Wednesday, August 27, 2014

Jessy Mendiola, Gaganap na Madre sa 'MMK'

Madreng tapat sa kanyang bokasyon ang karakter na bibigyang-buhay ng Kapamilya actress na si Jessy Mendiola sa upcoming episode ng "Maalaala Mo Kaya" ng ABS-CBN ngayong Sabado (Agosto 30).

Mula pagkabata, pinangarap na ni Marie (Jessy) ang maging madre kung kaya't kailanman ay hindi siya nagpaligaw sa mga lalaki. Ngunit nagbago ang lahat nang makilala ni Marie si Nick (Edgar Allan Guzman), ang kanyang unang pag-ibig na inakala niyang malilimutan niya pagpasok sa monasteryo.

Anong gagawin ni Marie sa sandaling magkrus muli ang landas nila ng kanyang first love? Susubukin ba ng pagbabalik ni Nick ang pangako ni Marie sa kanyang bokasyon?

Tampok rin sa "MMK" ngayong Sabado sina Vangie Martelle, Karen Dematera, Alex Diaz, AJ Muhlach, Lemuel Pelayo, Lloyd Samartino, Chienna Filomena, at Kristel Fulgar. Ito ay sa ilalim ng direksyon ni Garry Fernando at panulat nina Joan Habana at Arah Jell Badayos. Ang "MMK" ay pinamumunuan ng business unit head nito na si Malou Santos at creative manager na si Mel Mendoza-Del Rosario.

Sa loob ng 23 taon, naging bahagi ng bawat pamilyang Pilipino saan man sa mundo ang "Maalaala Mo Kaya" na bawat Sabado ay nagpapaluha, nagpapangiti, at nagbibigay-inspirasyon sa TV viewers sa pamamagitan ng mga totoong kwentong buhay na ibinabahagi ng letter-senders ng programa.

Huwag palampasin ang longest-running drama anthology sa Asya, "MMK," tuwing Sabado ng gabi pagkatapos ng "Wansapanataym" sa ABS-CBN. Para sa iba pang updates, mag log on sa MMK.abs-cbn.com, sundan ang @MMKOfficial sa Twitter, at i-like ang Facebook.com/MMKOfficial. I-tweet ang inyong saloobin at opinyon kaugnay ng episode ngayong Sabado gamit ang hashtag na #MMKTheVow.

Sunday, August 24, 2014

Daniel Matsunaga, Itinanghal na 'PBB All In' Big Winner

Pinangalanang Big Winner ng "Pinoy Big Brother All In" ang Brazilian-Japanese model na si Daniel Matsunaga matapos magtala ng pinakamalaking porsiyento ng net votes sa "PBB All In: The Big Night" noong Linggo (Aug 24) sa Resorts World Manila.

Nadaig ni Daniel ang ibang teen, regular, at celebrity housemates ng makasaysayang edisyon . Nakakuha siya ng 11.69% na net votes nang ipagsama ang kanyang 18.52% 'votes to save' at -6.83% 'votes to evict.'

Nang tanungin kung bakit sa tingin niya'y binoto siya ng mga manonood, maluha-luhang sinabi ni Daniel, "Sa tingin ko dahil mahal na mahal ko kayo. Some people would think na hindi ako Filipino, pero I am so much more proud to be a Filipino at heart than many others out there na hindi proud sa country."

"I'm thankful, first to God, who gave me this opportunity. One day sinabi Niya sa akin na I have a purpose dito sa Pilipinas, and I guess this purpose is today. Mahal na mahal ko kayo," dagdag pa niya.

Tinaguriang "Hunk of the World ng Makati" si Daniel nang pumasok siya sa sikat na Bahay ni Kuya noong Mayo sa unang live eviction ng "PBB All In." Bilang Big Winner, nagwagi siya ng P1 milyon, tatlong business franchise, Asian tour for two, at isang bagong condominium unit.

