Thursday, May 16, 2013

LIFE STORY NI KEVIN BALOT, TAMPOK SA “MMK”

Kwento ng pagmamahal sa pamilya at pagtanggap sa sarili ang ibabahagi ng "Maalaala Mo Kaya" ngayong Sabado (Mayo 18) tampok ang life story ng Miss International Queen 2012 na si Kevin Balot. Gaganap bilang ang transgender na si Kevin ang isa sa pinaka-promising na Kapamilya actor na si Martin Del Rosario. Bilang nag-iisang anak na lalaki sa kanilang pamilya, sinubukan ni Kevin na talikuran ang kanyang tunay na sekswalidad at tuparin ang pangarap ng kaniyang ama na maging isa siyang engineer. Ngunit hindi nagtagal, hindi na naitago pa ni Kevin ang kanyang tunay na pagkatao sa kaniyang tatay, dahilan upang magbago ang magandang samahan ng kanilang pamilya. Paano nga ba mapapatunayan ni Kevin sa lahat ng tao na hindi isang hadlang ang kanyang sekswalidad sa pag-abot ng kaniyang mga pangarap? Kasama ni Martin sa "MMK" episode ngayong Sabado sina Al Tantay, Shamaine Centenera, Kokoy De Santo, Kristel Fulgar, Toby Alejar, Emmanuelle Vera, Cheska Billones, Louise Bernardo, Princess Freking, at Dax Bayani. Ito ay sa ilalim ng pananaliksik ni Agatha Lee Ruadap, panulat ni Benson Logronio, at sa direksyon ni Mae Czarina Cruz. Huwag palampasin ang isa namang de-kalibreng family drama episode ng "MMK" ngayong Sabado, pagkatapos ng "Wansapanataym," sa ABS-CBN. Para sa iba pang updates, mag log on sawww.mmk.abs-cbn.com, sundan ang @MMKOfficial sa Twitter, at i-"like" angwww.facebook.com/MMKOfficial.

No comments:

Post a Comment