Nagbabalik sina Coach Bamboo, KZ Tandingan, at Martin Nievera upang muling gabayan ang bagong batch ng mga young artist na pangarap pa rin ang puhunan at boses ang labanan para maging kampeon ng “The Voice Teens,” na mapapanood na ngayong Sabado at Linggo (Pebrero 17 & 18) sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, at TV5.
Ibinahagi ni Rockstar Royalty Bamboo na hindi siya nakakaramdam ng pressure para muling maging winning coach sa bagong season ng reality singing competition matapos magkaroon ng dalawang “The Voice” champion ang Kamp Kawayan.
“I have never had pressure. I mean if I think about it, I had like disappointments, but I know it is not in my control. Ang alam ko lang is as long as I put the work in and my artist puts the work in, and then we do our best on that given night, okay na ko,” kwento in Bamboo.
Sabi naman ni Asia’s Soul Supreme KZ, na bumalik para sa kanyang ikalawang taon bilang coach, na mga young artist na talagang gutom at sabik na mapabilang sa kumpetisyon ang kanyang hinahanap.
“I am looking for artists who are truly hungry to be in ‘The Voice Teens’ kasi mararamdaman mo ‘yun, maririnig mo ‘yun, kahit ‘di mo sila nakikita. Maririnig mo if they are really singing from somewhere deeper,” paliwanag ng coach ng Team Supreme.
Ibinunyag din ni KZ ang isang makabuluhang tattoo ng logo ng "The Voice" sa kanyang braso na nagsisilbing isang espesyal na alaala sa isang magandang bahagi ng kanyang buhay.
“It's a full circle moment for me dahil first time kong mag-judge na kasama si Sir Martin and I started in a competition na judge si Sir Martin so parang it doesn't happen to just anyone so I'm grateful," dagdag ni KZ.
Samantala, nakwento naman ni Concert King Martin Nievera na mas naging malapit sila ng kanyang mga kapwa coach ngayong taon matapos ang “The Voice Kids” noong nakaraang 2023.
“This season, Coach Bamboo, Coach KZ, and I were hitting it off so well. You will see here on ‘The Voice Teens’ how we spin off each other. Sa blind auditions, how we try and feed off of each other’s humor or even in serious moments, how we helped each other, how we stand back to let the other shine,” sabi ni Martin.
Bukod sa mga coach, nagbabalik din bilang hosts sina Robi Domingo at Bianca Gonzalez, habang ang alumni ng “The Voice Teens” na sina Jeremy Glinoga at Lorraine Galvez mula sa Season 1 at Season 2 grand champions na sina Isang Manlapaz at Kendra Aguirre ang online hosts ng “The Voice Teens ” DIGITV.
Isa sa pinakamatagumpay na talent-reality show ng ABS-CBN ang “The Voice” na nakadiskubre at gumabay sa mga nangangarap na mang-aawit mula sa iba’t ibang edition at season ng programa na ngayon ay gumagawa na ng sarili nilang marka sa industriya.
Sino ang susunod na Gen Z young artists ang mapapabilang sa Kamp Kawayan, Team Supreme, at MarTeam? Alamin sa “The Voice Teens” tuwing Sabado at Linggo sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, at TV5.
No comments:
Post a Comment