Friday, May 31, 2013

MAS EXCITING NA MYX MUSIC CHANNEL

Lalo pang magiging exciting ang mapapanood as MYX dahil naglunsad ang number one music channel sa bansa ng bagong logos, sets, program schedule, programming at VJs.  

Pahayag ni MYX Channel Head Andre Allan Alvarez, "Bukas ang MYX sa kung ano ang ikagaganda ng channel. Sumasabay kami sa kung anong hinahanap ng mga manonood."

Kasabay ng re-imaging ng MYX ang pagpapakila nito ng kanilang bagong VJs na sina Ai dela Cruz, Karla Aguas, at Sam Concepcion. Ayon kay Alvarez ang tatlo ay pinili dahil sila'y mga huwaran para sa kabataan.

Ang basketball fan na si VJ Ai (AH-yee) dela Cruz ay dating NCAA at PBA courtside reporter. Nagtapos siya ng Broadcast Communications sa University of the Philippines - Diliman. Siya ay bokalista rin ng isang acoustic duo.

Si VJ Karla Aguas ay ang manunulat ng blog na thesjseries.blogspot.com. Nagtapos siya sa Ateneo de Manila.

Kilala na si VJ Sam Concepcion bilang artista sa teatro ("Peter Pan," "The Lion, The Witch and The Wardrobe," "Mr. Noah's Big Boat"), pelikula ("I Do Bidoo Bidoo," "Shake, Rattle and Roll 13," "Way Back Home") at telebisyon ("Angelito," "Super Inggo") Kalalabas lang rin ng kanyang bagong digital single na pinamagatang "No Limitations."

Abangan sina Ai, Karla at Sam sa MYX Daily Top 10, MYX Wer U At?, MYX Take 5, Pop MYX, Pinoy MYX, at My MYX. Kasama sina VJ Nikki Gil, VJ Chino Lui Pio, at VJ Iya Villania, sila ang bumubuo ng MYX Family.   

Ang MYX ay mapapanood sa UHF sa pamamamagitan ng Studio 23 tuwing umaga at madaling-araw.  At sa SkyCable ang MYX ay matutungahayan ng 24-oras sa Channel 23. Para sa karagdagag impormasyon, mag-log on sa myxph.com.

Thursday, May 30, 2013

"D' KILABOTS" NI WALLY AT JOSE SA CINEMA ONE NGAYONG LINGGO

Matawa at matuwa ngayong Linggo sa ispesyal na pagpapalabas ng "D' Kilabots Pogi Brothers, Weh?!" sa Cinema One Blockbuster Sundays. 

Tampok ang mga komedyanteng sina Jose Manalo, Wally Bayola, at Pokwang, pati na rin ang model-actress na si Solenn Heusaff, ang "D' Kilabots Pogi Brothers, Weh?!" ay isang comedy na dinirehe ni Soxy Topacio.

Sa kuwento, gumaganap sina Wally at Jose na magkapatid na Justine at Bruno na parehong nagkagusto kay Lulu (Solenn). Ang pagiging magkaribal sa pag-ibig ng magkapatid ay mauuwi sa matinding alitan, hanggang may dumating na negosyante na manggugulo sa pamilya Kilabot. Mapipilitan sina Bruno at Justine na isantabi ang kanilang away para protektahan ang kanilang mga mahal sa buhay.


Naging surprise hit ang "D' Kilabots Pogi Brothers, Weh?!" noong pinalabas ito sa mga sinehan noong Nobyembre. Pinagtibay ng pelikula ang pagiging box-office comedians nina Wally at Jose na katatapos lang noon ng kanilang sold-out concert sa Araneta Coliseum.

Laugh trip to the max ang hatid ng "D' Kilabots Pogi Brothers, Weh?!" na mapapanood ngayong Linggo, ika-2 ng Hunyo, alas-otso ng gabi sa numero unong cable channel sa Pilipinas, ang Cinema One (SkyCable Channel 56). Para sa karagdagang impormasyon, sundan ang @cinema_one sa Twitter at i-'like' angwww.facebook.com/Cinema1channel.

Wednesday, May 29, 2013

ABS-CBN, PINILI NG MGA MAMIMILI BILANG MOST TRUSTED TV NETWORK SA 2013 READER’S DIGEST TRUSTED BRAND AWARDS

ABS-CBN pa rin ang pinakapinagkakatiwalaang Philippine TV network sa bansa ng mga mamimili matapos makuha ng Kapamilya Network ang Gold award sa taunang Reader's Digest Trusted Brand Awards mula sa Reader's Digest Asia-Pacific.

ABS-CBN ang nakakuha ng pinakamataas na iskor sa TV Network category base sa resulta ng Trusted Brand Survey na isinagawa ng market research company na Ipsos sa walong bansa sa Asya kabilang na ang China, Hong Kong, India, Malaysia, Philippines, Singapore, Taiwan, at Thailand.

Mataas ang ratings na ibinigay sa Kapamilya Network ng survey participants, na binubuo ng mga bumabasa ng Reader's Digest at piling mamimili, batay na rin sa Trustworthiness at Credibility, Quality, Value, Understanding of Customer Needs, at Innovative at Social Responsibility kung kaya't naigawad sa ABS-CBN ang tinaguriang "ultimate seal of consumer approval" 

Tinanggap nina ABS-CBN Broadcast Head Cory Vidanes, ABS-CBN Corporate Marketing Head Cookie Bartolome, at ABS-CBN TV Production Head Lauren Dyogi ang Gold Trusted Brand Award na personal na inabot ni Reader's Digest Asia Pacific editor-in-chief Sue Carney noong nakaraang Huwebes (May 23) sa Edsa Shangri-La Hotel.

Unang nakuha ng ABS-CBN ang Gold Trusted Brand award sa TV Network category noong 2010 at muli nitong nakuha ang tagumpay sa dalawang magkasunod na taon noong 2011. Ito ang ikatlong beses na kinilala ng Reader's Digest Asia-Pacific ang halaga ng ABS-CBN sa Asian market.

Ang Reader's Digest Trusted Brands Survey sa Asya ay inilunsad noong 1999. Taunan itong ginagawa at kasalukuyan ay nasa ika-14 na taon na. Layunin nitong kilalanin kung anong brands ang tunay na pinagkakatiwalaan ng mga mamimili sa Asya.