Pinangalanan namang 2nd Big Placer at nanalo ng P500,000 ang teen housemate na si Maris Racal, na nakatanggap ng 3.1% net votes. Sumunod ang aktres na si Jane Oineza ang bilang 3rd Big Placer na may -0.73% net votes, habang ang regular housemate na si Vickie Rushton ang naging 4th Big Placer na may -0.78% net votes. Nakakuha sina Jane at Vickie ng P300,000 at P200,000. Wagi naman ang Big Four housemates ng home entertainment package.

Pinangunahan nina Toni Gonzaga, Bianca Gonzalez, John Prats, at Robi Domingo ang Twitter-trending na Big Night, na nagtampok din sa "PBB" alumni na sina Kim Chiu, Sam Milby, Melai Cantiveros, Jason, Francisco, Ejay Falcon, Matt Evans, Alex Gonzaga, celebrities na sina Joseph Marco at Tutti Caringal, at ang lahat ng ex-"PBB All In" housemates.

Naging makasaysayan ang "PBB All In" dahil sa pagpapakilala nito ng ilang housemates sa iba't ibang Kapamilya programs bago ang aktwal na kick-off, ang pagdadaos ng huling eviction night isang araw bago ang Big Night, at ang sama-samang pagtira ng 19 teen, regular, at celebrity housemates.

Archer Gabriel Luis Moreno claims Olympic gold in Nanjing 2014 a day before National Heroes Day

It was an exciting Sunday afternoon for Philippine sports as Gabriel Luis Moreno gave his best performance in archery to win the gold medal in the Mixed International Team Event at the Youth Olympic Games in Nanjing, China.

TV5 aired the live coverage of the historic event yesterday before the broadcast of the PBA Rookie Draft.

Moreno was working in tandem with Chinese archer Li Jiaman against the tandem of Muhammad Zoklepeli of Malaysia and Cynthia Freywald. Moreno and Li swept the three sets in the gold medal round (38-37, 38-35, 37-33) with the Moreno making the winning hit to claim the Philippine's first Olympic gold.

Gabriel Luis Moreno, 16 years old, is the grandchild of actor and television host German "Kuya Germs" Moreno. He was also one of the early entries to the Youth Olympic Games.

TV5 will replay Moreno's events today starting at 1:30pm.

TV5, the official Philippine Olympic network, has been giving the comprehensive coverage of the Nanjing 2014 Youth Olympic Games that started last August 16. The Kapatid network also brought the coverage of the Sochi 2014 Winter Olympic Games that featured figure skater Michael Martinez capturing the hearts of Filipinos.

Friday, August 22, 2014

Sino si 'Miss Ripley'?

Nakabibighani ang kanyang ganda ngunit hindi nakikita ng  mga mata na ang kanyang buong pagkatao ay binabalot ng kasinungalingan. Ano nga ba ang nananatiling totoo sa mundong nabuo sa panlilinlang?

Makikilala mo na si Emily, ang pinakabagong bida-kontrabida sa primetime, simula Lunes (Aug 25) sa pag-uumpisa ng naiiba at mapang-akit na Koreanovela na "Miss Ripley."

Tampok bilang Emily si Lee Da Hae, na unang kinagiliwan ng maraming Pilipino sa hit seryeng "My Girl," sa kanyang pinakamapangahas na pagganap sa telebisyon. Sasamahan siya rito ni Park Yoo Chun bilang Marco na kinahumalingan naman sa mga seryeng "Rooftop Prince," "My Secret Love: Sungkyunkwan Scandal," at "Missing You."

Sa kagustuhang takasan ang kanyang mapait na nakaraan at nakagisnang buhay sa Japan, magsisimulang muli si Emily sa pamamagitan ng pagbalik sa Korea. Maghahanap siya ng trabaho ngunit hindi ito magiging madali dahil high school lang ang kanyang tinapos.

