Thursday, June 6, 2013

HOSTS AT COACHES NG “THE VOICE OF THE PHILIPPINES,” KILALANIN SA ESPESYAL NA PRIMER

Bago marinig ang pinakamahuhusay na boses sa bansa sa pinakainaabangang singing-reality show na "The Voice of the Philippines," pakinggan muna ang boses ng hosts at coaches at kilalanin sila ngayong Linggo (June 9) sa "Mic Test: The Voice of the Philippines Primer."

Sa unang pagkakataon, bubuksan ng coaches na sina Apl de Ap, Sarah Geronimo, Bamboo, at Ms. Lea Salonga; host na si Toni Gonzaga; at V Reporters na sina Robi Domingo at Alex Gonzaga ang kanilang personal at propesyunal na buhay sa isang ekslusibong interview na tatalakay sa kanilang pinagmulan, mga pagsubok sa buhay, at daan tungo sa tinatamasang kasikatan bilang local o international personalities. Ibabahagi rin nila ang mga hindi pa nakikitang larawan at video sa mahahalagang kaganapan sa buhay nila.

Sumilip rin sa mga eksenang dapat abangan sa "Blind Auditions," isang naiibang proseso ng audition ng kumpetisyon na nakakuha ng atensyon ng international viewers, at alamin mismo sa mga coach kung ano ang mga katangiang hinahanap nila sa mga artist na gusto nilang maging bahagi ng kanilang team.

Samantala, magbibigay rin ang "The Voice UK" coach at lead vocalist ng bandang The Script na si Danny O'Donaghue ng tips sa pagiging isang coach sa patok na singing competition at ikukuwento ang kanyang mga karanasan sa pagsasanay sa ilan sa pinakamahuhusay na boses sa United Kingdom.

Alamin ang lahat ng dapat mong malaman sa pinakainaabangang singing-reality show na "The Voice of the Philippines" ngayong Linggo (June 9) sa "Mic Test: The Voice of the Philippines Primer," 8:15 PM sa ABS-CBN. I-tweet ang inyong mga opinyon gamit ngayong Linggo gamit ang hashtag na #TheVoiceMicTest

Abangan ang nalalapit na pagsisimula ng "The Voice of the Philippines" sa June 15. Para sa updates, maglog-on lang sa www.thevoice.abs-cbn.com, i-like ang www.facebook.com/thevoiceabscbn sa Facebook o kaya i-follow ang @thevoiceabscbn the Twitter.

No comments:

Post a Comment