Tuesday, February 19, 2013

DZMM TAKBO PARA SA KARUNUNGAN, LALARGA NA SA MARSO 23

Sisipa na ang ikatlong taunang "DZMM Takbo Para sa Karunungan" sa March 23, 4 a.m., Sabado, sa Quirino Grandstand na lilikom ng pondo para sa pag-aaral ng 75 iskolar. 

Ipagpapatuloy ng himpilan ang suporta para sa scholarship ng 25 na estudyanteng nasalanta ng bagyong Sendong sa Cagayan de Oro noong nakaraang taon at 50 iskolar mula sa Metro Manila na naging biktima ng bagsik ng Ondoy at Habagat. 

Pangungunahan ni Trivia King Kim Atienza, Gerry Baja, Karen Davila, Winnie Cordero at iba pang DZMM anchors ang mga makikilahok sa kampanya para sa edukasyon. 

Sa nakalipas na 11 taon, sinusuportahan ng taunang fun run ng DZMM ang ilang kampanya para sa kalikasan. Ngunit sa ika-dalawampu't limang anibersaryo nito noong 2011 ay inilunsad naman ang Takbo Para sa Karunungan. Layon nitong tustusan ang edukasyon ng ilang piling kabataang salat at naging biktima ng sakuna gaya ng nagdaang bagyong Ondoy, Sendong at Habagat. 

Maaaring pumili ang mga lalahok sa 3km, 5km, 10km at 21km race categories. Ang registration fee para sa mga ito ay nagkakahalagang P450, P550 at P600, habang P300 naman ang registration fee para sa mga estudyante. 

Makakatanggap din ng cash prizes ang mangunguna sa bawat kategorya, at ang government organizations, non-government organizations, at mga paaralan na may pinakamaraming bilang ng kalahok. 

Sama-samang isulong ang edukasyon para sa magandang kinabukasan ng ating kabataan. Para mag-rehistro, bisitahin lang ang www.dzmm.com.ph o tumawag sa secretariat sa 4152272 local 5674 and 5641.

No comments:

Post a Comment