Talentadong Pinoy, tumulak pa-Middle East

Ang buong cast at crew ng premyadong talent show ng bansa, ang Talentadong Pinoy, ay handa na para sa kauna-unahan nitong international production. Lumipad na papuntang Middle East ang host na si Ryan Agoncillio at mga Celebrity Talent Scouts na sina Arnell Ignacio, Gelli de Belen at Marvin Agustin para sa taping ngTalentadong Pinoy Middle East. Layunin ng Middle East version na makahanap din ng mga Pilipinong may natatanging talent tulad ng mga winners ng Talentadong Pinoy na sina Astroboy, Yoyo Tricker at Joseph the Artist.

Dinumog nga mga Kapatid natin sa Riyadh, Doha, Jeddah, Abu Dhabi, Dammam at Dubai ang auditions na ginanap doon kamakailan. Pagkatapos ng deliberations, handa na ang buong team ng Talentadong Pinoy para sa qualifying rounds kung saan magtatagisan na ang mga contestants laban sa isa't isa. Ang winner ay maguuwi ng grand prize na nagkakahalagang USD 10,000. Ang grand finals episode ay mapapanood sa Pilipinas sa Talentadong Pinoy Worldwide sa darating na July. Ang Talentadong Pinoy Middle East ay mapapanood ng mga Kapatid nating nasa Gitnang-Silangan ngayong June sa pamamagitan ng Kapatid TV5 via OSN.

Ethel Booba at Victor Silayan, wagi bilang Ultimate Party Couple saBoracay Bodies

Matapos mamalagi ng pitong araw sa Boracay at dumaan sa iba't ibang matitinding challenges na sumubok sa kanilang tatag ng loob at paninindigan, itinanghal na Ultimate Party Couple ng Boracay Bodies sina Ethel Booba at Victor Silayan.Inanunsiyo ito sa inabangang finale ng natatanging reality show on Philippine TV noong Sabado, May 25. 

Sina Ethel at Victor nga ang nag-uwi ng premyong isang milyong piso matapos nilang manguna sa iba't ibang challenges sa Boracay Bodies. Tinalo nila ang ibang party people na sina Wendy Valdez, Helga Krapf, Krista Miller, Luke Jickain, Brent Javier at Joross Gamboa. 

Sa pinakahuling challenge ng reality show, paramihan ng maibibigay at makokolektang chips ang bawat contestant. Kailangan nilang  mag-invite ng mga tao sa Ultimate Party na ginanap sa harap ng  Boracay Regency Hotel, at ang chips ang magsisilbing "invite"  ng mga dadalo. Ang nakuha nilang puntos mula sa chips ay idinagdag sa mga puntos na nakuha nila mula sa nakaraang challenges. 

Sa gabi ng finale party, rumampa ang walong party people suot ang pinakaseksi nilang swimwear. Bago nagtapos ang programa, inannounce ng host na si Phoemela Baranda na lahat ng dumalo sa party ay bibigyan ng tig-dalawang white chips. Kailangan nilang ihulog ang chip na ito sa box ng party girl at party boy na pinaka-paborito at pinaka-gusto nilang manalo. At nang matapos nga ang bilangan, lumitaw na runaway winners sina Ethel at Victor! 

Talaga namang naging matagumpay ang nasabing programa dahil sa mga di malilimutan at palung-palong eksena ng party people, gaya ng body shots challenge na first time ginawa ng "sweet girl" na si Helga Krapf; ang bangayan nina Wendy at Krista; ang kompetisyon sa pagitan nina Victor at Luke; ang pagtatampo ni Helga kina Brent at Joross; ang pagwo-walkout ni Krista; at ang pagka-irita ni Ethel kay Brent.  

Ang Boracay Bodies ay isang produksyon ng TV5 sa pakikipagtulungan ng Boracay Rum.

PINAKAMATINDING TALENT SHOWDOWN, MASASAKSIHAN SA “PILIPINAS GOT TALENT” GRAND FINALS

Mangyayari na ang pinakamatinding sagupaan ng talento sa telebisyon ngayong Sabado (June 1) at Linggo (June 2) sa inaabangang grand finals ng pinakamalaki at pinakaenggrandeng talent reality show sa bansa na "Pilipinas Got Talent" na gaganapin live sa PAGCOR Grand Theater sa Paranaque.

Mula sa 29,000 lumahok sa worldwide at online auditions, anim na lang ang natitira para maglaban-laban sa titulo bilang ikaapat na PGT grand winner at mag-uuwi na P2 million cash prize na kinabibilangan ng daring dancers mula sa Batangas na D' Intensity Breakers; ringman mula Tondo na si Frankendal Fabroa; driving heartthrobs mula Maynila ng Lateral Drift Productions; naiibang acoustic trio mula Davao  MP3 band; child prodigy mula Bukidnon na si Roel Manlangit; at blacklight dancers mula Pasig na Zilent Overload.

Season one pa lang ay kilala na ang PGT hindi lamang sa pagtupad ng mga pangarap ng lahat ng tatapak sa PGT stage kung hindi pati na rin sa pagbabago ng kanilang mga buhay sa iba't ibang paraan.

Tulad na lang ng grupong D' Intensity Breakers na handang gawin lahat para manalo kahit na sumayaw pa sila na bali ang braso, na siyang ginawa ng isa sa kanila noong nakaraang quarterfinals. Nabuo ang grupo sa isang kilalang plaza sa Lipa, Batangas sa pamumuno ng kanilang lider na si Arjay. Karamihan sa kanila ay wala pang masyadong alam sa pagsasayaw o sa pagsasagawa ng buwis buhay na stunts noon pero nagsikap silang lahat na matuto. Araw araw ay pinagsasabay nila ang hilig sa pagsayaw at paghahanap buhay lalo pa't ang iba sa kanila ay nagtatrabaho bilang magbabalot, barker ng jeep, nangongolekta ng basura, nagbebenta ng fishball, atbp.

Kung ang boys ng D' Intensity Breakers ay nagbabanat ng buto sa lansangan, si Frankendal Fabroa naman ay kumayod sa ibang bansa at pumunta pa ng Japan para mabigyan ng magandang buhay ang kanyan pamilya. Sumikat dahil sa kanyang kakaibang metal ring dance act, ang single dad mula Tondo ay marami na ring pinagdaanang unos sa buhay tulad na lang ng paghihiwalay niya ng kanyang asawa at pagkamatay ng isa niyang anak. Dahil sa PGT, muli silang nagkausap ng kanyang asawa.

