Thursday, May 16, 2013

HALALAN 2013 COVERAGE NG ABS-CBN, MAS TINUTUKAN NG BAYAN

Mas maraming Pilipino sa buong bansa ang tumutok sa ABS-CBN mapa-telebisyon man o online para makuha ang pinakahuling balita at pangyayari sa iba't ibang bahagi ng bansa at sa buong mundo na idinaos na halalan noong Lunes (Mayo 13).

Panalo sa national TV ratigns ang "Bayan Mo, iPatrol Mo: Tayo Na Halalan 2013" coverage ng ABS-CBN mula 6AM hanggang 12MN na nakakuha ng 13.7% ratings kumpara sa GMA's "Eleksyon 2013" na nakakuha lang ng 10% ratings, ayon sa datos ng Kantar Media na sakop ang parehong urban at rural homes.

Pumalo ng 27% ang "TV Patrol" na pinangunahan nina Noli De Castro, Korina Sanchez, at Ted Failon, o siyam na puntos na mas mataas laban sa "24 Oras" na nagtala lamang ng 18.4%.

Sinubaybayan din ang coverage ng ABS-CBN maging sa Twitter kung saan mas ginamit ng netizens ang hashtag na #Halalan2013, kung kayat' naging trending topic ito sa naturang social networking site. Ito ang natatanging hashtag ng election coverage ng isang news organization na nakapasok sa trending topics ng Twitter sa araw ng halalan.

Binalikan din ng ABS-CBN ang ilan sa mga pinakamaiinit na tunggalian sa mga lokal na posisyon sa "KampanyaSerye" sa pamamagitan ng paghahatid ng sariwang updates sa mga resulta ng botohan sa mga lugar gaya ng Manila, Masbate, Cavite, Cebu, Pampanga, Zamboanga, at Laguna.

Bukod sa pagbibigay-diin sa mga lokal na kandidato, nanguna rin ang ABS-CBN sa pagbibigay ng updates ukol sa resulta ng botohan ng overseas absentee voters hatid ng news bureaus ng ABS-CBN sa iba't ibang bahagi ng mundo.

Sa tulong ng kalahating milyong Bayan Patrollers at 221 reporters sa Pilipinas at iba't ibang bansa na nakakalat sa 45 live points, hindi lamang inihatid ng ABS-CBN ang pinakakomprehensibong coverage ng halalan kundi mas pinaigting din pagpapatrol sa mga hinaing at problema ng mga botante sa kani-kanilang distrito. Kasama na rito ang mga pinaka-pinaniniwalaan na analysts na hinamay ang mga isyu at resulta sa "Halalan 2013."

Tampok din sa "Halalan 2013" ang walang patid na 48-hour coverage ng ANC, ang malawak na pagbabalita ng parehong DZMM TeleRadyo at DZMM Radyo Patrol 630 para sa cable TV at AM radio, at ng ABS-CBNNews.com na naglaan ng pinakahuling balita, pagsusuri sa mga resulta ng botohan at ranking ng mga kandidato, at ang social media tracker na inilunsad kasama ang IBM Philippines para analisahin ang mga komentaryo ng mga netizen tungkol sa mga senatorial candidate.

Naging kaakibat din ng mga mamamayan ang  Comelec-Halalan 2013 mobile app ng ABS-CBN para sa mga smartphone at tablet na tumulong sa kanilang hanapin ang kanilang presinto, ang listahan ng mga kandidato at partylist, pati na ang resulta sa mga lokal at national polls base sa datos ng Comelec.

Bumida sa coverage ng ABS-CBN ang celebrity patrollers nito para sa "Bayan Mo, iPatrol Mo: Tayo Na" kabilang na sina Bianca Gonzalez, Valerie Concepcion, Melai Cantiveros, Chieffy Caligdong ng Philippine Azkals, John Lapus, Sam Concepcion, Jed Madela, at iba pa na tumanggap ng mga katanungan at komento ukol sa mga kaganapan sa kanilang lugar sa pamamagitan ng kanilang personal na Twitter accounts.

Malaking bahagi rin ng Halalan 2013 coverage ng ABS-CBN ang citizen journalism arm nitong BMPM na nagtayo ng stations sa higit 30 lugar sa bansa upang tulungan ang mga botante na nahihirapang hanapin ang kanilang presinto, tumanggap ng reports ng mga iregularidad at suliranin sa halalan, at magresponde sa mga emergency hatid ng first aid personnel nito.

Inilunsad ng ABS-CBN ang "Halalan 2013" coverage nito isang taon bago ang halalan upang tulungan at bigyan ng sapat na kaalaman ang mga Pilipino nang sa gayo'y makapamili sila ng mga karapat-dapat na lider at makamit ang pagbabagong nais nilang mangyari sa bansa. 

Ang "Halalan 2013" ang tumugon sa mga pangangailangan ng publiko hindi lamang sa pagbibigay ng impormasyon sa iba't ibang nitong media platforms kundi pati na rin sa pagbibigay ng serbisyo publiko sa pamamagitan ng BMPM stations nito kung kaya ABS-CBN ang pinaka-pinagkatiwalaan na istasyon na nag-ulat ng halalan.

No comments:

Post a Comment