Monday, April 15, 2013
GRACE POE AT ALCANTARA MAGSASALPUKAN SA “HARAPAN 2013”
Magbabakbakan ang senatorial candidates na sina Grace Poe-Llamanzares at ang abugadong si Samson Alcantara ukol sa kanilang mga plataporma at sa mga isyu ng bayan sa "Harapan 2013" ng ANC bukas (Abril 16) kasama ang batikang mamamahayag na si Lynda Jumilla. Bagama't parehong maituturing na baguhan sa larangan ng pulitika, lamang ni Poe ang suporta mula kay Pnoy at dala-dala pa ang pangalan ng amang si Fernando Poe Jr., habang independent candidate at halos hindi naman kilala ng publiko ang 77 taong gulang na propesor na si Alcantara. Bilang miyembro ng Social Justice Society, isa sa mga ipinaglalaban ni Alcantara ang pantay-pantay na oportunidad at karapatan para sa mga mamamayan. Aniya, gusto rin niyang maging alternatibong kandidato para sa mga botanteng sawa na sa mga political dynasty. Pangungunahan naman daw ni Poe ang pagpupuksa ng kahirapan sa bansa dahil ito aniya ang ipinaglaban ng kanyang ama, ngunit paano naman kaya niya dedepensahan ang sarili sa mga pumupunang sinasamantala niya ang paggamit ng pangalan ni FPJ? Ang "HARAPAN 2013" ay bahagi ng "Halalan 2013," ang election coverage ng ABS-CBN na naglalayong mapalawak ang kaalaman ng mga Pilipino bago bumoto. Kilalanin ang mga senatorial candidate base sa kanilang mga kakayahang baguhin ang kinabukasan ng bayan. Panoorin ang "HARAPAN 2013," 7PM bukas (Apr 16) sa ANC (SkyCable Channel 27). Para sa updates, sundan ang @ANCALERTS sa Twitter o i-like ang www.facebook.com/ANCalerts.
No comments:
Post a Comment