugnay ng ilang dekada nang tunggalian sa basketball sa Pilipinas ng dalawa sa pinakapremyadong unibersidad sa bansa. Upang higit na maging mainit ang diskusyon, bahagi ng audience ng "Bottomline" sa Sabado ang mga La Sallista na sina Japoy Lizardo, Johnny Sy, Henry Atayde, at Paolo Lucero; at mga Atenistang sina Karylle, Yael Yuzon, Nini Borja, Vin Dancel, Toto Malvar, Mike Go, at Kirk Long. Kailan nga ba nagsimula ang matinding kompetisyon sa pagitan ng Ateneo at La Salle? Paano nga ba nagkakaiba at nagkakapareho ang mga La Sallista at Atenista? Matapos makapag-aral ni Gatchalian sa parehong eskwelahan, masasabi ba niyang nakatutulong sa paghubog ng katauhan ng mga estudyante ang kompetisyon sa pagitan ng dalawang unibersidad? Huwag palampasin ang 2012 PMPC Best Public Affairs Program na "The Bottomline with Boy Abunda" ngayong Sabado, 11:30 ng gabi, pagkatapos ng "Banana Split" sa ABS-CBN. Para sa karagdagang updates, mag-log on lamang sa www.abs-cbn.com o sundan ang @abscbndotcom sa Twitter.

“PILIPINAS GOT TALENT” NILIBOT ANG MUNDO PARA SA IKAAPAT AT PINAKAMALKING SEASON

Bibida na ang pinakabago at pinakamalaking season ng "Pilipinas Got Talent" simula ngayong Sabado (Feb 16) kung saan muling masasaksihan ng sambayanan ang talent ng Pinoy hindi lang sa loob ng bansa kung hind imaging sa ibang bansa.

Sa unang pagkakataon ay nilibot ng ng PGT ang mundo partikular na sa USA, Japan, Singapore, Hong Kong, Middle East, Europe, Canada, Australia, at Guam para mabigyan ng pagkakataong magpamalas ng husay ang mga Pinoy roon sa idinaos nitong global auditions.

Ang tinanghal na pinakamahusay sa bawat teritoryo ay inilipad ng programa pabalik ng Pilipinas para makaharap na ang Big Three Judges na kinabibilangan nina Queen of All Media Kris Aquino, Comedy Queen Ai Ai Delas Alas, at 'The Expert' Freddie "FMG" Garcia.

Nakapag-audition ang mga nangangarap sumali sa kani-kanilang mga bahay sa pamamagitan ng pagpapadala ng kanilang video sa online auditions na isinagawa sa pakikipagtulungan sa Cge.tv.

"Alam naming marami pang kayang ipakita ang mga Pilipino lalo na sa larangan ng talent. Kaya naman ginawa naming ang global at online auditions para mas marami sa kanila ang mabigyan ng pagkakataong ipalamas ito sa iba. Pinakamalaking season ito ng PGT kaya nararapat lang din na mahanap naming ang pinakamahusay na talent sa loob o labas man ng bansa," paliwanag ni Business Unit Head Joyce Liquicia.

Talagang mas palaban ang mga sumali sa edisyong ito matapos itaas ng mga nakaraang season ng PGT ang pamantayan pagdating sa husay ng bawat talent. Bukod sa mga nakasanayang acts tulad ng pagkanta o pagsayaw, mas naging malikhain pa ang mga Pinoy sa talentong ipinamalas na kailanman ay hindi pa nakikita sa kasaysayan ng PGT."kung

"Kung sa tingin niyo nakita niyo na lahat sa mga nakaraang PGT, hintayin niyo ang bago naming season dahil mas madami pa kaming nadiskubre na kayang gawin ng mga Pinoy. Mula sa act na pinagsama ang gymnastics at wall climbing hanggang sa act na papatayin ang sindi ng kandila gamit ang kanyang utot, meron kami niyan ngayong season four," sabi ng executive producer na si Richelle Bernal.

Para mas lalong maging kapanapanabik, iniba rin ng produksyon ang paraan ng pagpapakilala sa bawat acts, pagbabahagi ng kuwento ng bawat auditionee, at ginawan pa ng pasabog na opening number ang hosts na sina Luis Manzano at Billy Crawford.

