Tuesday, May 20, 2014

Media industry giants Ace Saatchi & Saatchi, Unitel and TV5 partner in first-of-its-kind television series, JasMINE

For the first time ever, advertising genius Ace Saatchi & Saatchi, commercial and film expert Unitel Entertainment and the fastest-growing broadcasting network TV5 teamed-up for an exciting suspense-drama that will keep viewers hooked and wanting for more.

Dubbed as a romantic drama series with suspense, this TV series-within-a-TV series revolves on Jasmine Curtis Smith (playing as a fictional version of herself), TV5's most promising young actress and posed to be the on-screen partner of the network's hottest hunk actor, Alexis Vergara (Vin Abrenica). As she clinches the lead role in the network's (fictional) flagship series Ur Loved, Jasmine finds adversity from her co-actresses which exposes her to the bitter realities of being famous. And as if things can't get any worse, Jasmine acquires a stalker named Maskara who becomes the source of a series of unfortunate events to befall on her.

Ace Saatchi & Saatchi, known for its award-winning advertising campaigns, is in-charge of the program's creative content, while Unitel Entertainment, a respected name in the field of commercial and film production, is the program's line producer.

JasMINE (the series) is also the first-ever TV series in the country that goes across digital platforms, boasting its second-screen feature that allows its audience to enjoy content both from their television and mobile screens. With this feature, viewers can follow JasMINE on-air and online, get access to relevant and exclusive content, and engage with the show and their fellow fans.

The series is just the first in TV5's list of programs that can be enjoyed via multi-screen media consumption as the network continues to respond to the changing media landscape in the country.

JasMINE premieres this June 1, 9:15PM on TV5.

Xian Lim, Naging Emosyonal sa Kanyang Bagong Album

Blessing kung ituring ng actor-singer na si Xian Lim ang pinakabagong album niya sa Star Records na "XL2" dahil ito ang nagtupad sa pangarap niyang ibahagi sa publiko ang mga sariling komposisyon niya. 

"Extra special at literal na napaka-personal para sa akin ng second album ko kasi tatlo sa original songs ko, mapapakinggan dito," pahayag ni Xian na nag-launch ng kanyang singing career noong 2012 sa pamamagitan ng certified gold record niya sa Star Records na "So It's You." 

"Na-excite talaga ako at naging emosyonal rin habang nirerecord 'yung mga kanta ko. Naging chance ko kasi iyon para husayan at ibigay ang buong emosyon ko sa pagkanta," paliwanag ni Xian. 

Kabilang sa original songs ni Xian na bahagi ng "XL2" ang "Alay ko Sa 'Yo," "Iibigin," at "Kung 'Di Sa Iyo" na naging isa sa theme songs ng primetime teleseryeng "Ina Kapatid Anak," kung saan nagtambal siya at ang Teleserye Princess na si Kim Chiu. 

Bahagi rin ng "XL2" ang original tracks na "Di Bale," "Keep In Mind," "Ikaw Na," "Bakit Hindi Ka Crush ng Crush Mo," at ang carrier single na "Pag May Time." 

Mapapakinggan rin sa album ang revival ni Xian ng OPM classic na "Si Aida, si Lorna o si Fe" na unang pinasikat ng 80's music icon na si Marco Sison. 

Ang "XL2" album ni Xian ay mabibili na sa record bars nationwide sa halagang P250 lamang. Maaari na ring ma-download ang tracks nito sa iTunes, www.amazon.com, www.mymusicstore.com.ph atwww.starmusic.ph

Para sa karagdagang impormasyon kaugnay ng "XL2" album ni Xian, bisitahin ang Facebook fanpage ng Star Records sa Facebook.com/starrecordsphil o sundan ang @starrecordsph sa Twitter.

Sunday, May 18, 2014

Maja at Jericho, Sarap na Sarap sa Roles Nila sa 'The Legal Wife'

Sa kabila ng ngitngit ng TV viewers sa kanilang mga karakter sa "The Legal Wife," kapwa masaya sina Maja Salvador at Jericho Rosales sa mainit na suporta ng buong sambayanan sa Kapamilya teleseryeng pinagbibidahan nila kasama sina Angel Locsin at JC de Vera.