Para naman sa poging drifters na sia Gio at Ralph ng Latera Drift Productions, maaring nakaangat sila sa buhay ngunit pareho lang din ang kagustuhan nilang maiuwi ang tagumpay sa PGT tulad ng ibang grand finalists. Binatilyo pa lamang ay nangangarera na ang dalawa. Ang pagkakasali nila sa PGT ay gumawa ng kasaysayan dahil sila ang pinakaunang car drifting act sa programa. Sa kanilang angking gandang lalaki at natatanging talento, hindi na nakapagtataka kung ba't mabilis silang sumikat lalo na sa mga kababaihan.

Samantala, pinakahihintay naman na break nina Aries, LJ, at Makoy ng Mp3 banda ang pagkakasali sa PGT. Layon nila na makagawa ng bagong genre sa musika kung saan pinagsama-sama ang acoustic guitar, rap, karaniwang Pinoy music, at beatboxing. Hindi pa man sila nananalo ay nakabuo na sila ng malakas na fan base online.

Isa ring palaban para patunayan ang sarili ang 13 taong gulang na si Roel Manlangit. Hindi na iba sa pinakabatang grand finalist ng PGT season four ang kasikatan dahil una nang gumawa ng ingay ang kanyang pangalan bilang isang singing Internet sensation. Umani na ng mahigit 2 milyon ang views sa kanyang video sa YouTube at dumadami pa ang kanyang local at international fans. Determinado ang binatilyong singer na maiahon ang pamilya mula sa malaking dagok na kanilang pinagdaanan nang inanod ng bagyong Pablo ang kanilang tahanan.

Tuluyan namang nabago ang buhay ng Zilent Overload, na siyang pinakamalaking grupo ngayong sa PGT na may 39 miyembro, ng mapasama sa finalists ng PGT. Tulad ng kanilang black light dance act na ginagawa sa dilim, may madilim din silang pinagdaanan sa buhay lalo na ng lahat sa kanila ay naging biktima ng hagupit ng bagyong Ondoy at Habagat. Sa kabila nito, ibinangon nila ang kanilang sarili at nagsikap para maipaglaban ang kanilang hilig sa pagtatanghal. Dati'y nangangalakal sila ng basura para lang makabili ng props at costumes ngunit matapos silang mapanood sa PGT ay madali na silang naka-solicit ng tulong mula sa kanilang mga kapitbahay at mga kaibigan.

Nasa kamay na ng publiko ang kapalaran ng anim na grand finalists dahil ang tatanghaling mananalo ay ibabase sa resulta ng pinagsamang online at text votes.

Sino sa kanila ang magwawagi? Sino ang mapapabilib ang Big Three judges na sina Kris Aquino, Ai Ai Delas Alas, at Freddie "FMG" Garcia? Sino ang susunod sa yapak nina Jovit Baldivino ng PGT 1, Marcelito Pomoy ng PGT 2, at Maasinhon Trio ng PGT 3?

Huwag palalampasin ang final performance night ng "Pilipinas Got Talent" sa Sabado (June 1), pagkatapos ng "MMK," at alamin kung sino ang ikaapat na PGT grand winner na itatanghal sa final results night sa Linggo (June 2), pagkatapos ng "Rated K" sa ABS-CBN. I-tweet ang inyong mga opinion gamit ang hashtag na #PGT4.

Mga bigating artista ng TV5, magpapakitang gilas sa East Coast

Para ipagdiwang ang 115 taon ng Pilipinong pananampalataya at kultura sa Hunyo 2, idaraos ang isa sa pinakamalaking kaganapan ng TV5, ang Philippine Independence Parade sa New York City.  Gagawin ito sa Madison Avenue, at inaasahang ito ang pinakamalaking pagtitipon ng mga Pilipino sa East Coast, kung saan 200,000 ang dadalo na makakanood ng mga pagganap ng mga pinakamalaking artista ng TV5 na sina Sharon Cuneta, Derek Ramsay, at Aga Muhlach.

Tiyak na magiging masaya ang Parade dahil may meet and greet sina Sharon, Derek, at Aga kasama ang mga Kapatid natin sa New York. Ikatutuwa din ng lahat ang special performances na hinanda nila.  Asahan din ang engrandeng float ng TV5 sa parada.   Maaari ding magpapicture kasama ang mga paboritong Kapatid star sa state-of-the-art augmented reality photobooth.

Mapapanood ang KapatidTV5 at AksyonTV International sa US mula sa Dish Network.

 

Monday, May 27, 2013

Sine Ko 5ingko Premiere, pasok sa Nielsen Top 15 Evening Programs

Pasok sa Top 15 Evening Programs ang mga pelikulang tampok sa Sine Ko 5ingko Premieresa una nitong linggo, ayon sa Nielsen Audience Measurement Overnight Ratings (6:00PM to 12:00midnight). Maliban kasi sa mga exciting na featured blockbusters ng TV5, nakisaya rin ang ilang mga Kapatid celebrities sa pagdadub sa mga ito. Matatandaang TV5 ang unang naghatid ng mga everyday Hollywood blockbusters nang libre sa mga Pinoy televiewers, kaya naman mas naging kapana-panabik ang panonood ng pelikula sa Kapatid Network. 

Nakapagtala ng 5.4%AMR sa NUTAM at 5.3%AMR sa MEGATAM ang Philippine free TV premiere ng G.I. Joe: Rise of Cobra last Monday kung saan tampok ang boses ni JC de Vera, na napapanood din sa Cassandra: Warrior Angel. Nakapagtala naman ng 5.2%AMR sa NUTAM at 5.9%AMR sa MEGATAM ang The Day After Tomorrow. Noong Martes, tampok sa Sine Ko 5ingko Premiere feature ang Transformers II: Revenge of the Fallen kung saan nag-dub sina Edgar Allan Guzman at Arci Muñoz para kina Shia LaBeouf and Megan Fox. Nakapagtala ito ng 5.9%AMR sa NUTAM and 6.5% AMR sa MEGATAM, samantalang nakaabot naman ang  Little Big Soldierna may ratings na 3.9%AMR sa NUTAM at 4.3% AMR sa MEGATAM. 

