Tuesday, December 3, 2013

ABS-CBN, HINDI PA RIN NATITINAG SA TV RATINGS

Mas tinututukan pa rin ng mga Pilipino ang mga programa ng ABS-CBN
kaya naman muli itong nanguna sa national TV ratings noong Nobyembre
sa average audience share na 44%, o 11 puntos ang lamang nakuha ng GMA
na 33%, base sa datos ng Kantar Media.

Mas mapagkakatiwalaan ang datos ng Kantar Media na batay sa 2,609 na
kabahayan sa parehong urban at rural areas sa bansa. Mas marami at
eksakto kaysa sa service provider ng ibang networks, ang AGB Nielsen,
na mayroong 1,980 kabahayan na nakabase lamang sa mga urban area.
Kinakatawan ng Kantar Media ang 100% ng mga kabahayang may telebisyon
sa Pilipinas, habang umano'y 57% lamang ang kinakatawan ng AGB Nielsen
dahil hindi kasama ang rural areas sa datos nito.

Patuloy ang pamamayagpag ng ABS-CBN sa primetime (6PM-12MN) sa average
audience share nitong 48%, o 16 puntos na mas mataas kumpara sa 32% ng
GMA. Ito ay dahil na rin sa mga de-kalidad na teleserye ng istasyon,
kabilang na ang "Honesto" na nanguna sa listahan ng pinakapinanoood na
programa sa buong bansa noong nakaraang buwan sa average national TV
rating na 28.9%.

Malaki rin ang lamang ng Primetime Bida ng ABS-CBN sa iba pang panig
ng bansa gaya na lamang sa Balance Luzon (mga lugar sa Luzon na nasa
labas ng Mega Manila) kung saan humataw ito sa average audience share
na 51% kumpara sa 33% ng GMA; sa Visayas kung saan pumalo ito sa 65%,
o higit tatlong beses ang laki sa 20% ng GMA; at sa Mindanao kung saan
nagtala ito ng 62% kontra sa 23% ng GMA.

Ang primetime ang pinakamahalagang timeblock dahil sa mga oras na ito
may pinakamaraming nanonood kung kaya't importante ito sa advertisers
na naglalagay ng patalastas para maabot ang mas nakararaming Pilipino
sa buong bansa.

Bukod sa primetime ay tinalo rin ng ABS-CBN ang mga kalabang network
sa iba pang timeslot. Sa umaga (6AM-12MN), nagtala ito ng average
audience share na 37% laban sa GMA na may 33%.

Ang early afternoon (12NN-3PM) block naman nito ay may 41% kumpara sa
37% ng GMA. Dahil na rin ito sa noontime time show na "It's Showtime"
na siksik sa nakakaaliw na pakulo, kaya naman muli nitong tinalo ang
"Eat Bulaga" sa ratings noong Nobyembre.

Labing-isang puntos naman ang agwat ng Kapamilya Network sa late
afternoon (3PM-6PM) block sa average audience share na 43% kontra sa
32% ng GMA.

Ang "TV Patrol" pa rin ang pinaka-pinagkakatiwalaan pagdating sa
balita dahil sa TV rating of nitong 27.5% na muling dinaig ang "24
Oras" ng GMA na may 17.2% lang. Ito rin ang pumangalawa sa listahan ng
pinaka-pinanoood na programa sa buong bansa noong nakaraang buwan.

Umakyat naman sa ikaapat na pwesto ang "Bet On Your Baby" (26.2%) ni
Judy Ann Santos mula sa ikapito noong Oktubre.

Kabilang din sa top 15 na pinakasubaybayang mga programa noong
nakaraang buwan ay ang "Wansapanataym," "Got To Believe," "Annaliza,"
Maalaala Mo Kaya," "Goin' Bulilit," "Rated K," "TV Patrol Weekend,"
"Be Careful With My Heart," at " Maria Mercedes."

May 26 na TV networks, ad agencies, at pan-regional TV networks ang
kasalukuyang naka-subscribe sa ratings services ng Kantar Media na
kilala sa buong mundo bilang isang kumpanyang sumusukat at
nananaliksik ng mga manonood ng telebisyon. Kabilang sa subscribers
nito ang ABS-CBN, NBN, Sky Cable, J. Romero and Associates,
720ConsumerConnect, Starcom, OMD, PhD, Mediacom, Mindshare, MEC,
Maxus, Universal McCann, Wellmade Manufacturing Corporation, Brand
Ideas, and MPG Havas. Naka-subscribe rin sa kanila ang pan-regional
networks tulad ng CSM Media Inc., Fox International Channels, Star HK,
Discovery, AXN, HBO, MTV, Sony Pictures Television International,
Celestial Tiger, and A&E Television Network. Sa nasabing mga ahensya
at kumpanya, naka-subscribe sa parehong urban at rural TV audience
measurement surveys ang ABS-CBN, Brand Ideas, MPG Havas, at
720ConsumerConnect.

Sa pangalawang magkasunod na taon, muling lumabas sa isinagawang
survey ng kilalang entertainment blog na LionHearTV kamakailan na mas
pinagkakatiwalaan ng manonood ang Kantar Media kumpara sa AGB Nielsen.
Mula sa 220 respondents, 84% ang pumabor sa Kantar Media, habang 18%
lamang ang naniniwala sa AGB Nielsen.

No comments:

Post a Comment