"Naiinis ang tao kina Nicole (Maja) at Adrian (Jericho) pero suportado nila kami bilang artista dahil gabi-gabi silang nakatutok sa amin. Kaya talagang napakasarap sa pakiramdam na magtrabaho lalo na't alam naming maraming nanonood," pahayag ni Maja.

Masarap naman para kay Jericho ang pagganap sa karakter ni Adrian na dumadaan ngayon sa isang krisis na kapupulutan ng aral ng mga mister.

"Para sa isang aktor, ang gandang unawain ang iniisip at pinagdadaan ni Adrian. Naghahanap kasi siya ng solusyon sa mga problemang nagawa niya. At kaabang-abang kung ano ang mga susunod niyang gagawing desisyon lalo na ngayong pansamantalang magkahiwalay sila ni Monica (Angel) at buntis si Nicole," ani Jericho. 

Paano tatanggapin ni Monica na ipinagbubuntis ni Nicole ang bunga ng pagtataksil ni Adrian? Isusuko na ba niya ang relasyon nilang mag-asawa o patuloy siyang lalaban para mabuo ang kanyang pamilya? 

Huwag palampasin ang pinakapinag-uusapang 'TV affair' ng bayan, "The Legal Wife" gabi-gabi pagkatapos ng "Ikaw Lamang" sa Primetime Bida ng ABS-CBN. 

Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin lamang ang opisyal na website ng programa sa www.thelegalwife.abs-cbn.com at ang social networking sites na Facebook.com/thelegalwife2013, Instagram.com/iam_thelegalwife, at Twitter.com/IAmTheLegalWife.

Saturday, May 17, 2014

“BISTADO” EXPOSES FAKE FENG SHUI EXPERT STEALING JEWELRY

Broadcast journalist Julius Babao uncovers the modus operandi of a fake Feng Shui expert, who deceives clients to steal jewelry from them in "Bistado" this Monday (May 19).

One of her victims "Marie" shared that Feng Shui expert "Madam Jenny" instructed her to put her important jewelry in a shoe box, seal it, and keep for a year so that her wish will be granted. Little did "Marie" know that before she sealed the box, the bogus Feng Shui expert already stolen the jewelry.

The episode also shows a CCTV (closed-circuit television) footage of a robbery incident in an establishment in Manila, where a security guard was stabbed by men who tried to grab his firearms.

Don't miss "Bistado" this Monday (May 19) on its new timeslot 3:45 p.m. on ABS-CBN. For updates on the program, like its Facebook page www.facebook/BistadoTV or follow @BistadoTV on Twitter. For complaints, contact the "Bistado" hotline–024142539, or text Bistado(space)(message) and send to 2327 for Globe subscribers and to 09178902327 for other networks.

Boses ng mga Bulilit, Bibida na sa 'The Voice Kids' Simula Mayo 24

Makikilala na ang mga bulilit sa likod ng mga higante at kakaibang boses na haharap sa hamon ng pagtupad ng kanilang mga pangarap sa inaabangang pagsisimula ng "The Voice Kids" ngayong Mayo 24 sa ABS-CBN.

Parehong tensyon ang dapat na abangan at parehong galing sa pagkanta ang hahanapin ng nagbabalik na coaches na sina Popstar Royalty Sarah Geronimo, Rock Superstar Bamboo, at Broadway Diva Lea Salonga sa mga batang Pinoy na may edad na walo hanggang 14 taong gulang. Katulad ng ibang international versions ng "The Voice Kids," tatlo ang uupo sa coaches' chairs para piliin ang young artists na kanilang ime-mentor sa pamamagitan ng pakikinig lamang sa kanilang boses habang nakatalikod sa Blind Auditions.

"Napakalaking privilege to work with some amazing kids, and hopefully para maimpluwensyahan sila sa tamang paraan," saad ni Lea.