Natalo naman ng Part 2 ng Transformers II: Revenge of the Fallen ang Missing Youand Little Champ ng ABS-CBN, pati na ang Queen and I ng GMA. Nakapagtala ito ng 7.7% AMR sa NUTAM at 8.0% AMR sa MEGATAM. Ang Lake Placid naman ay nakapagtala ng 5.1% AMR sa NUTAM at 5.6%AMR sa MEGATAM. Noon Huwebes, tampok sa Sine Ko 5ingko Premiere ang Mission Impossible III (kung saan di-nub ni Zoren Legaspi ang role ni Tom Cruise) at Agent Cody Banks II. Natalo ng dalawang pelikula ang Home Sweet Home ng GMA. Umabot sa 5.7%AMR sa NUTAM at 6.3%AMR sa MEGATAM ang Mission Impossible III, samantalang nakapagtala ng 4.6%AMR sa NUTAM at 5.3%AMR sa MEGATAM ang Agency Cody Banks II. Nitong nakaraang Biyernes, pinalabas sa Kapatid Network ang The Last Airbender na nakapagtala ng 7.0%AMR sa NUTAM at 7.3%AMR sa MEGATAM kung saan tampok ang mga boses nina Akihiro Blanco at Chanel Morales. Samantala, naka-record naman ng 6.1%AMR sa NUTAM at 6.6%AMR sa MEGATAM ang Philippine free TV premiere ng Dragonball: Evolution. 

Marami pang nakapilang Hollywood blockbusters at Pinoy celebrity dubbers ang naghihintay sa mga manonood ng Sine Ko 5ingko Premiere sa mga susunod na linggo. Ilan sa mga dapat abangan sa Sine Ko 5ingko Premiere ang comedic legend na si Joey de Leon para sa Shrek Forever After, si Epi Quizon para sa Zoolander, si Benjie Paras para sa Megamind at si Nadine Samonte para sa Deep Impact. Tutok lang sa TV5 mula Lunes hanggang Biyernes para sa Sine Ko 5ingko Premierepagkatapos ng Cassandra: Warrior Angel.

 

Friday, May 24, 2013

Willie Revillame to Take a Long Vacation After Contract with TV5 Expires

Controversial TV host Willie Revillame announced on his noontime show "Wowowillie" on Tuesday that he will no longer renewing his contract with TV5 when it expires in October.

Revillame surprised his studio audience on Tuesday when he announced his intent to retire after his contract with TV5 ends this October.

"Alam ninyo, may mga personal na rason na hindi ko na sasabihin sa inyo. Ako muna'y magpapahinga ng ilang buwan, ng isang taon o anuman… Tatapusin ko na lang po ang kontrata ko sa TV5. Ganyan talaga ang buhay. Kasi kailangan ko rin ng time. Malungkot lang ay hindi tayo magkikita araw-araw. Wala nang sigawan, walang umiiyak sa saya, walang nabibigyan ng pamasahe, walang nabibigyan ng ganito," he said on national television.

The 50-year-old TV host said "burnout" is the main reason why he wanted to take a long vacation after "Wowowillie" ends this October.

"Kailangan ko ng break kasi parang na-drain ako. Na-burnout ako. Aanhin ko naman ang mga naipon ko kung magkakasakit naman ako dahil sa stress?" he said.

Revillame also revealed that he already submitted his "intent to retire" letter to the TV5 management last May 17.

Meanwhile, TV5 has released a short statement on Tuesday afternoon regarding Revillame's "intent to retire":

"We respect the decision of Mr. Willie Revillame to retire upon the expiry of his contract with TV5. We wish him well in his new pursuits."

Last week, "Wowowillie" business unit head Jay Montelibano denied rumors that Willie Revillame is allegedly demanding a P90-million monthly talent fee from TV5.


Cross-published in: http://www.starmometer.com/2013/05/21/willie-revillame-to-expire-his-contract-with-tv5-wowowillie-to-end-in-october/

Thursday, May 23, 2013

JULIA BARRETTO, MAGBIBIDA NA SA KANYANG KAUNA-UNAHANG TELESERYE

Sasabak na ang rising Kapamilya teen star na si Julia Barretto para sa kanyang kauna-unahang pagbibidahang teleserye ngayong opisyal nang inihayag ng ABS-CBN na siya ang magiging lead star ng TV remake ng nobela ni Dominador Ad Castillo na "Cofradia." Bago pa man siya maging parte ng Star Magic Circle 2013, unang napansin ng TV viewers si Julia hindi lang dahil galing siya sa isang showbiz family kundi dahil na rin sa ipinamalas niyang talento sa pag-arte sa mga teleseryeng tulad ng "Kokey," "Palos," at "Walang Kapalit." Para sa kanyang biggest break, bibigyang buhay ni Julia sa kanyang first teleserye ang papel ni Cofradia na ginampanan ng beteranang aktres na si Gloria Romero noong 1953 at ni Gina Alajar noong 1973. Ang "Cofradia" ay umiikot sa kwento ng isang babaeng natatakot umibig dahil sa kulay ng kanyang balat na magkakaroon ng kakayahan na magpalit ng anyo dahil sa mahiwagang kandila. Abangan ang kauna-unahang teleserye ni Julia na "Cofradia" ngayong 2013 sa ABS-CBN. Para sa karagdagang updates, mag-log on sa www.abs-cbn.com o sundan ang abscbndotcom sa Twitter.

'ANNALIZA' CAST SUSUGOD SA STA. LUCIA EAST GRAND MALL NGAYONG LINGGO

Isang kapana-panabik na mall show ang ihahandog ng cast members ng ABS-CBN family drama na Annaliza sa mismong bisperas ng premiere nito ngayong Linggo (May 26), 6PM sa Sta. Lucia East Grand Mall, sa Cainta, Rizal. Naroon para magpasaya ang mga bida sa Annaliza na kinabibilangan ng rising teleserye princess na si Andrea Brillantes, Zanjoe Marudo, Kaye Abad, Denise Laurel, Patrick Garcia, Carlo Aquino, Khalil Ramos at Sue Ramirez. Abangan ang isang gabing puno ng nakakaaliw na song numbers, games at prizes.  Bukas at libre ang naturang show para sa lahat kaya naman inaanyayahan na ang buong pamilya na makisaya. Huwag palalampasin ang pag-uumpisa ng Annaliza ngayong Lunes (May 27), bago mag-TV Patrol sa Primetime Bida ng ABS-CBN. Para sa mga updates, i-like ang official Facebook page nito sa https://www.facebook.com/Annaliza2013o sundan ang @Annaliza2013 sa Twitter at pag-usapan ito gamit ang hashtag na #Annaliza.