Haharapin ng PGT hopefuls ang Big Three jugdes sa audition stage at kinakailangan ay makuha nila ang boto ng mga ito para makausad sa sunod na stage. Lahat ng papasok ay mapapabilang sa listahan ng contestants na sasalain sa Judges Cull round, kung saan ang judges ay pipili lang ng 36 acts na papasok sa Quarter Finals.

Sa loob ng anim na linggo, anim na acts ang pagsasabungin sa isang talent showdown at sa pagtatapos ng gabi ay dalawa lang sa kanila ang makakalusot— isa ang pipiliin ng manonood via text votes at isa naman ay pipiliin ng judes—para mabuo ang listahan ng semi-finalists.

Ang 12 na semi-finalists ay muling maghaharap-harap sa Semi-Finals kung saan anim lang sa kanila ang matitira para maglaban-laban sa pinakaabangang Grand Finals.

Sino ang kaya tatanghaling ikaapat na grand winner ng "Pilipinas Got Talent?"

Huwag palalampasin ang "Pilipinas Got Talent 4" tuwing Sabado, simula Feb 16, pagkatapos ng "MMK," at tuwing Linggo, pagkatapos ng "Rated K" sa ABS-CBN.

Tuesday, February 12, 2013

“APOY SA DAGAT,” NILAMPASO ANG DALAWANG SERYE NG SIYETE!

Mistulang pinaso ng init ng pinakabagong Primetime Bida drama series ng ABS-CBN na "Apoy Sa Dagat" ang dalawang katapat nitong teleserye sa GMA dahil sa pamamayagpag nito sa national TV ratings. Patunay dito ang datos mula sa Kantar Media noong Lunes (Pebrero 11) kung kailan humataw ang pilot episode ng teleseryeng pinagbibidahan nina Angelica Panganiban, Diether Ocampo, at Piolo Pascual ng 25.9% national TV ratings, o lampas walong puntos na kalamangan kumpara sa dalawang katapat nitong serye sa Siyete na "Pahiram ng Sandali" na nakakuha lamang ng 17.7% at "Temptation of Wife" na mayroon lamang 17.5% national TV ratings. Bukod sa ratings, wagi rin maging sa social networking sites ang unang gabi ng "Apoy Sa Dagat" na kinatampukan ng pag-usbong ng pag-ibig sa pagitan nina Odessa (Nikki Gil) at Alberto (Patrick Garcia). Sa katunayan, sa buhos ng tweets tungkol sa maiiinit na eksena ng pilot episode, naging nationwide trending topic pa si Patrick sa microblogging site na Twitter. Paano babaguhin ng nakaraan nina Odessa, Alberto at Adrianna Lamayre (Empress) ang buhay ng mga pangunahing karakter ng "Apoy Sa Dagat" na sina Serena (Angelica), Ruben (Piolo), Anton (Diether), at Rebecca (Angelica)? Patuloy na tuklasin ang kwento ng nag-uumapaw na pag-ibig, malaking sakripisyo at matinding panlilinlang sa "Apoy Sa Dagat," gabi-gabi, 9pm, pagkatapos ng "Ina Kapatid Anak" sa Primetime Bida ng ABS-CBN. Para sa karagdagang updates, mag-log on sa www.abs-cbn.com o i-follow ang @abscbndotcom sa Twitter.

“SPIDER-MAN” DIRECTOR NOW TAKES AUDIENCES TO THE LAND OF “OZ”

             Director Sam Raimi's new fantasy-adventure, Disney's "Oz The Great and Powerful," imagines the origins of the beloved wizard character, who made his debut in author L. Frank Baum's first book "The Wonderful Wizard of Oz." As a cinematic prequel to the book, the film explores the backstory of the wizard character and offers a unique, original movie-going experience.

             Baum, who wrote 14 novels between 1900-1920, all set in the fantasyland he so vividly created, never fully portrayed the wizard character's background in his books. "I love origin stories and I liked the idea of how the wizard came to be," says producer Joe Roth. "So, going back to Baum's books to research and imagine his beginnings seemed like a great idea."