Ayon naman kay Sarah, malaki ang koneksyon niya sa mga batang sumalang sa "The Voice Kids," lalo na't sumali rin siya sa iba't ibang amateur at TV singing contests noon.

"Nakikita ko ang sarili ko sa kanila. I believe ito ang magiging strength ko at makakatulong sa pagco-coach ko sa kanila, kasi pinagdaanan ko na ang lahat ng ito," pahayag ni Sarah.

Aminado naman si Bamboo na mas mahirap umano ang kids edition ng programa at itinuturing niya itong isang malaking challenge.

"Sa adults, alam mo na ang direksyon kung saan sila as an artist. Sa kids, gray area pa. So I carefully listen to every child so I can give justice to their performance when I comment, whether I turn around or not," sabi niya.

Sa pagtatapos ng Blind Auditions kinakailangang makapili ang bawat coach ng 18 artists na mapapabilang sa kanilang teams at uusad sa susunod na rounds ng kumpetisyon.

Bahagyang naiiba mula sa adults version ang Battle Rounds ng kids version dahil dito, pagsasabungin ng bawat coach ang tatlong bata ng kanilang koponan sa pamamagitan ng pag-awit ng isang kanta. Isa lang dito ang mapipili para makalusot sa Sing-Off, kung saan anim na artists sa iisang team ang muling magbabakbakan.

Mula sa Sing-Off, mamimili ang bawat coach ng dalawang artists sa kanilang team na muling uusad sa Semi-Finals. Mula sa anim na semi-finalists na ito pipiliin ang Top 4 na maglalaban-laban sa grand finals. Kaya naman sa huling yugto ng pamimili ng natatanging "The Voice," posibleng may isang coach na magiging dalawa ang pambato sa grand finals.

Hindi na bago para kay Luis ang mag-host ng isang programa kung saan bida ang mga bata, dahil nakasama na niya ang mga ito sa "Star Circle Kid Quest," "Junior Minute to Win It," at "Pilipinas Got Talent."

"Na-expose na ako sa mga bata, so alam ko kung anong sasabihin sa kanila o mapagaan ang loob nila. Ako gusto ko ang backstage area, kahit paano hindi pa sila ninenerbiyos. Nalalaman ko ang istorya nila, bakit sila nandito, ang mga bagay na gusto nilang ma-accomplish," ani Luis.

Sa kauna-unahang pagkakataon naman ay makakatrabaho niya si Alex, ang dating V-Reporter sa Season 1 ng "The Voice of the Philippines."

"Ang sinasabi ng staff hindi kami pwedeng magsama, kasi tatawa lang kami nang tatawa. Pero ang tagal ko na siyang kilala, and it's honestly a pleasure to work with her," dagdag ni Luis.

Lubos namang naghanda si Alex bago sumabak sa pagho-host, lalo na't siya ang naatasang makisalamuha sa young artists sa 'tension room' bago sila sumalang sa auditions. Aniya, dahil dito ay naalala niya ang mga napag-aralan niya sa kanyang tinapos na kursong Education.

"Kailangan gamitan mo ng iba-ibang techniques ang bata. Kasi 'yung iba feeling nila ang 'The Voice' na talaga yung last shot nila, sobrang bigat para sa kanila. Sa auditions, bago sila sumabak, andun ako para i-boost ang morale nila. Kasi mga bata, baka ma-starstruck sila sa coaches o magulat sa dami ng ilaw. I-encourage ko lang sila and make them feel at ease," aniya.

Abangan ang pagsisimula ng "The Voice Kids" kung saan pangarap ang puhunan at boses ng bulilit ang labanan sa ABS-CBN ngayong Mayo 24. Para sa updates ukol sa programa, bisitahin ang thevoice.abs-cbn.com, i-like ang www.facebook.com/thevoiceabscbn sa Facebook o i-follow ang @thevoiceabscbn the Twitter at @abscbnthevoice sa Instagram.