Wednesday, November 20, 2013

ENRIQUE AT IBA PANG KAPAMILYA STARS, SUNOD-SUNOD NA BUMIDA SA RADIO DRAMA

Tinutukan ng FM listeners at online audience kamakailan ang
kauna-unahang pagsabak ni Enrique Gil bilang voice talent sa "Dear
M.O.R.," ang nangungunang drama program tuwing alas-dose ng tanghali
ng "My Only Radio (MOR) 101.9 For Life!" at "MOR TV"
(www.MOR1019.com). Bumida si Enrique sa "Dear MOR" bilang si Carlo,
isang binatang humaling sa isang liberated at dominante niyang
girlfriend na si Lois na ginampanan ng first-ever roving FM radio DJ
at 'Darling ng Masa' na si Eva Ronda. Bukod kay Enrique, itinampok rin
bilang voice talents sa "Dear MOR" ngayong Linggo ang mga Kapamilya
stars na sina Enchong Dee, Aaron Villaflor at Pokwang. Ang "MOR 101.9
For Life" ang kauna-unahang FM radio station na naglunsad ng drama
program sa FM band. Ang "Dear MOR" ay tatlong taon nang patok sa FM
listeners hindi lamang dahil sa mga madamdaming liham at payong
ibinabahagi rito tungkol sa pag-ibig, relasyon, pamilya at buhay,
kundi maging dahil sa mahusay na pagkakaganap ng mga voice talent ng
radio program--kabilang ang "MOR" DJs at ilang bituin ng ABS-CBN. Ang
"Dear MOR" ay umeere araw-araw, mula alas-dose ng tanghali hanggang
alas-dos ng hapon. Ang UPLB Gandingan Award 2011 Best FM DJ na si DJ
Jasmin at si DJ Popoy ang hosts nito mula Lunes hanggang Biyernes;
samantalang si Ms. M naman tuwing Sabado at Linggo. Patuloy na tumutok
sa MORe music, MORe fun at MORe sorpresa ng hottest FM radio station
sa Mega Manila, "MOR 101.9 For Life!" at "MOR TV" sa www.MOR1019.com.
Para sa iba pang updates kaugnay ng "M.O.R. 101.9 For Life!" i-'like'
lamang ang Facebook fanpage nito sa www.facebook.com/mor1019 at
i-follow ang @MOR1019 sa Twitter.

No comments:

Post a Comment