Thursday, September 26, 2013

JUDAY, MAGHAHATID NG INSPIRASYON SA MGA PAMILYANG PINOY SA BAGONG GAME SHOW NA ‘BET ON YOUR BABY’

Aliw, edukasyon at inspirasyon ang hatid ng isa sa mga paboritong
showbiz mommy ng bansa na si Judy Ann Santos-Agoncillo bilang host ng
pinakabagong game show ng ABS-CBN, ang "Bet On Your Baby".

Bilang isang hands-on mom, isa ito sa mga proyektong malapit sa puso
ni Juday, lalo na't akma kay Juday ang mensahe ng programa na
importante ang pagbuo ng malapit na relasyon ang mga magulang sa
kanilang mga anak.

Puwedeng maging kalahok sa "Bet On Your Baby" ang mga pamilyang may
baby na may edad dalawa hanggang tatlo't kalahating taong gulang. Sila
ay sasali sa mga laro kung saan masusubukan kung gaano nila kakilala
ang isa't isa.

"Nu'ng i-present sa'kin yung show at nakuha ko na yung feel ng
programa, natuwa at naaliw ako kasi naglalaro lang talaga 'yung mga
bata," sabi ni Juday. "Nu'ng unang taping, lahat nage-enjoy." Maliban
pa dito, nakadisenyo ang mga laro para maging edukasyonal din para sa
mga bata, kaya mas lalong masaya si Juday na tinanggap niya ang
pagho-host nito.

Nae-excite din si Juday sa kanyang interaksyon sa mga magulang na
kasali sa programa, dahil nakikita niya na, katulad niya, naglalagay
din sila ng halaga sa pagko-konek sa kanilang mga anak. "May
napapagusapan kaming mga common experience ng mga magulang na sumasali
sa show. Nakaka-relate kasi kami sa isa't isa," sabi niya.

Agad din natuwa si Juday sa mga batang nakilala niya sa programa.
"Hindi mahirap mahalin ang programa mismo, kasi mga happy na baby lang
yung kasama mo lagi, at hindi ka pwedeng magkamali doon," kwento ni
Juday.

Ang koneksyon na ito ay nais ibahagi ni Juday sa lahat ng pamilyang
Pilipino, gamit ang mga technique na ipapakita sa "Bet On Your Baby".

"Hopeful ako na makaka-inspire ang programa para mas lalong ma-enjoy
ng mga magulang ang kanilang mga anak. Kaya nga nandito ang 'Bet On
Your Baby'—para maihatid ang mensahe na dapat lang nilang i-enjoy ang
koneksyon na 'yan. Bilang isang magulang din, natutunan ko na
pagdating sa 'yong mga anak, ayaw mong ma-miss ang kahit aling moment
kasama sila. Importante na maging bahagi ka ng kanilang buhay sa lahat
ng kanilang madadaanan. Totoo nga pala na magiging selfless ka kapag
nagka-anak ka. Totoo na mapapangiti ka kahit walang dahilan. All of a
sudden, na-va-value mo na nabubuhay ka."

Mapapanood na sa Oktubre ang "Bet On Your Baby" sa ABS-CBN. Para sa
mga update, i-like ang "Bet On Your Baby" sa Facebook
(www.facebook.com/betonyourbabyph) at sundan ang @betonyourbabyph sa
Twitter o ang betonyourbabyphilippines sa Instagram.

Wednesday, September 25, 2013

GIYERA NINA ENRIQUE AT ENCHONG, PATINDI NANG PATINDI SA “MULING BUKSAN ANG PUSO”

Nagliliyab ang digmaan ng mga karakter nina Enrique Gil at Enchong Dee
sa consistent top-rating primetime TV series nila sa ABS-CBN na
"Muling Buksan Ang Puso," na malapit nang matapos ngayong Oktubre.