Tuesday, May 21, 2013

UNANG TATLONG ACTS NA LALABAN SA PGT GRAND FINALS, KINILALA NA

Pasok na sa grand finals ng pinakamalaki at pinakaenggrandeng talent-reality show sa bansa na "Pilipinas Got Talent" ang bandang MP3, black light dancers na Zilent Overload, at YouTube sensation na si Roel Manlangit matapos silang piliin ng sambayanan at ng judges. Nanguna sa botohan ang Mp3 band na mula Davao City at nakuha ang 25.69% ng online at text votes kaya naman sigurado na itong pasok sa finals. Unanimous naman ang naging pagpili ng Big Three judges sa Zilent Overload ng Pasig City, habang si Roel Manlangit ng Bukidnon ay nakapasok matapos makuha ang boto nina Kris Aquino at Freddie "FMG" Garcia. Taliwas ang naging boto ni Ai Ai Delas Alas na ibinigay niya naman sa flairtending teen na si Chaeremon Basa na isa rin sa acts na lumaban sa battle for survival round. Ito ang pinakaunang pagkakataon sa kasaysayan ng PGT kung saan dalawang semi-finalist acts ang pipiliin ng judges para makausad sa grand finals. Ngayong linggo, tatlong pwesto na lang ang natitira. Sino kaya sa breakdancers na D' Intensity Breakers, metal ring dancer na si Frankendal Fabroa, folk dancers na Bughaw Folkloric Dance Group, power vocalists na The Miss Tres, 24-year-old siren na si Eumee Lyn Capile, at car drifters na Lateral Drift Productions ang lalaban hanggang sa pagtatapos ng kumpetisyon? Huwag palalampasin ang ikalawang  live semi-final performance night ng "Pilipinas Got Talent" sa Sabado (May 25), pagkatapos ng "MMK," na susundan ng ikalawang live semi-final results night sa Linggo (May 26), pagkatapos ng "Rated K" sa ABS-CBN. I-tweet ang inyong mga opinion gamit ang hashtag na #PGT4.

DESIREE DEL VALLE, ITUTUWID ANG LANDAS NI ANDI EIGENMANN

Magbibida ang Kapamilya actresses na sina Andi Eigenmann at Desiree del Valle ngayong Sabado (Mayo 25) sa espesyal na heavy drama episode ng top-rating drama anthology ng ABS-CBN na "Maalaala Mo Kaya." Bibigyang-buhay ni Desiree ang karakter ni Jane, ang mapagmahal na pinsan ng isang escort girl na si Lyka (Andi). Sa kabila ng kanilang mga hindi pagkakaunawaan, ginawa pa rin ni Jane ang lahat upang mailagay sa tamang landas si Lyka. Ngunit hindi nagtagal, lalong nasira ang buhay ni Lyka nang siya ay malulong sa droga at mabuntis ng isang lalaking may asawa. Mahahanap pa ba ni Jane sa kanyang puso na bigyan ng pangalawang pagkakataon upang magbago si Lyka? O tatalikuran na nga ba niya ang tao na itinuring na niyang parang isang tunay na kapatid? Kasama nina Andi at Desiree sa "MMK" episode sina Gloria Sevilla, Aaron Villena, Mickey Ferriols, Mico Palanca, Julia Base, Abby Bautista, Simon Ibarra, Lloyd Zaragoza, Mike Lloren, Via Veloso, at Girlie Alcantara. Ito ay sa ilalim ng pananaliksik ni Alex Martin, panulat ni Benson Logronio, at direksyon ni Erick Salud. Huwag palampasin ang isa namang de-kalibreng family drama episode ng "MMK" ngayong Sabado, pagkatapos ng "Wansapanataym," sa ABS-CBN. Para sa iba pang updates, mag log on sawww.mmk.abs-cbn.com, sundan ang @MMKOfficial sa Twitter, at i-"like" angwww.facebook.com/MMKOfficial.

“I- VICE GANDA MO ‘KO SA ARANETA,” PINAKAMABENTANG CONCERT NG TAON

Dumagundong ang tawanan, hiyawan, at tilian sa Big Dome kamakailan sa pagdagsa ng mahigit 13,000 fans sa unkabogable at sold-out comedy concert ng phenomenal box-office star na si Vice Ganda na "I-Vice Ganda Mo 'Ko Sa Araneta."         

Muling pinatunayan ni Vice ang lakas ng kanyang hatak sa buong sambayanan sa pag-break niya ng record bilang nangungunang local artist na may pinakamataas na concert ticket sales ngayong 2013, ayon sa ticket distributor na Ticketnet. 

Hindi binigo ni Vice ang libo-libong tao na sumuporta sa kanyang pangatlong concert sa Smart Araneta Coliseum kung saan non-stop niyang pinatawa, pinasaya, at pinangiti ang lahat sa pamamagitan ng kanyang makukulit at nakaaaliw na pasabog kabilang ang tatlong version ni Vice na ikinaloka ng lahat—Vice as Senator, Vice as Beauty Queen, at Vice as Bold Star.

Walang tigil din naman ang hiyawan ng mga masusugid na taga-suporta ni Vice sa sunod-sunod na production numbers ng kanyang guests kung saan tampok ang panghaharana ni Daniel Padilla ng kanyang single na "Kumusta Ka;" pagsasayaw ni Enrique Gil ng dance craze na 'The Gentleman;' pakikipagbiruan at asaran nina Dawn Zulueta, Paulo Avelino, at Ai Ai delas Alas; at ang pinakabonggang pasabog na sorpresang pagbisita ni Coco Martin sa comedian.

Bukod sa kanyang special guests, dumating din naman sa concert ni Vice ang ABS-CBN President na si Charo Santos-Concio, channel head na si Cory Vidanes, TV production head na si Lauren Dyogi, direktor na si Wenn Deramas, at ang ilan sa pinakamalalapit niyang kaibigan sa showbiz tulad nina Kris Aquino, ZsaZsa Padilla, Janice de Belen, Jed Madela, Karylle, Ryan Bang, Yael Yuzon, Chokoleit, at Anne Curtis. 

Ang "I-Vice Ganda Mo 'Ko Sa Araneta" ay sa ilalim ng direksyon ni Bobet Vidanes at musical director na si Marvin Querido. 

Para sa karagdagang impormasyon, mag-log on sa www.abs-cbn.com o sundan ang @abscbndotcom sa Twitter.

Saturday, May 18, 2013

44 KALOKALIKES NG “IT’S SHOWTIME,” LEVEL UP NA SA PATALBUGAN

Apatnapu't apat na "Kalokalikes" ng pinakasikat na local at international stars, ang maghaharap at magpapasiklaban sa kabaliwan, dating, at itsura sa pinakabonggang pagtatagpo na "Kalokalike Level Up" ng top-rating Kapamilya noontime show na "It's Showtime" simula ngayong Lunes (Mayo 20).