Sa kanyang kagustuhang makaangat agad sa buhay kung kaya't naisip niyang magpanggap bilang ibang tao at pinaniwala ang hotel manager na si William na siya ay nakapagtapos sa University of Tokyo. Si William sa mga panahong iyon ay naghahanap ng taong marunong magsalita ng Hakata at dahil galing Japan, alam ni Emily ang naturang wika.

Tuluyang mabubulag si Emily ng ambisyon at bukod sa trabahong inaasam, kukunin niya rin ang loob ni Wiliiam at papaibigin ito. Dito magkukrus ang landas nila ni Marco, ang tagapagmana ng malalaking hotel chain sa bansa. Para sa babaeng hahamakin ang lahat makuha lang ang gusto, iindahin ni Emily ang nararamdaman ni William at aakitin din si Marco palapit sa kanya.

Hanggang saan dadalhin ng ganid si Emily? Sino sa dalawang lalaki ang handang maninidigan para sa kanya sa oras na maisiwalat na ang tunay niyang pagkatao?

Pakatutukan ang "Miss Ripley" simula sa Lunes (Aug 25) pagkatapos ng "Aquino and Abunda Tonight" sa Primetime Bida ng ABS-CBN. Para sa karagdagang updates, sundan ang @Kapamilyanovela sa Twitter o i-like ang official Kapamilyanovela Facebook page sa http://www.facebook.com/ABSCBNKapamilyanovelas.

'Himig Handog P-Pop Love Songs 2014' Finals Night, Sa September 28 Na!

Magaganap na sa Setyembre 28 (Linggo), 7:30PM, sa Mall of Asia Arena ang finals night ng pinakamalaking multimedia songwriting competition sa bansa na "Himig Handog P-Pop Love Songs 2014."

Bibigyang-buhay ng ilan sa pinakasikat na Filipino recording artists ang 15 napiling kanta sa "Himig HandogPinoy Pop (P-POP) Love Songs 2014."

"Mas matindi ang labanan ngayong taon dahil mas malawak ang itatampok nating genres ng mga awiting sinulat ng magkahalong veteran at bagong songwriters. At dahil d'yan ay mayroon tayong exciting mix ng singers na mag-iinterpret ng ating mga bagong 'Himig Handog' hits," pahayag ng Star Music head na si Roxy Liquigan kaugnay ng bagong edisyon ng "Himig Handog P-Pop Love Songs."

"Magbabalik bilang 'Himig Handog' interpreters sina Angeline Quinto, Daniel Padilla, Juris, Bugoy Drilon, Jovit Baldivino, Marion Aunor, Jessa Zaragoza, at KZ Tandingan. Pero may mga first-timer rin tayo gaya nina Ebe Dancel at Abra, Jugs at Teddy, Janella Salvador, Morisette Amon, Hazel Faith dela Cruz, Michael Pangilinan, at Jed Madela," ani Liquigan.

Si Angeline ang aawit ng "Hanggang Kailan" na komposisyon ni Jose Joel Mendoza; si Daniel ng kantang "Simpleng Tulad Mo" ni Meljohn Magno; Juris ng "Hindi Wala" ni Nica del Rosario; Morisette ng "Akin Ka Na Lang" ni Francis Louis Salazar; Jessa ng "Bumabalik ang Nagdaan" ni Sarah Jane Gandia; Jovit ng "Dito" nina Raizo Brent Chabeldin at Biv De Vera; Ebe Dancel kasama si Abra ng "Halik sa Hangin" ni David Dimaguila; Jed ng "If You Don't Want to Fall" ni Jude Gitamondoc; Janella ng "Mahal Kita Pero" ni Melchora Mabilog; KZ ng "Mahal Ko o Mahal Ako" ni Edwin Marollano; Bugoy ng "Umiiyak ang Puso" ni Rolando Azor; Jugs at Teddy ng "Walang Basagan ng Trip" ni Eric De Leon; Marion kasama sina Rizza and Seed "Pumapag-ibig" ni Jungee Marcelo; at  Michael ng "Pare Mahal Mo Raw Ako" ni Jovinor Tan. Samantala, ang songwriter-finalist namang si Hazel Faith ang interpreter ng sarili niyang komposisyong "Everything Takes Time."

