Wednesday, May 29, 2013

ABS-CBN, PINILI NG MGA MAMIMILI BILANG MOST TRUSTED TV NETWORK SA 2013 READER’S DIGEST TRUSTED BRAND AWARDS

ABS-CBN pa rin ang pinakapinagkakatiwalaang Philippine TV network sa bansa ng mga mamimili matapos makuha ng Kapamilya Network ang Gold award sa taunang Reader's Digest Trusted Brand Awards mula sa Reader's Digest Asia-Pacific.

ABS-CBN ang nakakuha ng pinakamataas na iskor sa TV Network category base sa resulta ng Trusted Brand Survey na isinagawa ng market research company na Ipsos sa walong bansa sa Asya kabilang na ang China, Hong Kong, India, Malaysia, Philippines, Singapore, Taiwan, at Thailand.

Mataas ang ratings na ibinigay sa Kapamilya Network ng survey participants, na binubuo ng mga bumabasa ng Reader's Digest at piling mamimili, batay na rin sa Trustworthiness at Credibility, Quality, Value, Understanding of Customer Needs, at Innovative at Social Responsibility kung kaya't naigawad sa ABS-CBN ang tinaguriang "ultimate seal of consumer approval" 

Tinanggap nina ABS-CBN Broadcast Head Cory Vidanes, ABS-CBN Corporate Marketing Head Cookie Bartolome, at ABS-CBN TV Production Head Lauren Dyogi ang Gold Trusted Brand Award na personal na inabot ni Reader's Digest Asia Pacific editor-in-chief Sue Carney noong nakaraang Huwebes (May 23) sa Edsa Shangri-La Hotel.

Unang nakuha ng ABS-CBN ang Gold Trusted Brand award sa TV Network category noong 2010 at muli nitong nakuha ang tagumpay sa dalawang magkasunod na taon noong 2011. Ito ang ikatlong beses na kinilala ng Reader's Digest Asia-Pacific ang halaga ng ABS-CBN sa Asian market.

Ang Reader's Digest Trusted Brands Survey sa Asya ay inilunsad noong 1999. Taunan itong ginagawa at kasalukuyan ay nasa ika-14 na taon na. Layunin nitong kilalanin kung anong brands ang tunay na pinagkakatiwalaan ng mga mamimili sa Asya.

No comments:

Post a Comment