Monday, March 4, 2013

JED MADELA, EXCITED SA DEBUT ALBUM NIYA SA STAR RECORDS

Purong excitement ang nararamdaman ng world singing champion na si Jed Madela sa paglabas ng debut album niya sa kanyang bagong recording label na Star Records. 

"Ito ang first full project ko with Star Records at ito rin po ang kauna-unahan kong all-original album," pahayag ni Jed. "Sobrang pinagpaguran namin ang pagbuo sa album ito kaya nung marinig ko na 'yung final tracks, gusto ko na rin po siyang agad iparinig sa lahat ng taong naniniwala sa music ko." 

Ayon kay Jed, ang mga kantang bahagi ng "All Original" album ay may hatid na bagong tunog at bagong emosyon sa mga makikinig. "Kakaiba lahat ng kanta sa album. Actually, sa ganda ng music, bawat isa sa kanila ay potential single," ani Jed, na nakatakdang magdiwang ngayong taon ng kanyang 10th anniversary sa music industry. "Of course, nasa album pa rin ang signature 'high note ballads,' pero may mga tracks talagang mapapaisip ang listeners kung ako ba talagang 'yung kumakanta." 

Tampok sa first album ni Jed sa Star Records ang 10 original tracks kabilang ang carrier single niyang "Ikaw Na," composed by Soc Villanueva; "Wish," composed by Jonathan Manalo and co-written with Garlic Garcia; "When Love Once Was Beautiful," composed by Genevieve 'Biv' De Vera and Raizo Chabeldin; "Dito Lang," composed by Francis 'Kiko' Salazar; "Ipinapangako Ko," composed by Christian Martinez; "Sa Habang Buhay," composed by Wilson John Escaner; "Dalangin Ko," composed, arranged, produced, recorded, mixed and mastered by Jimmy Antiporda; "Will Forever," composed by Jungee Marcelo; "Home To You," composed by Trina Belamide; at ang sariling komposisyon ni Jed na 'Tanging ikaw.' Bahagi rin ng album ang bonus mixes ng 'Wish' at 'Dito Lang.' 

Bukod sa kanyang latest album, may isa pang tagumpay ang ibabahagi sa lahat Jed na siyang kauna-unahang Filipino champion sa prestiyosong World Championship of the Performing Arts (WCOPA)--ang pagiging first Filipino na mapabilang sa Performing Arts Hall of Fame in Hollywood. Si Jed ang unang Grand Champion Performer of the World na mapaparangalan ng Achievement Award at masasali sa elite Performing Arts Hall of Fame na may live worldwide webcast sa July 19. 

Ang "All Original" album ni Jed ay may grand launch sa "ASAP 18" ngayong Linggo (Marso 3) at malapit na itong mabili sa record bars nationwide sa halagang P350 lamang. 

Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang Facebook fanpage ng Star Records na www.facebook.com/starrecordsphil o i-follow ang @starrecordsph sa Twitter.

No comments:

Post a Comment