Tuesday, April 16, 2013

ZAMBOANGA KINGPIN, KILALANIN SA KAMPANYASERYE

Kilalanin ang tinaguriang Zamboanga Kingpin na si Romeo "Nonong" Jalosjos at kung gaano kaimpluwensyal ang kanyang pamilya pagdating sa pulitika sa buong Zamboanga peninsula ngayong linggo sa panibagong KampanyaSerye na handog ng ABS-CBN News and Current Affairs. Binuksan ni Romeo ang pintuan sa pulitika para sa kanyang pamilya nang siya ay mahalal na kinatawan ng unang distrito ng Zamboanga Del Sur noong 1995. Dito pa lang ay sinusuportahan na siya at ang kanyang kaanak ng mga taga-Zamboanga kaya naman kahit napiit ito noong 2007 sa kasong statutory rape, nanalo ap rin si Romeo Jalosjos sa pagka-congressman. Sa darating na halalan, tatakbo ang kanyang mga kapamilya sa pagka-mayor, gubernador, at kongresista ng Zamboanga Del Norte, Zamboanga Del Sur, at maging Zamboanga Sibugay. Kaya naman ganoon na lang kung akusahan ang mga Jalosjos ng kalaban nito sa pulitika ng diumano'y pagtatayo ng political dynasty. Inakusahan din ng mga ito ang mga Jalosjos ng paggamit daw ng dahas mapanatili lang ang kapangyarihan sa lugar. Ano ang bwelta ng mga Jalosjos sa akusasyong ito? Ang "KampanyaSerye" ay bahagi ng ABS-CBN Halalan 2013 na naglalayong mapalawak ang kaalaman ng mga mamamayan bago bumoto. Isang serye ang bubuksan linggo linggo sa "TV Patrol" kung saan bibigyang diin ang kuwento sa likod ng mga pangako at talumpati ng mga pulitikong nanliligaw sa boto ng sambayanan. Naisisiwalat din dito kung ano ang mga isyung mahalaga sa kanila at kung ano ba talaga ang kakayahan nilang bilang lider. Huwag palalampasin ang panibagong KampanyaSerye, sa ulat ni Abner Mercado, ngayong linggo sa "TV Patrol" na may simulcast sa DZMM TeleRadyo at DZMM Radyo Patrol 630. Panoorin ang buong episode nito sa espesyal na Producer's Cut na mapapanood sa ANC tuwing Sabado, 2:30 PM, at tuwing Linggo, 11 AM. Mapapanood din ito online via www.abs-cbnnews.com/KampanyaSerye. I-tweet ang inyong mga opinyon gamit ang hashtag na #KampanyaSerye.

No comments:

Post a Comment