"Mas matindi po ang mga susunod na tapatan nina Leonel (Enchong) at
Francis (Enrique) lalo na ngayong nalantad na ang mga lihim na
nag-uugnay sa aming pamilya--na ang ama kong si Anton (Christopher de
Leon) ay maghihiganti laban sa pamilya ni Donya Adelina (Susan Roces)
na nang-api sa kanyang pamilya noong araw," kwento ni Enchong na lubos
ang pasasalamat sa lahat ng manonood na pumupuri sa kanyang pagganap
sa itinuturing niyang 'most challenging role.' Dahil sa ipinamalas na
husay ni Enchong sa "Muling Buksan Ang Puso," isang bagong teleserye
at pelikula ang nakatakda niyang gawin.

Tulad ni Enchong, malaki rin ang utang na loob ni Enrique sa teleserye
nilang nagbigay sa kanila ng pagkakataong patunayan ang kakayahan nila
sa larangan ng pag-arte.

"Dahil sa 'Muling Buksan Ang Puso,' mas naipakita namin nina Enchong
at Julia ang kaya naming gawin sa drama. Proud kami na ang teleserye
namin ay hindi lamang basta nagpakilig kundi nagbukas ng puso ng TV
viewers sa isang kwentong sumasalamin sa tunay na pinagdaraanan ng
ilang pamilyang Pilipino," pahayag ni Enrique na matapos ang serye ay
magiging mas abala sa kanyang upcoming Star Cinema movie at solo
concert sa Araneta Coliseum sa Nobyembre 29.

Masayang-masaya naman ang leading lady nina Enrique at Enchong na si
Julia Montes sa espesyal na tagumpay na nakamit ng kanilang teleserye.

"Sa pagsasara ng serye namin sa October 4, masasabi po namin na
fulfilled kami sa pagbibigay ng de-kalibreng programa sa viewers.
Sulit po ang lahat ng puyat at pagod namin dahil simula nang mag-pilot
kami noong July 8 hanggang ngayon, damang-dama po namin ang pagmamahal
ng tao dahil sa consistent high ratings namin," ani Julia na mas
kinilala ang talent sa acting dahil sa pagganap niya bilang si Sarah.

Samantala, may special mini-concert sina Julia, Enrique at Enchong
para sa lahat ng nagmamahal sa "Muling Buksan Ang Puso." Gaganapin ang
mall show at album launch nila ngayong Sabado (Setyembre 28), alas-5
ng hapon, sa SM Fairview Annex. Dadalo sa programa ang tatlo sa
best-selling recording artists ng Star Records na sina Erik Santos,
Jed Madela at Angeline Quinto.

Huwag palampasin ang huling mga gabi ng "Muling Buksan Ang Puso,"
pagkatapos ng "Got To Believe," sa ABS-CBN Primetime Bida.

3 ENTRIES NG DZMM, PAMBATO NG PINAS SA ABU PRIZES 2013

Tanging ang DZMM Radyo Patrol 630 lamang ang broadcast company sa
Pilipinas na pasok bilang finalist at makikipagpaligsahan sa tatlong
kategorya sa prestihiyosong Asia Pacific Broadcasting Union (ABU)
Prizes 2013 na gaganapin sa Hanoi, Vietnam ngayong Oktubre 28.

Makakatapat ni Ted Failon ang iba pang mamamahayag mula sa IRIB ng
Iran, ABC ng Australia at RNZ ng New Zealand sa Best On-Air
Personality Category para sa programa niyang "Failon Ngayon."

Nominado naman ang "Habagat," ang special news coverage nito sa
naganap na malawakang pagbaha at matinding pag-ulang naranasan noong
unang bahagi ng Agosto ng nakaraang taon para sa News Reporting
Category. Makakatunggali nito ang iba pang entries mula sa RTHK ng
Hong Kong, ABC ng Australia at RNZ ng New Zealand.

Makakalaban naman ng promo campaign nitong "DZMM Halalan 2013" noong
nagdaang eleksyon ang entries ng VOV ng Vietnam, RTM ng Malaysia at
Radio Broadcasting FM ng Bangladesh sa kategoryang Radio Special Jury
Prize.

