Wednesday, February 20, 2013

"MAY ISANG PANGARAP," HIT SA AFTERNOON VIEWERS

Dahil sa de-kalibreng cast at istoryang pang-primetime ng Kapamilya Gold teleserye ng ABS-CBN na "May Isang Pangarap," parami na nang paraming afternoon viewers ang tumututok sa kwento ng dalawang bagong Kapamilya child wonder na sina Larah Claire Sabroso at Julia Klarisse Base at maging sa mga umiinit sa harapan ng mga karakter nina Carmina Villarroel at Vina Morales. 

Sa katunayan, sa pinakahuling datos mula sa Kantar Media noong Martes (Pebrero 19), nagkamit ng 13% national TV ratings ang "May Isang Pangarap," samantalang 11.8% lamang ang nakuha ng katapat nitong programa sa GMA na "Yesterday's Bride."

Ngayong nalinis na ang image ni Julia bilang isang "Super Singing Star Kid" finalist matapos na ma-upload ang 'scripted' na paghingi nito ng tawad kay Larah, tuloy-tuloy na kaya ang kanyang pagtatagumpay? Para sa kanyang kinikilalang anak, ipagpapatuloy ba ni Kare (Vina) ang pakikipagmabutihan sa may asawang album producer na si Eric (Ron Morales)? Anong magiging reaksyon ni Nessa (Carmina) kung matuklasan niyang may kinalaman si Kare sa paggamit kay Larah upang pagandahin ang imahe ni Julia sa publiko? 

Huwag palampasin ang mas gumagandang kwento ng teleseryeng para sa lahat ng nangangarap, "May Isang Pangarap," tuwing hapon, 2:45pm, pagkatapos ng "It's Showtime" sa Kapamilya Gold ng ABS-CBN. Para sa karagdagang updates, bisitahin ang www.facebook.com/MayIsangPangarap.TV o sundan ang @MIP_TV sa Twitter.

No comments:

Post a Comment