Wednesday, February 13, 2013
LA SALLE AT ATENEO MAGKAKAINITAN SA “BOTTOMLINE” NGAYONG SABADO
Matapos ang matagumpay na pagpapalabas ng "Rivalry: Ateneo-La Salle The Musical" noong nakaraang taon, muling itinatanghal sa entablado ngayong Pebrero ang istorya ng mainit na kompetisyon sa pagitan ng Ateneo de Manila University at De La Salle University. At ngayong Sabado (Pebrero 16) sa "The Bottomline With Boy Abunda," ibabahagi sa TV viewers ng producer at musical director ng nasabing musical na si Ed Gatchalian ang kanyang pananaw kaugnay ng ilang dekada nang tunggalian sa basketball sa Pilipinas ng dalawa sa pinakapremyadong unibersidad sa bansa. Upang higit na maging mainit ang diskusyon, bahagi ng audience ng "Bottomline" sa Sabado ang mga La Sallista na sina Japoy Lizardo, Johnny Sy, Henry Atayde, at Paolo Lucero; at mga Atenistang sina Karylle, Yael Yuzon, Nini Borja, Vin Dancel, Toto Malvar, Mike Go, at Kirk Long. Kailan nga ba nagsimula ang matinding kompetisyon sa pagitan ng Ateneo at La Salle? Paano nga ba nagkakaiba at nagkakapareho ang mga La Sallista at Atenista? Matapos makapag-aral ni Gatchalian sa parehong eskwelahan, masasabi ba niyang nakatutulong sa paghubog ng katauhan ng mga estudyante ang kompetisyon sa pagitan ng dalawang unibersidad? Huwag palampasin ang 2012 PMPC Best Public Affairs Program na "The Bottomline with Boy Abunda" ngayong Sabado, 11:30 ng gabi, pagkatapos ng "Banana Split" sa ABS-CBN. Para sa karagdagang updates, mag-log on lamang sa www.abs-cbn.com o sundan ang @abscbndotcom sa Twitter.
No comments:
Post a Comment