Tuesday, May 21, 2013

UNANG TATLONG ACTS NA LALABAN SA PGT GRAND FINALS, KINILALA NA

Pasok na sa grand finals ng pinakamalaki at pinakaenggrandeng talent-reality show sa bansa na "Pilipinas Got Talent" ang bandang MP3, black light dancers na Zilent Overload, at YouTube sensation na si Roel Manlangit matapos silang piliin ng sambayanan at ng judges. Nanguna sa botohan ang Mp3 band na mula Davao City at nakuha ang 25.69% ng online at text votes kaya naman sigurado na itong pasok sa finals. Unanimous naman ang naging pagpili ng Big Three judges sa Zilent Overload ng Pasig City, habang si Roel Manlangit ng Bukidnon ay nakapasok matapos makuha ang boto nina Kris Aquino at Freddie "FMG" Garcia. Taliwas ang naging boto ni Ai Ai Delas Alas na ibinigay niya naman sa flairtending teen na si Chaeremon Basa na isa rin sa acts na lumaban sa battle for survival round. Ito ang pinakaunang pagkakataon sa kasaysayan ng PGT kung saan dalawang semi-finalist acts ang pipiliin ng judges para makausad sa grand finals. Ngayong linggo, tatlong pwesto na lang ang natitira. Sino kaya sa breakdancers na D' Intensity Breakers, metal ring dancer na si Frankendal Fabroa, folk dancers na Bughaw Folkloric Dance Group, power vocalists na The Miss Tres, 24-year-old siren na si Eumee Lyn Capile, at car drifters na Lateral Drift Productions ang lalaban hanggang sa pagtatapos ng kumpetisyon? Huwag palalampasin ang ikalawang  live semi-final performance night ng "Pilipinas Got Talent" sa Sabado (May 25), pagkatapos ng "MMK," na susundan ng ikalawang live semi-final results night sa Linggo (May 26), pagkatapos ng "Rated K" sa ABS-CBN. I-tweet ang inyong mga opinion gamit ang hashtag na #PGT4.

No comments:

Post a Comment