Tuesday, April 9, 2013

FLAIRTENDER AT TRANSGENDER TRIO, PASOK SA PGT4 SEMIS

Pasok na sa semi-finals ang flairtender na si Chaeremon Basa at
transgender trio na The Miss Tres sa mas umiinit pang kumpetisyon sa
pinakamalaki at pinakaengrandeng talent-reality show sa bansa na
"Pilipinas Got Talent 4." Matapos ang unang quarterfinal results night
ay nakuha nga ng 16 anyos na si Chaeremon mula Bacolod ang
pinakamaraming porsyento ng nationwide votes na 28.09% kaya naman agad
nitong nasungkit ang una sa 12 semi-finalist slots. Nakuha naman ng
singing transgenders mula sa Bulacan ang boto ng mga judges matapos
sumailalim sa battle for survival round kalaban ang The Security and
Escort Battalion Combo ng PhilippineArmy. Tunay ngang pinakalamalaking
edisyon ng PGT ang PGT 4 dahil sa naiibang acts na pumasok sa
semi-finals, isinagawang online at worldwide auditions, at sa
pagkakaroon ng quarterfinals para mas lalo pagibayuhin ang pagsala sa
mga kalahok. Gumawa rin ito ng ingay kamakailan sa online world nang
mag-trend worldwide ang The Miss Tres at All in One Crew sa
micor-blogging site na Twitter. Ngayong Sabado (April 13), maglalaban
laban naman ang sunod na batch ng quarterfinalists na kinabibilangan
ng black light dancers na Zilent Overload, flagtwirlers na Si.Co.Gu.,
acrobats na Eyx-Point, boy crooner na si John Neil Roa, singer na si
Eumee Lyn Capile, at belly dancer na may espada na si Sundee Viñas.
Sino ang sasama kina Chaeremon at The Miss Tres sa semi-finals? Huwag
palalampasin ang "Pilipinas Got Talent 4," sa pangunguna nina Luis
Manzano at Billy Crawford bilang hosts, tuwing Sabado, pagkatapos ng
"MMK," at tuwing Linggo (Apr 7), pagkatapos ng "Rated K" sa ABS-CBN.
I-tweet ang inyong mga opinion gamit ang hashtag na #PGT4.

No comments:

Post a Comment