Tuesday, December 3, 2013

“MMK,” MAGSISILBING TULAY PARA BUUIN ANG ISANG PAMILYA

Tunghayan ngayong Sabado (Disyembre 7) kung paano magsisilbing tulay ang TV viewers para makamit ng isang pamilya ang kanilang Christmas wish na muling mabuo at makapagsimula ng kanilang bagong buhay. Itatampok sa "Maalaala Mo Kaya" ang kwento ng pamilyang ito na winasak ng karahasan at naging mitsa  ng pagkakahiwalay ng 13 magkakapatid. Bibida sa upcoming family drama episode ng "MMK" sina Xyriel Manabat at Valerie Concepcion na kapwa gaganap bilang si Judith, ang isa sa magkakapatid na mas nagdusa sa buhay nang ipaampon ng kanyang magulang sa ibang pamilya. Sa kabila ng lahat ng pagsubok, paano magagawa ni Judith na lumaban sa buhay at patuloy na magpursigeng pagbuklurin ang minsang masaya nilang pamilya? Tampok rin sa "MMK" sina Pinky Amador, Chanda Romero, Cherry Lou, Neil Coleta, Andrea del Rosario, Marissa Sanchez, Ron Morales, Queenie Sulit, Rez Cortez, Alfred Labatos, Myrtle Sarrosa, Eslove Briones, Gerald Pesigan, Jao Mapa, Shane Hermogenes at Bianca Bentulan. Ito ay sa ilalim ng direksyon ni Garry Fernando, panulat nina Arah Jell Badayos at Benson Logronio, at pananaliksik ni Agatha Ruadap. Ang "MMK" ay pinamumunuan ng business unit head nito na si Malou Santos, production manager na si Roda Dela Cerna, at executive producer na si Cathy San Pablo. Huwag palampasin ang makabuluhang episode ng "MMK" ngayong Sabado ng gabi pagkatapos ng "Wansapanataym" sa ABS-CBN. Para sa iba pang updates, mag log on sa MMK.abs-cbn.com, sundan ang @MMKOfficial sa Twitter, at i-"like" ang Facebook.com/MMKOfficial.

No comments:

Post a Comment