Walang humpay na pasabog at pagpapasikat ang dapat na abangan sa "Kalokalike Level Up," na siyang magsisilbing semi-finals round na gaganapin sa loob ng dalawang linggo mula Mayo 20 hanggang 31.

Ang magwawagi naman sa bawat araw ang siyang papasok sa grand finals na gaganapin sa Hunyo 1.

Magsisilbi namang hurado ang mga bigatin at batikang hurado na isa-isang kikilatisin ang 44 Kalokalikes kung saan isa lamang ang tatanghaling Ultimate Kalokalike na magwawagi ng P300,000. Makakatanggap naman ang first runner-up ng P200,000 at ang second runner-up ng P100,000.

Talaga namang pinag-usapan ang Kalokalike segment mula nang ilunsad ito noong Enero dahil sa ilan sa mga nakakalokang contestants nito gaya nina Coco Martin, Kim Chiu, Joey De Leon, at Daniel Padilla. Simula noo'y naging lagi na itong trending at pinagkakaguluhan sa social networking sites na Twitter at Facebook.

Isa lamang ang Kalokalike Level Up sa mga inihahandang pakulo ng "It's Showtime," ang numero unong noontime show ng bansa na pinangungunahan ng hosts na sina Anne Curtis, Vice Ganda, Vhong Navarro, Billy Crawford, Karylle, Kuya Kim Atienza, Teddy Corpuz, Jugs Jugueta, Jhong Hilario, Ryan Bang, Coleen Garcia, at Eric 'Eruption' Tai.

Subaybayan na ang inyong mga pambatong Kalokalike. Manatiling manood ng "It's Showtime," 12:30PM mula Lunes hanggang Biyernes at 12NN tuwing Sabado sa ABS-CBN. Para sa updates ng programa, sundan ang @ItsShowtimena sa Twitter o i-like ang www.facebook.com/itsShowtimena. Para naman muling panoorin ang nakaraang episodes ng Kalokalike, bisitahin ang showtime.abs-cbn.com.

Thursday, May 16, 2013

HALALAN 2013 COVERAGE NG ABS-CBN, MAS TINUTUKAN NG BAYAN

Mas maraming Pilipino sa buong bansa ang tumutok sa ABS-CBN mapa-telebisyon man o online para makuha ang pinakahuling balita at pangyayari sa iba't ibang bahagi ng bansa at sa buong mundo na idinaos na halalan noong Lunes (Mayo 13).

Panalo sa national TV ratigns ang "Bayan Mo, iPatrol Mo: Tayo Na Halalan 2013" coverage ng ABS-CBN mula 6AM hanggang 12MN na nakakuha ng 13.7% ratings kumpara sa GMA's "Eleksyon 2013" na nakakuha lang ng 10% ratings, ayon sa datos ng Kantar Media na sakop ang parehong urban at rural homes.

Pumalo ng 27% ang "TV Patrol" na pinangunahan nina Noli De Castro, Korina Sanchez, at Ted Failon, o siyam na puntos na mas mataas laban sa "24 Oras" na nagtala lamang ng 18.4%.

Sinubaybayan din ang coverage ng ABS-CBN maging sa Twitter kung saan mas ginamit ng netizens ang hashtag na #Halalan2013, kung kayat' naging trending topic ito sa naturang social networking site. Ito ang natatanging hashtag ng election coverage ng isang news organization na nakapasok sa trending topics ng Twitter sa araw ng halalan.

Binalikan din ng ABS-CBN ang ilan sa mga pinakamaiinit na tunggalian sa mga lokal na posisyon sa "KampanyaSerye" sa pamamagitan ng paghahatid ng sariwang updates sa mga resulta ng botohan sa mga lugar gaya ng Manila, Masbate, Cavite, Cebu, Pampanga, Zamboanga, at Laguna.

Bukod sa pagbibigay-diin sa mga lokal na kandidato, nanguna rin ang ABS-CBN sa pagbibigay ng updates ukol sa resulta ng botohan ng overseas absentee voters hatid ng news bureaus ng ABS-CBN sa iba't ibang bahagi ng mundo.

Sa tulong ng kalahating milyong Bayan Patrollers at 221 reporters sa Pilipinas at iba't ibang bansa na nakakalat sa 45 live points, hindi lamang inihatid ng ABS-CBN ang pinakakomprehensibong coverage ng halalan kundi mas pinaigting din pagpapatrol sa mga hinaing at problema ng mga botante sa kani-kanilang distrito. Kasama na rito ang mga pinaka-pinaniniwalaan na analysts na hinamay ang mga isyu at resulta sa "Halalan 2013."

Tampok din sa "Halalan 2013" ang walang patid na 48-hour coverage ng ANC, ang malawak na pagbabalita ng parehong DZMM TeleRadyo at DZMM Radyo Patrol 630 para sa cable TV at AM radio, at ng ABS-CBNNews.com na naglaan ng pinakahuling balita, pagsusuri sa mga resulta ng botohan at ranking ng mga kandidato, at ang social media tracker na inilunsad kasama ang IBM Philippines para analisahin ang mga komentaryo ng mga netizen tungkol sa mga senatorial candidate.

Naging kaakibat din ng mga mamamayan ang  Comelec-Halalan 2013 mobile app ng ABS-CBN para sa mga smartphone at tablet na tumulong sa kanilang hanapin ang kanilang presinto, ang listahan ng mga kandidato at partylist, pati na ang resulta sa mga lokal at national polls base sa datos ng Comelec.

Bumida sa coverage ng ABS-CBN ang celebrity patrollers nito para sa "Bayan Mo, iPatrol Mo: Tayo Na" kabilang na sina Bianca Gonzalez, Valerie Concepcion, Melai Cantiveros, Chieffy Caligdong ng Philippine Azkals, John Lapus, Sam Concepcion, Jed Madela, at iba pa na tumanggap ng mga katanungan at komento ukol sa mga kaganapan sa kanilang lugar sa pamamagitan ng kanilang personal na Twitter accounts.

Malaking bahagi rin ng Halalan 2013 coverage ng ABS-CBN ang citizen journalism arm nitong BMPM na nagtayo ng stations sa higit 30 lugar sa bansa upang tulungan ang mga botante na nahihirapang hanapin ang kanilang presinto, tumanggap ng reports ng mga iregularidad at suliranin sa halalan, at magresponde sa mga emergency hatid ng first aid personnel nito.

