Wednesday, April 17, 2013

SENATORIAL CANDIDATES, MAGTATAPATAN SA “HARAPAN 2013: THE SENATORIAL DEBATE”

Magtutunggali ang mga senatorial candidate upang gisahin ang mga plano at pananaw ng isa't isa at sagutin ang mga pinakamahahalagang isyu sa bansa sa "Harapan 2013: The Senatorial Debate" ng ABS-CBN ngayong Abril 21 at 28, live mula sa La Consolacion College sa Maynila kasama ang anchor na si Ted Failon.

Maghaharap-harap ang mga kandidato, kasama sina Samson Alcantara, Bam Aquino, Rep. Sonny Angara, Greco Belgica, Rep. Teddy Casino, Tingting Cojuangco, Rizalito David, JC Delos Reyes, JV Ejercito Estrada, Baldomero Falcone, Richard Gordon, Mayor Edward Hagedorn, Sen. Gringo Honasan, Risa Hontiveros, Marwil Llasos, Jamby Madrigal, Sen. Koko Pimentel, Ernesto Maceda, Jun Magsasay, Rep. Mitos Magsaysay, Ramon Montano, Ricardo Penson, Grace Poe-Llamanzares, Christian Seneres, Bro. Eddie Villanueva, and Miguel Zubiri upang magpalitan ng opinyon sa mga suliranin sa kalusugan, kahirapan, trabaho, krimen, batas at kaayusan, sakuna, at iba pa.

Bukod sa face-off ng "Harapan 2013" na pagtatapatin ang mga kandidato sa isa't isa, masusubukan din ang kakayahan ng bawat kandidato sa mga tanong na manggagaling sa panelists na binubuo nina Lynda Jumilla, Tony Velasquez at ang political analyst na si Prof. Prospero de Vera mula sa UP Diliman, mga kinatawan ng iba't ibang sektor ng lipunan, netizens sa social media, mga ordinaryong mamamayan, at mga estudyante sa live audience na siyang pupulsuhan ni Doris Bigornia.

Ang "HARAPAN 2013" ay bahagi ng "Halalan 2013," ang election coverage ng ABS-CBN na naglalayong mapalawak ang kaalaman ng mga Pilipino bago ang paparating na botohan sa Mayo. Nakaangkla sa "Halalan 2013" ang buong puwersa ng Bayan Patrollers ng "Bayan Mo, iPatrol Mo," ang mga mala-teleseryeng dokumentaryong sa "KampanyaSerye," at mga election forum.

Layunin ng "Halalan 2013" na tulungan at bigyan ng sapat na kaalaman ang mga Pilipino nang makapamili sila ng mga karapat-dapat na lider upang makamit ang pagbabagong nais nilang mangyari sa bansa.

Panoorin ang "Harapan 2013: The Senatorial Debate" sa Abril 21 at 28 sa ABS-CBN Sunday's Best na kasabay ring mapapanood sa Studio 23, ANC (SkyCable Channel 27), at sa livestreaming sa  www.ABS-CBNNews.com. Para sa mga komento, tanong, at saloobin habang tumatakbo ang debate, gamitin ang hashtag na #HARAPAN2013 sa Twitter.

No comments:

Post a Comment