Blessing kung ituring ng actor-singer na si Xian Lim ang pinakabagong album niya sa Star Records na "XL2" dahil ito ang nagtupad sa pangarap niyang ibahagi sa publiko ang mga sariling komposisyon niya.
"Extra special at literal na napaka-personal para sa akin ng second album ko kasi tatlo sa original songs ko, mapapakinggan dito," pahayag ni Xian na nag-launch ng kanyang singing career noong 2012 sa pamamagitan ng certified gold record niya sa Star Records na "So It's You."
"Na-excite talaga ako at naging emosyonal rin habang nirerecord 'yung mga kanta ko. Naging chance ko kasi iyon para husayan at ibigay ang buong emosyon ko sa pagkanta," paliwanag ni Xian.
Kabilang sa original songs ni Xian na bahagi ng "XL2" ang "Alay ko Sa 'Yo," "Iibigin," at "Kung 'Di Sa Iyo" na naging isa sa theme songs ng primetime teleseryeng "Ina Kapatid Anak," kung saan nagtambal siya at ang Teleserye Princess na si Kim Chiu.
Bahagi rin ng "XL2" ang original tracks na "Di Bale," "Keep In Mind," "Ikaw Na," "Bakit Hindi Ka Crush ng Crush Mo," at ang carrier single na "Pag May Time."
Mapapakinggan rin sa album ang revival ni Xian ng OPM classic na "Si Aida, si Lorna o si Fe" na unang pinasikat ng 80's music icon na si Marco Sison.
Ang "XL2" album ni Xian ay mabibili na sa record bars nationwide sa halagang P250 lamang. Maaari na ring ma-download ang tracks nito sa iTunes, www.amazon.com, www.mymusicstore.com.ph atwww.starmusic.ph.
Para sa karagdagang impormasyon kaugnay ng "XL2" album ni Xian, bisitahin ang Facebook fanpage ng Star Records sa Facebook.com/starrecordsphil o sundan ang @starrecordsph sa Twitter.

No comments:
Post a Comment