Ang 15 finalist songs ng "Himig Handog Pinoy P-POP Love Songs 2014" ay eksklusibong mapapakinggan na rin sa radyo at internet sa pamamagitan ng official FM station ng ABS-CBN na MOR 101.9 For Life! at sa "MOR TV" nito sa www.mor1019.com.

Sa ika-anim nitong taon, patuloy ang "Himig Handog" sa pagtuklas ng mga de-kalibreng Filipino composer na may mga obra-maestrang tiyak na tatatak sa puso ng mga nakikinig at mamahalin ng maraming henerasyon. Ilan sa original Pinoy music (OPM) classic love songs na sumikat sa pamamagitan ng "Himig Handog" ang "Hanggang" ni Wency Cornejo, "Kung Ako na lang Sana" ni Bituin Escalante, "Kung Ako ba Siya" ni Piolo Pascual, "Bye Bye Na" ni Rico Blanco, "This Guy's in Love with You Pare" ni Chito Miranda, at ang dalawang big hit noong 2013 na "Nasa Iyo Na Ang Lahat" ni Daniel at "Anong Nangyari Sa Ating Dalawa" ni Aiza Seguerra. 

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa about "Himig Handog P-Pop Love Songs," bisitahin ang Facebook fanpage ng Star Records na www.facebook.com/starrecordsphil o i-follow ang @starrecordsph sa Twitter.

 

Wednesday, August 20, 2014

ABS-CBN Philharmonic Orchestra, Pakikiligin at Pasasayawin ang Madlang People

Inilunsad na ng Star Records ang debut album ng ABS-CBN Philharmonic Orchestra na may titulong "Decades of OPM" na nagbibigay-pagkilala sa ilan sa pinakamagagandang original Pilipino music (OPM) noong '70s, '80s '90s at 2000s.

Tapat sa hangarin nitong ipakilala ang musika ng orkestra sa puso ng mas nakararaming Filipino, tampok sa album ng ABS-CBN Philharmonic Orchestra ang natatangi nitong kolaborasyon kasama ang ilan sa pinakamahuhusay na mang-aawit sa bansa kabilang sina Gary Valenciano, Martin Nievera, Vina Morales, Angeline Quinto, Yeng Constantino at Piolo Pascual, at pinakasikat na recording stars ngayon gaya nina Daniel Padilla, Enrique Gil, at Abra.

Maghandang kiligin sa mga bagong bersyon ng ilan sa all-time videoke favorites ng mga Pinoy na inawit sa saliw ng ABS-CBN Philharmonic Orchestra. Bahagi ng tracklist ang "Kapalaran" na kinanta ni Gary V, "Hawak Kamay" ni Yeng, "Himig Handog Suite" (Medley of Hanggang/Kung Ako Na Lang Sana/Ano'ng Nangyari Sa Ating Dalawa/Hindi Na Bale) na inawit ni Angeline, "Rey Valera Suite" (Medley of Pangako/Tayong Dalawa/Kung Tayo'y Magkakalayo), "Mula Sa Puso (orchestra only), "Tubig at Langis (orchestra only), at "Be My Lady" na tinugtog kasama ang award-winning composer-arranger na si Louie Ocampo.

Bukod sa ballads, maghandang mapasayaw sa pagtugtog ng ABS-CBN Philharmonic Orchestra sa mga pumatok na Pinoy dance hit songs na tiyak na muling magpapaindak sa bagong henerasyon. Kinanta ni Daniel ang "OPM Dance Suite" (Medley of Awitin Mo Isasayaw Ko/Katawan/Rock Baby/Tayo'y Magsayaqan) at sina Enrique at Abra ang nagsanib-pwersa para sa bagong bersyon ng "Totoy Bibo." Tinugtog rin ng orkestra ang "Pinoy Ako," ang theme song ng hit reality show ng ABS-CBN na "Pinoy Big Brother."