             With "Oz The Great and Powerful," Sam Raimi (the "Spider-Man" trilogy) tackles the biggest directorial project of his career, saying, "This is a very big picture, gigantic in scale. The world of Oz as Frank Baum created it has so many different countries and lands. It's an entire, fabricated world. As large as the 'Spider-Man' films were, that was a fantastic character in a city we knew, Manhattan. It wasn't a created world. That's what Baum has done in his books. He's created this entire world of Oz."

             The imaginative story, with screenplay by Mitchell Kapner and David Lindsay-Abaire, follows Oscar Diggs (James Franco), a small-time circus magician with dubious ethics, who is hurled away from dusty Kansas to the vibrant Land of Oz. There, Oscar thinks he's hit the jackpot—fame and fortune are his for the taking—that is until he meets three witches, Theodora (Mila Kunis), Evanora (Rachel Weisz) and Glinda (Michelle Williams), who are not convinced he is the great wizard everyone's been expecting. Reluctantly drawn into the epic problems facing the Land of Oz and its inhabitants, Oscar must find out who is good and who is evil before it is too late. Putting his magical arts to use through illusion, ingenuity—and even a bit of wizardry—Oscar transforms himself not only into the great and powerful wizard but into a better man as well.

             Director Sam Raimi comments, "It's very interesting to me that we learn about this mysterious character of Oz, who is really an enigma in Baum's book. Who is this guy? How did he get there? How did he end up with this fantastic apparatus and become a ruler if he's a fake?"

             "This film explains how all the characters became who they are and explains their origins so you understand them a little more," actress Mila Kunis observes. "It brings a little more sincerity and truth to all the characters. And, while being funny and endearing, it very much stays true to the original concepts that L. Frank Baum created."

             James Franco adds his take on the film, saying, "In some ways, the story in our film is a metaphor and an analogy to what we all do as filmmakers. Oz is a magician. He puts on shows. In the Land of Oz, he creates illusions for different reasons. And that's basically what a movie is, it's creating an illusion. It's creating an imaginary world for an audience."

             "Oz The Great and Powerful" boasts a stellar cast that includes Academy Award® nominee James Franco ("127 Hours") as Oscar Diggs, the predestined wizard; Golden Globe® nominee Mila Kunis ("Black Swan") as the tormented young witch Theodora; Academy Award® winner Rachel Weisz ("The Constant Gardener") as Theodora's older sister, Evanora, the witch who rules over Emerald City; and three-time Oscar®-nominated actress Michelle Williams ("Brokeback Mountain," "My Week with Marilyn") as Glinda, the Good Witch.

             Raimi's cast also includes Emmy® and Golden Globe® nominee Zach Braff ("Scrubs"), who plays Franco's circus assistant while also lending his vocal talents to one of the CGI creatures in the story—Finley, the winged monkey, who accompanies the magician on his journey through Oz, serving as his sounding board and conscience; and 13-year-old actress Joey King ("Ramona and Beezus"), who voices another CGI character in the story, China Girl, the porcelain doll-like child who also joins the future Wizard on his fateful excursion through Oz.

             "Oz The Great and Powerful" was filmed in 3D using 3D cameras. This was a new experience for Raimi. Filming in 3D changed the way he worked with the camera—3D cameras are not as mobile and the director likes to move the camera around. "There are still times when I move the camera faster or am a little rough with it," says the director, "and the technicians don't want me manhandling those two lenses because they have to be in such perfect alignment."

             When moviegoers see the film, director Sam Raimi would like them to come to the theater expecting a big adventure and a story that they can connect with. "I hope they laugh and fall in love with the Wizard," says Raimi. "I hope they're terrorized by the Wicked Witch and the winged baboons. I think there are some surprises waiting for them down the Yellow Brick Road."

             Opening across the Philippines on Thursday, March 7 in IMAX 3D, Digital 3D and regular theaters, "Oz The Great and Powerful" is distributed by Walt Disney Studios Motion Pictures International through Columbia Pictures.
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...