Monday, December 24, 2012

FIRST TELESERYE NI ANGELINE, EERE NA SA JANUARY 2013!

Ang 'Queen of Teleserye Theme Songs' ng bagong henerasyon na si Angeline Quinto ay sasabak na sa kanyang kauna-unahang teleserye ngayong Enero 2013. Kasado na ang higanteng romatic-comedy series ng ABS-CBN para kay Angeline na pinamagatang "Kahit Konting Pagtingin" kung saan makakatambal ng singer ang dalawa sa pinakatinitiliang heartthrobs sa bansa ngayon na sina Sam Milby at Paulo Avelino. Tampok rin sa "Kahit Konting Pagtingin" ang inaabangang pagbabalik-Kapamilya ng comedian-host na si John Lapus. Ang first teleserye ni Angeline ay sa ilalim ng direksyon ni Darnel Villaflor. Abangan ang kwentong tiyak na magpapangiti, magpapakilig, at magpapa-in love sa lahat araw-araw, "Kahit Konting Pagtingin," simula na ngayong Enero 2013 sa ABS-CBN. Para sa karagdagang updates, mag-log on sa www.abs-cbn.com o sundan ang abscbndotcom sa Twitter.

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...