Noong 2007 ay nakapag-uwi na ng karangalan ang DZMM mula sa ABU Prizes
na ginanap noon sa Tehran, Iran. Nakuha ng "Alas-Onse Y Media," na
ngayon ay RPB Alas Dose ang ABU Prize para sa News Program (Radio)
dahil sa coverage nito sa pananalasa ng bagyong Reming sa Bicol.

Itinatag noong 1964, ang ABU ay isang non-profit, non-government at
professional association na may 255 miyembro mula sa 63 bansa. Layunin
nitong paunlarin ang industriya ng pamamahayag.

34 KALOKALIKES, MAGPAPATALBUGAN SA WEEK-LONG FINALS NG “IT’S SHOWTIME”

Malapit nang makilala ang ikalawang Ultimate Kalokalike ng ABS-CBN
noontime show na "It's Showtime" sa grand patalbugan ng 34 Kalokalikes
sa "Kalokalike Face 2" grand finals week nitong Lunes hanggang
Biyernes (Setyembre 23-27).

Sasalain ang mga ito upang makuha ang Top 15 Kalokalike grand
finalists na siyang iaanunsyo at maglalaban-laban sa grand finals
ngayong Sabado (Sept 28). Sa pagkuha ng Top 15 na ito, mas makikilala
pa ng madlang people ang mga kwento at inspirasyon sa likod ng
panggagaya nila sa kanilang idolong celebrities.

Sino nga kaya ang tunay na nag-level up at siyang karapat-dapat na
magwagi bilang Ultimate Kalokalike at ang premyong P300,000?

Samantala, iniimibitahan naman ang iba't ibang grupo, magkakabarkada,
o magkakapamilya na sumali sa bagong pakulo na "Jambunganga" at gumawa
ng mga kakaibang tunog at musikang nakakaaliw.

Bumuo ng group na may lima hanggang 12 miyembro, at mag-audition sa
ABS-CBN Audience Entrance sa Sgt. Esguerra St. sa Quezon City mula
Lunes hanggang Biyernes, 3-5PM at hanapin sina Heide Villanueva at
Jonathan Maximo.

Ang mga auditionees ay kailangang magdala ng valid ID at birth
certificate kung ang miyembro ng grupo ay 14 taong gulang pababa.

Ang "Kalokalike Face 2 Grand Finals" ay bahagi ng pasabog na weekend
ng ABS-CBN kung kailan tampok din ang pagwawakas ng isa sa
pinakamatagumpay na game show adaptations sa Philippine television,
ang "Kapamilya Deal or No Deal." Sa huling bira nito ngayong Sabado,
ang batikang broadcast journalist na si Korina Sanchez hahamon na
makipagtawaran kay Banker at susubok na maiuwi ang P2 milyong jackpot
para sa kapakanan ng kanyang napiling beneficiary.

Pagpatak naman ng 8:15 PM, tutukan kung sino ang tatanghaling
kauna-unahang "The Voice of the Philippines" sa pinakahuli at
inaabangang showdown ng Final Four artists na sina Janice Javier,
Klarisse de Guzman, Myk Perez, at Mitoy. Huwag ding palampasin sa
Linggo (Sept 29) ang ikalawang bahagi ng two-part finale kung saan may
hatid ding performances si Taboo ng grupong Black Eyes Peas at si
Shane Filan na miyembro ng dating boyband na Westlife.

Huwag palampasin ang "It's Showtime" sa ABS-CBN, 12:30 PM mula Lunes
hanggang Biyernes at 12NN tuwing Sabado. Manatiling updated sa
programa sa pamamagitan ng pag-follow sa @ItsShowtimeNa sa Twitter.

Thursday, September 12, 2013

DANIEL PADILLA AAMIN NA SA TOTOONG ‘MAGIC’ NG KANYANG CAREER

Sasakupin na ng 'teen king of Philippine showbiz' at bida ng
top-rating primetime teleseryeng "Got To Believe" star na si Daniel
Padilla ang "MOR 101.9 For Life!" at "MOR TV" (www.MOR1019.com)
ngayong Setyembre.