Bahagi rin ng album ang bonus tracks na "Please Be Careful With My Heart" (orchestra only), "Maging Sino Ka Man" ni Martin, "After All" nina Martin at Vina, at "Kung Kailangan Mo Ako" ni Piolo. 

Ang "Decades of OPM" CDs mabibili na mga record bar sa buong bansa sa halagang P350 lamang. Mada-download naman ang digital format ng mga kanta sa Starmusic.ph, Amazon.com, Mymusicstore.com.ph, at iTunes. 

Ang 42-piece ABS-CBN Philharmonic Orchestra ay pinangungunahan ng kilalang conductor na si Maestro Gerard Salonga. Ito ay isang joint venture ng ABS-CBN at First Philippine Holdings Corp. 

Para sa karagdagang impormasyon kaugnay ng "Decades of OPM" album ng ABS-CBN Philharmonic Orchestra, bisitahin ang Facebook fanpage ng Star Records sa Facebook.com/starrecordsphil o sundan ang @starrecordsph sa Twitter.

Bea, Enjoy sa Tarayan Nila ni Maricar sa 'Sana Bukas ang Kahapon'

Aminado ang Movie Queen ng bagong henerasyon na si Bea Alonzo na natutuwa siya sa tuwing may maiinit na komprontasyon ang mga karaketr nila ni Maricar Reyes sa top-rating primetime drama series ng ABS-CBN na "Sana Bukas Pa Ang Kahapon." 

"Nag-eenjoy kami lagi ni Maricar tuwing nag-aaway at nagtatarayan kami sa mga eksena namin bilang si Sasha at Rose," pahayag ni Bea kamakailan nang mag-renew siya ng kanyang two-year contract sa Kapamilya network. 

"Nakakatuwang gawin 'yung away scenes dahil sa totoong buhay hindi namin 'yun ginagawa. Challenge para sa amin na gawing kapani-paniwala sa viewers 'yung tarayan at sagutan namin," ani Bea kaugnay ng kanilang roles na mainit na pinag-uusapan maging sa social networking sites. 

Taliwas sa alitan ng kanilang mga karakter sa "Sana Bukas Pa ang Kahapon," sinabi ni Bea na maayos ang samahan nila off-cam ni Maricar at ng kanyang leading man na si Paulo Avelino na gumaganap sa kwento bilang si Patrick, ang lalaking kapwa mahal nina Rose at Sasha. Aniya, "Lagi kaming nagtatawanan nina Maricar at Paulo sa set. Dahil sa soap na ito, mas naging close kami sa isa't isa." 

Samantala, tiyak na mas paiinitin ng "Sana Bukas Pa Ang Kahapon" ang gabi ng TV viewers ngayong hindi na papipigil pa si Rose sa kanyang paghihiganti sa lahat ng taong sumira sa buhay niya. Paano ipagpapatuloy ni Rose ang kanyang plano laban kina Sasha at Patrick ngayong may nararamdaman pa rin siya para sa kanyang asawa? Mapagtatagumpayan pa rin ba niya ang paghahanap sa tunay na pumatay kay Emmanuelle at sa kanyang ama? 

Sa ilalim ng Dreamscape Entertainment Television, ang "Sana Bukas Pa Ang Kahapon" ay kwento ng dalawang magkaibang babae na naghahangad na makamit ang hustisya. Ito ay sa ilalim ng direksyon nina Trina Dayrit at Jerome Pobocan. 

