Wednesday, February 13, 2013

“PILIPINAS GOT TALENT” NILIBOT ANG MUNDO PARA SA IKAAPAT AT PINAKAMALKING SEASON

Bibida na ang pinakabago at pinakamalaking season ng "Pilipinas Got Talent" simula ngayong Sabado (Feb 16) kung saan muling masasaksihan ng sambayanan ang talent ng Pinoy hindi lang sa loob ng bansa kung hind imaging sa ibang bansa.

Sa unang pagkakataon ay nilibot ng ng PGT ang mundo partikular na sa USA, Japan, Singapore, Hong Kong, Middle East, Europe, Canada, Australia, at Guam para mabigyan ng pagkakataong magpamalas ng husay ang mga Pinoy roon sa idinaos nitong global auditions.

Ang tinanghal na pinakamahusay sa bawat teritoryo ay inilipad ng programa pabalik ng Pilipinas para makaharap na ang Big Three Judges na kinabibilangan nina Queen of All Media Kris Aquino, Comedy Queen Ai Ai Delas Alas, at 'The Expert' Freddie "FMG" Garcia.

Nakapag-audition ang mga nangangarap sumali sa kani-kanilang mga bahay sa pamamagitan ng pagpapadala ng kanilang video sa online auditions na isinagawa sa pakikipagtulungan sa Cge.tv.

"Alam naming marami pang kayang ipakita ang mga Pilipino lalo na sa larangan ng talent. Kaya naman ginawa naming ang global at online auditions para mas marami sa kanila ang mabigyan ng pagkakataong ipalamas ito sa iba. Pinakamalaking season ito ng PGT kaya nararapat lang din na mahanap naming ang pinakamahusay na talent sa loob o labas man ng bansa," paliwanag ni Business Unit Head Joyce Liquicia.

Talagang mas palaban ang mga sumali sa edisyong ito matapos itaas ng mga nakaraang season ng PGT ang pamantayan pagdating sa husay ng bawat talent. Bukod sa mga nakasanayang acts tulad ng pagkanta o pagsayaw, mas naging malikhain pa ang mga Pinoy sa talentong ipinamalas na kailanman ay hindi pa nakikita sa kasaysayan ng PGT."kung

"Kung sa tingin niyo nakita niyo na lahat sa mga nakaraang PGT, hintayin niyo ang bago naming season dahil mas madami pa kaming nadiskubre na kayang gawin ng mga Pinoy. Mula sa act na pinagsama ang gymnastics at wall climbing hanggang sa act na papatayin ang sindi ng kandila gamit ang kanyang utot, meron kami niyan ngayong season four," sabi ng executive producer na si Richelle Bernal.

Para mas lalong maging kapanapanabik, iniba rin ng produksyon ang paraan ng pagpapakilala sa bawat acts, pagbabahagi ng kuwento ng bawat auditionee, at ginawan pa ng pasabog na opening number ang hosts na sina Luis Manzano at Billy Crawford.

Haharapin ng PGT hopefuls ang Big Three jugdes sa audition stage at kinakailangan ay makuha nila ang boto ng mga ito para makausad sa sunod na stage. Lahat ng papasok ay mapapabilang sa listahan ng contestants na sasalain sa Judges Cull round, kung saan ang judges ay pipili lang ng 36 acts na papasok sa Quarter Finals.

Sa loob ng anim na linggo, anim na acts ang pagsasabungin sa isang talent showdown at sa pagtatapos ng gabi ay dalawa lang sa kanila ang makakalusot— isa ang pipiliin ng manonood via text votes at isa naman ay pipiliin ng judes—para mabuo ang listahan ng semi-finalists.

Ang 12 na semi-finalists ay muling maghaharap-harap sa Semi-Finals kung saan anim lang sa kanila ang matitira para maglaban-laban sa pinakaabangang Grand Finals.

Sino ang kaya tatanghaling ikaapat na grand winner ng "Pilipinas Got Talent?"

Huwag palalampasin ang "Pilipinas Got Talent 4" tuwing Sabado, simula Feb 16, pagkatapos ng "MMK," at tuwing Linggo, pagkatapos ng "Rated K" sa ABS-CBN.

No comments:

Post a Comment