Wednesday, February 6, 2013

UP DILIMAN AT UPLB CINEMA REHIYON, IPAPALABAS ANG MGA PELIKULA NG CINEMA ONE ORIGINALS

Ipapalabas ang mga pelikula ng Cinema One Originals 2012 sa UP Los Baños Cinema Rehiyon at sa Cinema One Originals Movies campus tour sa UP Diliman Film Institute Media Center ngayong linggo.

Mapapanood sa UPLB sa February 8 (Friday), 6:15 p.m ang Best Jury Price awardee na "Ang Paglalakbay ng mga Bituin sa Gabing Madilim" ni Arnel Mardoquio. Kinunan sa Davao, umiikot ang storya nito sa paglalakbay ng isang batang lalaki kasama ang tatlong rebelde sa mga kabundukan ng Sulu.

Sa UP Film Institute sa Diliman naman ipapalabas sa February 7 (Thursday), 5:00 pm ang "Anak Araw" ni Gym Lubera na tungkol sa isang albino na naniniwalang isa siyang anak ng Amerikano at 7:00 pm naman ang "Aberya" ni Christian Linaban , tungkol sa pag-ibig at kamunduhan na magbubuklod sa buhay ng apat na tao. Kinabukasan, February 8 (Friday), 5:00 pm mapapanood ang kontrobersyal na Scorpio Nights tribute na "Palitan" ni Ato Bautista at 7:00 pm naman ang dark comedy na "Melodrama Negra" ni Maribel Legarda.

Lahat ng pelikulang nabanggit ay mula sa "Cinema One Currents" category ng Cinema One Originals na gawa ng mga baguhang direktor at tumanggap ng isang milyong budget bawat isa.

Ang Cinema One Originals Festival ay ang taunang film festival ng Cinema One Channel, ang numero unong cable channel sa bansa. Para sa karagdagang impormasyon, bumisita sa www.facebook.com/CinemaOneOriginals andwww.facebook.com/Cinema1channel.

No comments:

Post a Comment