Inilunsad ng ABS-CBN ang "Halalan 2013" coverage nito isang taon bago ang halalan upang tulungan at bigyan ng sapat na kaalaman ang mga Pilipino nang sa gayo'y makapamili sila ng mga karapat-dapat na lider at makamit ang pagbabagong nais nilang mangyari sa bansa. 

Ang "Halalan 2013" ang tumugon sa mga pangangailangan ng publiko hindi lamang sa pagbibigay ng impormasyon sa iba't ibang nitong media platforms kundi pati na rin sa pagbibigay ng serbisyo publiko sa pamamagitan ng BMPM stations nito kung kaya ABS-CBN ang pinaka-pinagkatiwalaan na istasyon na nag-ulat ng halalan.

LIFE STORY NI KEVIN BALOT, TAMPOK SA “MMK”

Kwento ng pagmamahal sa pamilya at pagtanggap sa sarili ang ibabahagi ng "Maalaala Mo Kaya" ngayong Sabado (Mayo 18) tampok ang life story ng Miss International Queen 2012 na si Kevin Balot. Gaganap bilang ang transgender na si Kevin ang isa sa pinaka-promising na Kapamilya actor na si Martin Del Rosario. Bilang nag-iisang anak na lalaki sa kanilang pamilya, sinubukan ni Kevin na talikuran ang kanyang tunay na sekswalidad at tuparin ang pangarap ng kaniyang ama na maging isa siyang engineer. Ngunit hindi nagtagal, hindi na naitago pa ni Kevin ang kanyang tunay na pagkatao sa kaniyang tatay, dahilan upang magbago ang magandang samahan ng kanilang pamilya. Paano nga ba mapapatunayan ni Kevin sa lahat ng tao na hindi isang hadlang ang kanyang sekswalidad sa pag-abot ng kaniyang mga pangarap? Kasama ni Martin sa "MMK" episode ngayong Sabado sina Al Tantay, Shamaine Centenera, Kokoy De Santo, Kristel Fulgar, Toby Alejar, Emmanuelle Vera, Cheska Billones, Louise Bernardo, Princess Freking, at Dax Bayani. Ito ay sa ilalim ng pananaliksik ni Agatha Lee Ruadap, panulat ni Benson Logronio, at sa direksyon ni Mae Czarina Cruz. Huwag palampasin ang isa namang de-kalibreng family drama episode ng "MMK" ngayong Sabado, pagkatapos ng "Wansapanataym," sa ABS-CBN. Para sa iba pang updates, mag log on sawww.mmk.abs-cbn.com, sundan ang @MMKOfficial sa Twitter, at i-"like" angwww.facebook.com/MMKOfficial.

Tuesday, May 14, 2013

HIMIG HANDOG P-POP LOVE SONG FINALIST NA SI WYNN ANDRADA, PUMIRMA NG KONTRATA SA STAR RECORDS

Pumirma na ng recording deal ang finalist sa songwriting competition na 'Himig Handog P-pop Love Song' na si Sherwin 'Wynn' Andrada sa Star Recording Inc. kamakailan. Kasama sa mga unang proyektong inihain para kay Wynn ang kaniyang kauna-unahang solo album kung saan isa sa kabilang na singles ang kanyang 'P-Pop love song' entry na "Tamang Panahon." "Napaka-overwhelming po ng pagkakataong ito at hindi ko sasayangin ang tiwala ng Star Records. Sa una kong album, karamihan po roon ay original compositions ko, mostly mga love song," sabi niya. Ibinahagi din ng 18 taong gulang na musikero kung paano siya sumusulat ng mga awiting talaga namang tumatatak at nakakaantig sa puso ng mga tagapakinig. "Sa pagko-compose po ng mga kanta, kadalasan binabase ko sa mga personal experience ko, sa mga crush ko o minsan base naman sa mga kwento ng mga kaibigan," kwento ni Wynn. Nang tanungin kung sino sa mga Kapamilya female star ang nagsisilbing "inspirasyon" niya sa paglikha ng kanta, walang pagdadalawang-isip na pinangalanan ni Wynn si Kim Chiu bilang ang kanyang celebrity crush at nagpasaring pa na willing siya umanong gumawa at mag-alay ng kanta para sa primetime princess. Bukod sa pag-awit at pagcompose ng kanta, tumutugtog din si Wynn ng musical instruments gaya ng drums, acoustic guitar, bass guitar, at marami pa. Bukas din daw ang binata sa mga acting project kung sakaling may mag-aalok sa kanya. Dumalo sa contract signing sina Star Creatives head Malou Santos, Star Records head Roxy Liquigan, Star Songs head Marivic Benedicto, at talent managers na sina Don Don Monteverde, Rex Belarmino, at Chinie Go.

IZZY CANILLO MAGBIBIDA SA “MY LITTLE JUAN”

Mula sa lumalaking mundo ng no.1 super-hero drama series na "Juan dela Cruz," muling magbabalik ang Kapamilya child wonder na si Izzy Canillo bilang ang pilyong batang si Juan sa pinakabagong Kapamilya Gold teleserye na "My Little Juan." 

Unang nagpabilib sa reality talent search na "Star Circle Kid Quest Season 3," at mga programang tulad ng "Ikaw Ay Pag-ibig" at "Goin' Bulilit," higit na tumatak sa puso ng mga manonood si Izzy nang kanyang gampanan ang makulit at bibong karakter ng batang Coco Martin sa "Juan dela Cruz." 

At sa pagbubukas ng "My Little Juan," muling bibigyang-buhay ni Izzy ang papel ng kakaibang batang si Juan na siyang bunga ng pagmamahalan ng Tagabantay na si Amelia (Mylene Dizon) at ng Haring Aswang na si Samuel (Albert Martinez). 

Tunghayan sa "My Little Juan" ang kwento ng buong pagkatao at pinagmulan ni Juan at ang kanyang exciting na adventures kasama si Fr. Cito (Jaime Fabregas) bago siya maging isang ganap na superhero. Ang "My Little Juan" ay sa ilalim ng direksyon ni Darnel Villaflor. 

Huwag palampasin ang kapanapanabik na pagsisimula ng "My Little Juan," ngayong Lunes, 2:45 ng hapon, pagkatapos ng "It's Showtime" sa Kapamilya Gold. Para sa karagdagang impormasyon mag-log on lang sa www.abs-cbn.com, o i-follow ang @abscbndotcom sa Twitter.

