Friday, April 12, 2013

“KIMMY DORA AND THE TEMPLE OF KIYEME” MAPAPANOOD SA CINEMA ONE NGAYONG LINGGO

Makitawa, kilabutan at kiligin sa blockbuster movie na "Kimmy Dora and the Temple Of Kiyeme" na mapapanood sa top-rating na "Blockbuster Sundays" ng Cinema One ngayong Linggo (Abril 14), 8:00 p.m.

Pinagbibidahan ng multi-awarded na komedyanteng si Eugene Domingo ang naturang pelikula kung saan magkasabay niyang ginampanan ang dalawang role ng mala-aso't pusang kambal na sina Kimmy at Dora.

Sa pelikula, mapapadpad ang kambal sa Korea, ang pinagmulan ng kanilang ama at doo'y makikilala nila ang isang matandang magsasabi na kailangang magpakasal ng isa sa kanila sa kahit sinong miyembro ng pamilyang Sang upang tuparin ang pangako ng kanilang angkan. Ngunit tatanggihan ito ng dalawa gayong si Kimmy ay ikakasal na kay Barry (Zanjoe Marudo) at kaka-propose pa lang ni Johnson (Dingdong Dantes) ng kasal kay Dora. Dahil dito ay mumultuhin ang kambal ng ninuno ng mga Sang. Malabanan kaya nila ang naghihiganting espiritu kung si Kimmy lang ang nakakarinig dito at si Dora lang ang nakakakita?

Ang "Kimmy Dora and the Temple Of Kiyeme" ay isa sa highest-grossing films noong 2012 at karugtong ng 2009 surprise hit na "Kimmy Dora: Kambal sa Kiyeme" na lubos na nagpasikat kay Eugene.

'Wag palalampasin ang ""Kimmy Dora and the Temple Of Kiyeme"  ngayong Linggo (April 14), 8:00 p.m., sa numero unong cable channel sa Pilipinas, Cinema One. Ito ay available sa SkyCable Gold, SkyCable Silver at sa iba pang cable operators nationwide. Para sa ibang impormasyon at updates, mag-logon lamang sahttp://www.facebook.com/Cinema1channel.

No comments:

Post a Comment