Sa kauna-unahang pagkakataon, makakapanood ang online audience ng
"MOR" ng video interview sa hit radio morning show na 'Sabado Sikat
Special' ni DJ China Paps. At si Daniel ang unang special guest sa
three-part special episode ng programa.

Sa kanyang eksklusibong panayam, buong pagkukumbabang inamin ni Daniel
na hindi niya inaasahan at pawang biyaya ng Diyos ang lahat ng
tagumpay na natatanggap niya.

"Hindi ko po talaga alam kung saan galing 'yung sinasabi nilang
'Daniel Padilla magic," paliwanag ng phenomenal young actor-singer
kaugnay ng madalas na sabihing rason ng kanyang fans bakit siya
gustong-gusto ng mga ito.

"Naniniwala ako na dahil sa mga supporter ko kaya maganda ang takbo ng
career ko. 'Yung ibang artist, marami rin silang followers, pero 'yung
fans ko ay napaka-active sa pagsuporta sa lahat ng mga ginagawa ko,"
pahayag ng ka-love team ni Kathryn Bernardo, na bukod sa top-rating TV
shows at blockbuster hit movies ay mayroon ring best-selling albums.
Ipinakilala rin si Daniel bilang isa sa mukha ng "MOR 101.9 For Life,"
kasama nina Vice Ganda at Toni Gonzaga, nang inilunsad ang istasyon
noong Hulyo.

"Masaya at thankful sa fans ko dahil walang sawa sila sa pag-suporta
nila sa akin at kay Kathryn sa lahat ng special projects at events
namin," ani Daniel. "Bilang pasasalamat, lagi lang akong totoo at
loyal rin sa kanila."

Huwag palampasin ang three-part "Sabado Sikat Special," sa Setyembre
21, Setyembre 28 at Oktubre 5, mula 9am hanggang 11am sa "MOR TV" sa
www.mor1019.com at sa hottest FM radio station sa Mega Manila "MOR
101.9 For Life!" Para sa iba pang updates kaugnay ng "M.O.R. 101.9 For
Life!" i-'like' lamang ang Facebook fanpage nito
sawww.facebook.com/mor1019 at i-follow ang @MOR1019 sa Twitter.

LLOYDIE AT ECHO, MAGKO-COMEDY NA

Sasabak na sa comedy ang dalawa sa mga matinee idol at award-winning
na mga aktor na sina John Lloyd Cruz at Jericho Rosales para dalhin
ang kanilang mga talento sa pag-aarte sa mga bagong lugar simula
ngayong Sabado (Setyembre 14) sa dalawang comedy show ng Kapamilya
Network, ang "Goin' Bulilit" at "Toda Max".

Magsisimula ang tawanan kasama si Echo bilang guest star ng sitcom na
pinagbibidahan nina Angel Locsin, Vhong Navarro, at Ai-Ai delas Alas.
Sa "Toda Max", gaganap si Echo bilang isang sikat na celebrity chef na
si Sir Chef, na darating sa Beverly Gils para i-promote ang cooking
show niyang "Be Careful With My Cooking". Diyan ay makikilala niya si
Justin (Vhong Navarro) na mag-a-apply para maging assistant chef. Ang
kaso, sa pagtatrabaho nila, may malalamang sikreto si Justin tungkol
sa celebrity chef na maaaring makasira sa kanyang career.

Samantala, si Lloydie naman ay kasama ng mga paboritong bulilit ng
Pinoy TV sa sikat na kiddie gag show na "Goin' Bulilit". Kasama si
Lloydie sa mga gags at magge-guest star siya sa segment ni Aaliyah
Belmoro na "Mutyaya ng Masa" at sa "How? How? With Islaw" kasama si
Clarence Delgado.

Para rin makasabay sa mga kasalukuyang nababalitaan, up-to-date rin
ang mga ihahatid ng cast ng "Banana Split: Extra Scoop" ngayong Sabado
(Setyembre 14). May mga kaabang-abang na pagbubunyag na mapapanood
tungkol sa pagbubuntis ni Melai Cantiveros. Maliban dito, pag-uusapan
din ang kakatapos lamang na Star Magic Ball at gaganap pa bilang si
Janet Napoles si Donya Bading (Jayson Gainza).

