Tuesday, November 19, 2013

ABS-CBN PANALO NG WALONG PARANGAL SA 35TH CMMA

Wagi ng walong parangal ang ABS-CBN sa ika-35 Catholic Mass Media
Awards (CMMA) kamakailan para mga natatanging programa nito na
patuloy na nagsusulong ng magagandang asal sa mga manonood.

Panalo ng apat na tropeyo ang Kapamilya network sa larangan ng
telebisyon na kinabibilangan ng Best TV Special para sa dokumentaryong
"San Pedro Calungsod," Best Talk Show para sa "Bottomline with Boy
Abunda," Best Public Service Program para sa "Pinoy True Stories:
Saklolo," at Best Station ID para sa Christmas Station ID ng ABS-CBN
TV7 Palawan na pinamagatang "Kwento Ng Pasko."

Para naman sa radyo, muling pinarangalan ang radio commentary program
ni Ted Failon sa DZMM na "Failon Ngayon" bilang Best News Commentary
sa ikalawang magkasunod na taon.

Tinanghal naman na Best Public Service Radio Ad ang radio promo na
ginawa ng ABS-CBN Creative Communications Management na "DZMM Bantay
Lakbay" para sa Mahal Na Araw noong 2012.

Ang blockbuster film ng Star Cinema na "It Takes a Man and a Woman" na
pinagbibidahan nina John Lloyd Cruz at Sarah Geronimo naman ay
ginawaran ng Students' Choice for Best Film.

Panalo rin ang ABS-CBN sa larangan ng musika dahil pinarangalang Best
Inspirational Song ang awitin ng inspirational diva na si Jamie Rivera
sa ilalim ng Star Records na "Kuya Pedro" na nagbigay pugay kay San
Pedro Calungsod.

Ang CMMA ay inoorganisa ng Archdiocese ng Manila at iginagawad sa
media, mapa-radyo, press, advertising, telebisyon, o pelikula, na
hinuhubog ang pagkatao ng Filipino audience sa pamamagitan ng
propesyunal na paggamit ng mass media at pagpapalaganap ng Christian
values.

2 comments: