Thursday, November 28, 2013

IISANG AWIT AT IISANG TINIG PARA SA PAGBANGON, HANDOG NG MGA PILIPINO SA “KWENTO NG PASKO, VERSION NATIN ITO”

Sa iisang awit, sabay-sabay tayong babangon ay sa pinag-isang tinig,
sama-sama tayong aahon.

Inaanyayahan ng ABS-CBN ang lahat ng Pilipino saan man sa mundo na
makiisa sa kwento ng pagbangon. Maari kayong maging bahagi ng "Kwento
ng Pasko, Version Natin Ito" music video, ang pinakaunang
user-generated station ID na gagawin ng Kapamilya Network.

I-video lang ang sarili o kasama ang pamilya, ka-opisina, o mga
kaibigan habang kinakanta ang Christmas station ID theme song na
"Magkasama Tayo sa Kwento ng Pasko." I-upload ito sa
pasko.abs-cbn.com.

Taon taon ay talaga namang inaabangan ng publiko ang station ID ng
ABS-CBN. Higit pa sa pagsasama-sama ng pinakamalalaki at
pinakamaningning na Kapamilya stars sa isang music video, ang
Christmas station ID ay isang paraan para makaantig at maka-inspire ng
mga manonood.

Kaya naman gumawa ang ABS-CBN ng bagong bersyon ng "Magkasama Tayo sa
Kwento ng Pasko" station ID para bigyang pugay ang tibay ng loob,
katatagan, at pagtutulungang ipinapamalas ng mga Pilipino sa panahon
ng pangangailangan. Ipinakita rito na kayang kaya bumangon ng mga
Pilipino sa anumang sitwasyon nang may ngiti sa mukha at may nag-aalab
na pag-asa para sa mas magandang umaga.

Patuloy ang ABS-CBN sa pagtulong sa survivors ng bagyong Yolanda sa
pamamagitan ng Sagip Kapamilya at pagbebenta ng "Tulong Na Tabang Na
Tayo Na" t-shirts. Isang matagumpay na benefit concert din ang idinaos
nito kamakailan sa Araneta Coliseum.

Kasangga rin sa pagbangon ng Yolanda survivors ang ABS-CBNmobile.
Maaring makatulong ang publiko sa kanila sa pamamagitan ng pag-share
ng load sa ABS-CBNmobile SIM cards na mabibili sa mga tindahan at
tiangge. I-text lang ang Share<space><amount> at i-send ito sa 2131
para mag-share ng load. Maaaring mag-share ng P10, P20, P50, at P100.
Ang lahat ng load na makokolekta ay ibabahagi sa Yolanda survivors.

Sa mga nais tumulong sa survivors ng Yolanda sa pamamagitan ng Sagip
Kapamilya ay bumisita lang sawww.abs-cbnnews.com/tulongph. Para sa
karagdagang impormasyon kung paano sasali sa "Kwento ng Pasko, Version
Natin Ito" music video, maglog-on na sa http://pasko.abs-cbn.com.

No comments:

Post a Comment