Huwag palampasin ang mga makapigil-hiningang eksena sa "Sana Bukas Pa Ang Kahapon" gabi-gabi pagkatapos ng "Ikaw Lamang" sa ABS-CBN Primetime Bida. Para sa karagdagang impormasyon kaugnay ng "Sana Bukas Pa Ang Kahapon," bisitahin lamang ang official social media accounts ng programa sa Facebook.com/SBPAK.TV, Twitter.com/SBPAK_TV, at Instagram.com/DreamscapepH.

Saturday, August 16, 2014

Alex Gonzaga, Joseph Marco, Yen Santos at Arjo Atayde, Bagong Kinakikiligan sa Primetime

Aliw ang TV viewers sa kakaibang love story na nabuo sa pagitan ng mga pinag-uusapang karakter nina Alex Gonzaga, Joseph Marco, Yen Santos, at Arjo Atayde sa top-rating primetime drama series ng ABS-CBN na "Pure Love."

Kung sa simula ay kinagigiliwan na ng mga manonood ang namuong love triangle sa pagitan nina Diane (Alex), Ysabel (Yen), at Dave (Joseph), ngayon ay mas tumindi pa ang level ng kilig dahil sa pagiging interesado ni Raymond (Arjo) kay Ysabel. Dagdag-pampakilig pa sa programa ang kakaibang karisma nina Joseph at Arjo na mas kilala na ngayon ng viewers bilang ang mga lalaki sa buhay nina Diane at Ysabel.

Ngayong nakuha na ni Diane--sa pamamagitan ng pagkatao ni Ysbael--ang tiwala ni Raymond, ano-ano ang kanyang gagawin upang malaman ang tunay na balak ng kasintahan sa kanilang pamilya at negosyo?
 
Halaw sa hit 2011 Korean TV series, ang local adaptation ng "Pure Love" ay sumesentro sa kahalagahan ng tunay na pagmamahal at katatagan ng relasyon ng pamilyang Pilipino. Ibinabahagi nito ang kwento ng pinag-ugnay na buhay nina Diane at Ysabel na pinagtagpo ng tadhana sa pamamagitan ng isang aksidente. Nang ma-comatose si Diane, nalaman niyang hindi pa niya oras mamatay. Kaya naman binigyan siya ng pagkakataon ng isang misteryosong "Scheduler" para muling mabuhay sa isang kondisyon--sa loob ng 40 araw, kinakailangan niyang makahanap ng tatlong tao maliban sa kanyang kapamilya na luluha dahil sa tunay na pagmamahal sa kanya. At para magawa ito ay hihiramin niya ang katawan ni Ysabel.

Kasama nina Alex, Joseph, Yen, at Arjo sa "Pure Love" sina Matt Evans, Arron Villaflor, Yam Concepcion, at ipinakikilala si Anna Luna. Bahagi rin ng cast sina Sunshine Cruz, John Arcilla, Ana Capri, Bart Guingona, Dante Ponce, at Shey Bustamante. Ang "Pure Love" ay sa ilalim ng direksyon ni Veronica Velasco.

Huwag palampasin ang primetime's newest sensation, "Pure Love," gabi-gabi sa ganap na 5:50 ng gabi, bago mag-"TV Patrol" sa ABS-CBN Primetime Bida. Para sa karagdagang impormasyon, mag-log on sa ABS-CBN.com, sundan ang @PureLovePH sa Twitter, at i-"like" ang official Facebook page ng show sa Facebook.com/purelovetheofficial.

Monday, August 4, 2014

ABS-CBN Panalo Pa Rin sa National TV Ratings Noong Hulyo

Pinakapinanood pa rin sa mas maraming kabahayan sa buong bansa ang ABS-CBN noong Hulyo sa kabila ng kawalan ng kuryente sa ilang lugar sanhi ng bagyong Glenda. Base sa datos ng Kantar Media, nakakuha ang ABS-CBN ng average audience share na 43%, o siyam na puntos na mas mataas sa nakuha ng GMA na 34%.

