Friday, April 19, 2013

UNANG INDIE FILM NI CESAR, MAPAPANOOD SA CINEMA ONE NGAYONG LINGGO

Tunghayan ang pinakaunang indie film ng batikang aktor na si Cesar Montano tungkol sa lalaking si Mark na haharapin ang paghihiganti ng akala niya'y yumao nang asawa sa espesyal na screening ng indie thriller-drama na "Biktima" ngayong Linggo (Abril 21) sa Cinema One.

 

Kasama ni Cesar si Angel Aquino na gaganap bilang Alice, ang asawa ni Mark at isang reporter na pinaniniwalaang namatay matapos inambush ng mga rebelde.

 

Sa kabila ng kanyang pagkawala, patuloy ang buhay ni Mark at piniling magmahal muli sa katauhan ni Sandra (Mercedes Cabral). Ngunit matapos ng anim na buwan ng kanilang pagsasama, natagpuang buhay pala si Alice ngunit mayroon itong partial amnesia kung saan ang tanging naaalala na lang niya ay ang mga pangyayari bago ang ambush.

 

Hindi pa rin hiniwalayan ni Mark ang kanyang kabit na si Sandra kahit pa unti-unti nang bumabalik ang alaala ni Alice ng nangyari sa kanya. Unti-unti ring nagbabago si Alice at madalas na nagiging bayolente, lalo na nang mahuli niyang pinagtataksilan siya ng asawa.

 

Huwag palampasin ang "Biktima" ngayong Linggo (Abril 21), 8:00p.m. sa numero unong cable channel sa Pilipinas, ang Cinema One. Para sa karagdagang impormasyon, sundan ang @cinema_one sa Twitter and at i-like angwww.facebook.com/Cinema1channel.

No comments:

Post a Comment