Thursday, April 18, 2013

"IT TAKES A MAN AND A WOMAN" SECOND HIGHEST-GROSSING PINOY FILM OF ALL-TIME NA!

Opisyal nang tinanghal ang "It Takes a Man and a Woman" na pinagbibidahan nina Sarah Geronimo at John Lloyd Cruz bilang pangalawa sa record ng highest-grossing Filipino film of all time matapos nitong kumita ng P345 milyon sa loob ng halos tatlong linggo lamang sa mga sinehan sa buong bansa. Ito na rin ang no.1 sa listahan ng mga may pinakamalaking kinita na non-Metro Manila Film Festival (MMFF) local movies. 

Nilampasan ng third installment ng hit romantic-comedy film series na idinerek ni Cathy Garcia-Molina ang box-office record ng comedy flick na pinagbidahan ni Vice Ganda na "The Unkabogable Praybeyt Benjamin" na kumita ng P331 milyon nang ipalabas ito noong 2011. Ang "It Takes a Man and a Woman" ay pumapangalawa na sa total box-office earnings kasunod ng 2012 MMFF entry na "Sisterakas" na pinagbidahan ng comedy trio nina Vice Ganda, Kris Aquino at AiAi delas Alas, na humataw ng P391. Ang lahat ng tatlong top-grossers-- "Sisterakas," "The Unkabogable Praybeyt Benjamin," at "It Takes a Man and a Woman"--ay co-productions ng Star Cinema at Viva Films.

Samantala, buong pagmamalaking ibinahagi kamakailan ng screenwriter ng "It Takes a Man and a Woman" na si Carmi Raymundo na ang pinakapinag-uusapang wedding vows nina Laida at Miggy na nagpaluha ng libo-libong manonood sa mga sinehan ay personal mismong sinulat nina Sarah and John Lloyd.

"Kinausap namin ni Direk Cathy sina Sarah at Lloydie dahil gusto namin talaga na sila ang magsulat ng wedding vows nina Laida at Miggy. Gusto ko din kasi marinig from them kung ano sa tingin nila yung learnings ng characters nila," paliwanag ni Carmi na siya ring headwriter ng unang dalawang installments ng series na "A Very Special Love" at "You Changed My Life." "Pareho silang kinabahan kung kaya ba nila magsulat, pero pareho rin silang sobrang excited. When they showed me what they wrote, I knew right away that they wrote from the hearts of their characters. They were so sincere, ang ganda!" 

Ibinahagi pa ni Carmi na sa ganda ng pagkakasulat nina Sarah at John Lloyd ng wedding vows, halos hindi na niya ito ginalaw. "Konti na lang ang inayos ko. Their vows made the ending of Laida and Miggy's love story a thousand times more special because they spoke their own words. As a writer, yun na ang gift ko sa kanila: to let them speak their own words. In the end, parang naging buhay na talaga sila Miggy at Laida," pahayag ni Carmi. 

Huwag palampasin ang pinaka-memorable na onscreen reunion nina Laida at Miggy sa "It Takes A Man And A Woman," palabas pa rin sa mga sinehan nationwide.

 

No comments:

Post a Comment