Mas mapagkakatiwalaan ang datos ng Kantar Media na batay sa 2,609 na kabahayan sa parehong urban at rural areas sa bansa. Mas marami at eksakto kaysa sa service provider ng ibang networks, ang AGB Nielsen, na mayroong 1,980 kabahayan na nakabase lamang sa mga urban area.  Kinakatawan ng Kantar Media ang 100% ng mga kabahayang may telebisyon sa Pilipinas, habang umano'y 57% lamang ang kinakatawan ng AGB Nielsen dahil hindi kasama ang rural areas sa datos nito.

Makikita rin sa datos ng Kantar Media noong Hulyo ang patuloy pamamayagpag ng ABS-CBN sa primetime (6PM-12MN) sa average audience share na 50%, o 18 puntos na mas mataas sa 32% ng GMA.

Wagi rin ang Primetime Bida sa iba pang bahagi ng bansa gaya ng Balance Luzon (mga lugar sa Luzon na nasa labas ng Mega Manila), Visayas, at Mindanao. Nagtala ito ng average audience share na 53% sa Balance Luzon, 63% sa Visayas, at 61% sa Mindanao, habang 31%, 23%, at 24% naman ang nakuha ng primetime block ng GMA sa mga nasabing lugar.

Ang primetime ang pinakamahalagang timeblock dahil sa mga oras na ito may pinakamaraming nanonood kung kaya't importante ito sa advertisers na naglalagay ng patalastas para maabot ang mas nakararaming Pilipino sa buong bansa.

Ang patuloy na pangunguna ng ABS-CBN sa primetime ay pinalakas ng mga nangungunang programang "TV Patrol," "Ikaw Lamang," "Sana Bukas Pa Ang Kahapon," at mga bagong teleseryeng "Hawak Kamay" at "Pure Love."

Pilot episode pa lang ng "Hawak Kamay" at "Pure Love" ay nanguna na ito sa kani-kanilang timeslot. Ang pagbabalik ni Piolo Pascual sa family dramang "Hawak Kamay" ay nagtala ng national TV rating na 24%, o higit sa siyam na puntos na mas mataas sa kalabang nitong "NiƱo" na may 15.5%, noong Hulyo 21. Ang "Pure Love" naman na pinagbibidahan nina Alex Gonzaga and Yen Santos ay nakakuha ng 19.5% noong Hulyo 7, habang may 10.7% naman ang katapat nitong "My BFF."

Pumalo sa national TV rating na 27.3% ang pagtatapos na primetime fantaseryeng "Mirabella" noong Hulyo 4, samantalang may 10.5% naman ang kalaban nitong "My BFF" sa nasabing araw.

Naabot naman ng "The Voice Kids" ang panibagong all-time high national TV rating nito na 37.7% sa unang gabi ng finale nito noong Hulyo 26. Nanatili rin sa unang pwesto ang katatapos lamang na singing reality show sa listahan ng pinakapinanood na programa sa bansa noong Hulyo sa average national TV rating of 33.6%.

Nakuha ng ABS-CBN ang lahat ng pwesto sa listahan ng sampung programang pinakapinanood noong Hulyo. Bukod sa "The Voice Kids" nanguna rin ang "Dyesebel" (27.2%), "Maalaala Mo Kaya" (26.4%), "Hawak Kamay" (25.9%), "Ikaw Lamang" (25.4%), "TV Patrol" (25.3%), "Mirabella" (24.4%), "Wansapanataym" (23%), "Rated K" (21.3%), at "Home Sweetie Home" (20.2%) sa nasabing buwan. Pasok naman ang "Pure Love" (18.3%), "Sana Bukas Pa Ang Kahapon" (18.3%), at "Goin' Bulilit" (17.2%) sa top 15.


Sunday, August 3, 2014

Angeline Quinto, Daniel Padilla, at Iba Pang OPM Stars, Kabilang sa 'Himig Handog 2014' Itnerpreters

Bibigyang-buhay ng ilan sa pinakasikat na Filipino recording artists ang 15 napiling kanta sa "Himig Handog Pinoy Pop (P-POP) Love Songs 2014."