Monday, May 13, 2013

NAPAKA-DARING NA PELIKULANG "PALITAN" MAPAPANOOD SA SINEHAN SIMULA MAY 22

Ang inaabangang pelikulang "Palitan" ni Direk Ato Bautista ay mapapanood na sa mga sinehan simula ika-22 ng Mayo.

Mga bida rito sina Mara Lopez at ni Alex Medina, kapwa anak ng mga batikang artista. Si Mara ay anak ng beauty queen-turned-actress na si Maria Isabel Lopez, at paboritong artista ng mga independent filmmaker. Habang si Alex ay anak ng beteranong artistang si Pen Medina, at mainstay ng ABS-CBN teleserye "Ina, Kapatid, Anak" kung saan siya ay gumaganap ng papel nasi Diego.

Sa sinasabing pinaka-challenging na roles ng kanilang career, ang dalawang artista ay nagpakalayo sa kanilang comfort zones. Sabi ni Mara, "Kabaligtaran ng tunay na katauhan ko ang karakter ni Luisa. Binuhos ko ang sarili ko sa project na ito. Maraming hinugotsa akin, hindi lang physically kundi emotionally din." Pahayag ni Alex, "First time ko sa isang daring role at napakahirap pala." Magaling ang kanilang pagkakaganap sa "Palitan," hinirang sina Mara at Alex bilang Best Actress at Best Actor sa Cinema One OriginalsFilm Festival 2012.

Ang "Palitan" ay isang erotic drama-thriller na ang setting ay sa Raon, Quiapo.Ito ay tungkol kay Nestor (Alex) na lubog sa utang sa kanyang boss na si Ramiro (Mon Confiado), may-ari ng electronics shop at may pagnanais kay Luisa (Mara) na asawa ni Nestor. Dahil sa desperasyong makabayad sa utang, nakipagkasundo si Nestor kay Ramiro na kunan patago si Luisa habang naliligo at ibigay ang footage kay Ramiro—isang palitan higit pa sa pera ang kabayaran.  

Tunay na mapangahas ang istilong pagdidirek nito and direktor na si Ato Bautista. Ani niya, "Sa bawat pelikula, palagi kong dine-dare ang sarili kong gawin ang hindi ko pa nagagawa. Sa Palitan sumubok akong mag-shoot ng napaka-sexy at napakahabang bed scene."

Ang "Palitan" ay Rated R-16 without cuts ng MTRCB. Ipalalabas ito simula Mayo 22 sa mga susunod na sinehan sa Metro Manila: Shangri-La Cineplex, SM Megamall, Robinsons Galleria, SM North EDSA, SM Mall of Asia, SM San Lazaro, SM Manila, SMCenterpoint, SM Fairview, SM Marikina, SM Southmall, at Eastwood Cinema. Bukod sa Metro Manila, mapapanood rin ito sa SM Bacoor, SM San Fernando, Robinsons San Fernando, SM Clark Pampanga, Sobinsons Sta. Rosa, Robinsons Lipa, SM Cebu, SM Davao, Robinsons Iloilo, at Robinsons Bacolod.

Huwag palampasin ang "Palitan." Parasa karagdagang impormasyon, sundan ang @cinema_one sa Twitter and at i-like ang www.facebook.com/Cinema1channel .

Saturday, May 11, 2013

SUNSHINE, UMAASANG MABUBUO MULI ANG PAMILYA?

Unti-unti nang nabubuhay ang pag-asa sa puso ni Isabel (Sunshine Cruz) na matatagpuan pa niya ang kanyang panganay na anak matapos niyang makita muli ang dating kasambahay na si Elena (Ana Capri) sa Kapamilya Gold action-drama series na "Dugong Buhay." Sa pagku-krus ng mga landas nina Isabel at Elena, lalong titindi ang galit sa puso ni Victor (Ejay Falcon) ngayong pinaplano ng mga De Lara na ipadakip ang kanyang ina. Mapagtatagumpayan nga ba ni Isabel ang paghahanap sa kanyang anak? O tuluyan na lang ba niyang tatanggapin na wala na ito? Sa pagtuklas ng koneksyon ni Elena sa mga De Lara, paano nga ba magbabago ang takbo ng buhay ni Victor kapag nalaman niya na siya ang nawawalang anak ng pamilyang kanyang pinaplanong sirain? Patuloy na tutukan ang pag-init ng mga tagpo sa "Dugong Buhay" tuwing hapon pagkatapos ng "May Isang Pangarap" sa Kapamilya Gold ng ABS-CBN. Para sa karagdagang updates, mag-log on sawww.abs-cbn.com o i-follow ang @abscbndotcom sa Twitter.

Monday, May 6, 2013

DENISE LAUREL AT KAYE ABAD, SASABAK SA NAIIBANG ROLES SA 'ANNALIZA'

Matapos ang kani-kaniyang tagumpay sa mga teleseryeng Precious Hearts Romances Presents Paraiso at Angelito: Ang Bagong Yugto, handang-handa na sina Denise Laurel at Kaye Abad para sa bagong soap at bagong mga papel na gagampanan nila sa inaabangang family drama na "Annaliza." Kakaiba ang kanilang pagganap sa nasabing teleserye dahil kung dati'y si Denise ang kontrabida, siya naman ngayon ang mapagmahal at mahabaging si Isabel na mapapalapit ang puso kay Annaliza. Si Kaye naman, na nakilala sa mga mababait na roles, ay gagampanan ang papel ng kontrabidang si Stella na siyang nakatakdang magbigay ng miserableng buhay sa bata.  Makakasama nila Kaye at Denise sa "Annaliza" ang susunod na teleserye princess na si Andrea Brillantes, mahuhusay na mga aktor na sina Zanjoe Marudo, Patrick Garcia, at Carlo Aquino, pati na ang rising teen sensations na sina Khalil Ramos, Sue Ramirez at Kiko Estrada. Ang Annaliza ay isang family drama tungkol sa isang batang puno ng pagmamahal sa kanyang puso at bagamat inaapi, ay patuloy na kumakapit at nananalig sa Diyos. Para sa mga updates tungkol sa Annaliza, manatiling nakatutok sa ABS-CBN, i-like ang Facebook page nito sahttps://www.facebook.com/Annaliza2013, sundan ang @Annaliza2013 sa Twitter at pag-usapan ito gamit ang hashtag na #Annaliza.