Wednesday, November 20, 2013

“PBB,” “THE VOICE,” AT “MMK,” TAMPOK SA BIDA KAPAMILYA AUDITION CARAVAN SA CEBU

Patuloy ang pagtupad ng pangarap ng ABS-CBN sa mga Kapamilya sa
Kabisayaan sa "Bida Kapamilya Audition Caravan" tampok ang auditions
ng "Pinoy Big Brother," scouting ng "The Voice of the Philippines," at
story gathering ng "Maalaala Mo Kaya" sa Pacific Mall sa Mandaue City,
Cebu ngayong weekend.

Para sa mga gustong maging housemate ni Kuya, gaganapin ang auditions
para sa regular edition ng "Pinoy Big Brother Season 5" sa Biyernes
(Nobyembre 22), mula 8AM hanggang 6PM. Magbubukas ito para sa mga
babae at lalaki edad 18 hanggang 35.

Sa Sabado (Nobyembre 23), boses ng batang Pinoy naman ang maririnig sa
paghahanap ng bagong artists sa scouting ng "The Voice of the
Philippines Kids" kung saan maaaring sumali ang mga batang edad 8
hanggang 13 anyos. Magsisimula ito sa ganap na 9AM at magtatapos ng
5PM.

Bida naman ang kabataang Pinoy sa audition ng "Pinoy Big Brother Teen
Edition" sa Linggo (Nobyembre 24) para sa mga 12 hanggang 17 taong
gulang mula 8AM hanggang 3PM.

Sa tatlong nasabing araw, gaganapin ang story gathering ng "MMK" para
sa mga taong gustong ibahagi at isabuhay ang kanilang kwento sa
top-rating na drama anthology.

Lahat ng lalahok sa caravan ay dapat na magdala ng valid ID at birth
certificate.

No comments:

Post a Comment