"Mas matindi ang labanan ngayong taon dahil mas malawak ang itatampok nating genres ng mga awiting sinulat ng magkahalong veteran at bagong songwriters. At dahil d'yan ay mayroon tayong exciting mix ng singers na mag-iinterpret ng ating mga bagong 'Himig Handog' hits," pahayag ng Star Music head na si Roxy Liquigan kaugnay ng bagong edisyon ng pinakamalaking multimedia songwriting competition sa bansa.

"Magbabalik bilang 'Himig Handog' interpreters sina Angeline Quinto, Daniel Padilla, Juris, Bugoy Drilon, Jovit Baldivino, Marion Aunor, Jessa Zaragoza, at KZ Tandingan. Pero may mga first-timer rin tayo gaya nina Ebe Dancel at Abra, Jugs at Teddy, Janella Salvador, Morisette Amon, Hazel Faith dela Cruz, Michael Pangilinan, at Jed Madela," ani Liquigan.

Si Angeline ang aawit ng "Hanggang Kailan" na komposisyon ni Jose Joel Mendoza; si Daniel ng kantang "Simpleng Tulad Mo" ni Meljohn Magno; Juris ng "7 Minutes" ni Mary Grace Gabor; Morisette ng "Akin Ka Na Lang" ni Francis Louis Salazar; Jessa ng "Bumabalik ang Nagdaan" ni Sarah Jane Gandia; Jovit ng "Dito" nina Raizo Brent Chabeldin at Biv De Vera; Ebe kasama si Abra ng "Halik sa Hangin" ni David Dimaguila; Jed ng "If You Don't Want to Fall" ni Jude Gitamondoc; Janella ng "Mahal Kita Pero" ni Melchora Mabilog; KZ ng "Mahal Ko o Mahal Ako" ni Edwin Marollano; Bugoy ng "Umiiyak ang Puso" ni Rolando Azor; Jugs at Teddy ng "Walang Basagan ng Trip" ni Eric De Leon; Marion kasama sina Rizza and Seed "Pumapag-ibig" ni Jungee Marcelo; at Michael ng "Pare Mahal Mo Raw Ako" ni Jovinor Tan. Samantala, ang songwriter-finalist namang si Hazel Faith ang interpreter ng sarili niyang komposisyong "Everything Takes Time."

Ang 15 finalist songs ng "Himig Handog Pinoy P-POP Love Songs 2014" ay mapapakinggan na rin sa radyo at internet dahil patutugtugin na ang mga ito simula ngayong Sabado (Agosto 2) sa official FM station ng ABS-CBN na MOR 101.9 For Life! at sa "MOR TV" nito sa www.mor1019.com.

Sa ika-anim nitong taon, patuloy ang "Himig Handog" sa pagtuklas ng mga de-kalibreng Filipino composer na may mga obra-maestrang tiyak na tatatak sa puso ng mga nakikinig at mamahalin ng maraming henerasyon. Ilan sa original Pinoy music (OPM) classic love songs na sumikat sa pamamagitan ng "Himig Handog" ang "Hanggang" ni Wency Cornejo, "Kung Ako na lang Sana" ni Bituin Escalante, "Kung Ako ba Siya" ni Piolo Pascual, "Bye Bye Na" ni Rico Blanco, "This Guy's in Love with You Pare" ni Chito Miranda, at ang dalawang big hit noong 2013 na "Nasa Iyo Na Ang Lahat" ni Daniel at "Anong Nangyari Sa Ating Dalawa" ni Aiza Seguerra.

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa about "Himig Handog P-Pop Love Songs," bisitahin ang Facebook fanpage ng Star Records na www.facebook.com/starrecordsphil o i-follow ang @starrecordsph sa Twitter.