Sa hit teen series naman na "LUV U" ay may mga conflict din na
kailangan nang ayusin. Maiisip na ni Marj (Mika dela Cruz) na panahon
na para pagbatiin ang mga kaibigan niyang sina Lexie (Alexa Ilacad) at
Shirley (Sharlene San Pedro) sa kaaway nilang grupo na the Breakers na
sina Benj (Nash Aguas), Drake (Jairus Aquino) at Archie (Kobi
Vidanes). Matatapos na kaya ang rivalry ng boys at girls sa LUV U?

Huwag palampasin ang lahat ng mga ito sa mga comedy show ng ABS-CBN
Channel 2 simula ngayong Sabado (Setyembre 14), sa back-to-back airing
ng "Toda Max" at "Banana Split: Extra Scoop" pagkatapos ng "The Voice
of the Philippines". Abangan naman sa Linggo (Setyembre 15) ang "Goin'
Bulilit" pagkatapos ng "TV Patrol Weekend" at "LUV U" pagkatapos ng
"ASAP 18".

Tuesday, September 10, 2013

TV5 DOES IT FARTHER: All new Pinoy Explorer takes travel to a higher level

ga Muhlach takes you to places you have never been before, here and
abroad, in the all new season of Pinoy Explorer. With new destinations
to conquer and new sights to see, Pinoy Explorer takes travel to an
all new level by helping the communities featured in every episode.

Pack your bags and prepare to discover the world with Pinoy Explorer
this September 15 only on TV5

Monday, September 9, 2013

TV5 DOES IT FUNNIER: The master gagsters return to the original home of gag shows in Tropa Mo Ko Unli

The original gagsters from Tropang Trumpo, Ogie Alcasid and Gelli De
Belen, returns to the home of gag shows in Tropa Mo Ko Unli. Joined by
today's rising gagsters, Edgar Allan Guzman, Empoy, Alwyn Uytingco,
Eula Caballero, Ritz Azul, Jasmine Curtis-Smith and the top scholars
from Artista Academy, Tropa Mo Ko Unli is your newest, coolest barkada
that will spice up Saturday evenings with their wacky antics.

Tropa Mo Ko Unli will start to tickle your funny bone on Saturday,
September 14 on TV5.

KIRAY, MAGPAPALUHA SA “MMK”

Mahusay ngunit puno ng insecurity ang karakter na gagampanan ng
Kapamilya comedienne na si Kiray Celis sa panibagong episode ng
"Maalaala Mo Kaya" na ipalalabas ngayong Sabado (Setyembre 14). Dahil
sa pagiging maliit, halos buong buhay na nagsumikap si Brenda (Kiray)
upang mapabilib ang mga tao sa paligid niya. Ngunit sa kabila ng
tagumpay, hindi pa rin lubos ang tiwala ni Brenda sa sarili, lalo na
nang pumasok sa buhay niya ang lalaking minamahal niya. Gaano ba
kahirap makamit ang pagmamahal at respeto ng iba kung mismong sarili
mo ay hindi mo tanggap? Kasama ni Kiray sa "MMK" sina Arjo Atayde,
Tetchie Agbayani, Ronnie Lazaro, Aaliyah Belmoro, Gilleth Sandico,
Marnie Lapuz, Raquel Villavicencio, Young JV, Bianca Casado, EJ
Jallorina, Marie Joy Dalo at Alec Dungo. Ito ay sa ilalim ng
pagsasaliksik ni Akeem Jordan Del Rosario, panulat ni Mary Rose
Colindres, at direksyon ni Garry Fernando. Huwag palampasin ang
panibagong kwentong buhay na aantig sa puso ng lahat sa "Maalaala Mo
Kaya" (MMK), ngayong Sabado, pagkatapos ng "Wansapanataym" sa ABS-CBN.
Para sa iba pang updates, mag log on sawww.mmk.abs-cbn.com, sundan ang
@MMKOfficial sa Twitter, at i-"like" angwww.facebook.com/MMKOfficial.

Friday, September 6, 2013

WEEKEND DO IT BETTER ng TV5, magkakaroon ng bonggang launch sa SM Megamall sa Linggo!

Kick off ng mga bagong show ng TV5 ang WEEKEND DO IT BETTER Launch
ngayong Linggo, Sept. 8, sa Megatrade Hall 2 sa SM Megamall. Ang
launch ng walong bagong weekend program ng TV5 (Showbiz Police, Tropa
Ko UNLI, Killer Karaoke, What's Up Doods? Pinoy Explorer (New
season), Who Wants to be a Millionaire (New season/Season 10), Wow
Mali Pa Rin, The Mega and the Songwriter), ay isa ding family day na
tiyak na magiging masaya, dahil sa mga activity, contest, at
performance ng mga TV5 artista na tiyak na inaabangan ng marami.

Imbitado ang publiko na sumama sa mga kasiyahan mula sa mga
sari-saring booth sa launch. Magkakaroon din ng grand raffle kung
saan maaaring manalo ng P100K na travel package mula sa Pinoy
Explorer. Iba't-ibang Kapatid artista, sa pangunguna ni Mega Star
Sharon Cuneta, ay makikihalubilo sa mga bisita, at kakanta.

Huwag kalimutang pumunta sa WEEKEND DO IT BETTER launch ngayong
Linggo, na bukas sa publiko mula 8AM hanggang 7PM. Huwag ding
kalimutan panoorin ang pilot episodes ng walong bagong show ng TV5 na
ilalabas sa weekend ng Sept. 14-15.

Wednesday, September 4, 2013

MAKAMANDAG NA GANDA NI ANDI BILANG GALEMA, MASISILAYAN NA NGAYONG SETYEMBRE

Posible ba ang isang ordinaryong buhay para sa isang
ekstra-ordinaryong babae? Anong halaga ng pagmamahal ng isang pamilya
para sa isang dalagang walang ibang hangad kundi tanggapin siya ng
lipunang ginagalawan niya?

Ngayong Setyembre, masisilayan na ng TV viewers ng ABS-CBN ang
makamandag na ganda ni "Galema: Anak ni Zuma." Bibigyang buhay ang
classic Pinoy komiks character na ito ng Kapamilya actress na si Andi
Eigenmann.

Ang "Galema: Anak ni Zuma" ay halaw sa sikat na serye sa komiks ni Jim
Fernandez na mas naging popular sa masa ng maisapelikula ito noong
1985 at pinagbidahan ng aktres na si Snooky Serna.

Ngayong 2013, bilang bahagi ng engrandeng pagdiriwang ng ika-60
anibersaryo ng telebisyon sa Pilipinas, muling ipakikila sa TV viewers
si "Galema: Anak ni Zuma" na malapit nang mapanood sa Kapamilya Gold
ng ABS-CBN. Ang inaabangang TV remake ay sa ilalim ng direksyon ng
award-winning at box-office director na si Wenn V. Deramas.

Ang "Galema: Anak ni Zuma" ay kwento ng mabait na dalaga na si Galema
(Andi) na minana ang sumpa ng kanyang ama na si Zuma--ang pagkakaroon
ng kambal na ahas sa kanyang balikat.

Makakasama ni Andi sa "Galema: Anak ni Zuma" sina Matteo Guidicelli,
Meg Imperial, Sunshine Cruz, Sheryl Cruz, Carlos Morales, Divina
Valencia, Lito Legaspi, at ipinakilala si Derick Hubalde bilang si
Zuma

Tuklasin ang naiibang kamandag ni "Galema: Anak ni Zuma," ngayong
Setyembre na sa ABS-CBN.

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa "Galema: Anak ni Zuma,"
bisitahin lamang ang social networking sites ng programa sa
Facebook.com/galemaofficial and Twitter.com/galemaofficial
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...