Wednesday, February 13, 2013

ATOM, BABASAGIN ANG MISTERYO SA LIKOD NG GAYUMA

Lubos na kaligayahan raw ang dala ng pag-ibig, ngunit maari nga ba itong maging isang sumpa?

Samahan si Atom Araullo na alamin ang kwento ni Carla, isang tipikal na estudyante na nahumaling sa isang lalaki at gumamit ng gayuma para mapaibig ito ngayong Biyernes (Feb 15) sa "Pinoy True Stories: Hiwaga."

Sa pagnanais ni Carla na mapasakanya agad ang Filipino-Spanish na si Delo, nagpatulong siya sa kanyang kaibigang marunong manggayuma. Tinuruan siya nito ng dasal o bulong na kanyang sasabihin gabi-gabi.

Matapos ang ilang araw ay umepekto na nga ang panggagayuma ni Carla. Subalit ang dapat sanang mala-fairytale romance na matagal na niyang inaasam ay naging isang bangungot na ngayo'y nais niyang takasan. Ang "pag-ibig" ni Delo para sa dalaga ay unti-unting humantong sa pagiging obsessed nito sa kanya. Hindi ito makakapayag na mawalay si Carla sa paningin niya.

Sa tulong ng mga eksperto, isang psychic medium, at isang life coach, tutulungan ni Atom si Carla na masolusyonan ang problema nito sa pag-ibig. Posible kayang bumalik sa dati ang kanilang mga buhay? O habambuhay nang magiging alipin si Delo sa pagmamahal niya na isa lamang ilusyon?

Huwag palalampasin pinakabagong kuwento ng kababalaghan handog ng "Pinoy True Stories: Hiwaga," sa pangunguna ng anchor na si Atom Araullo, ngayong Biyernes ng hapon (Feb 15), 4:45 p.m. pagkatapos ng "A Gentleman's Dignity" sa ABS-CBN. Para sa updates tungkol sa programa, bisitahin angwww.abscbnnews.com/currentaffairs.

Abangan din ibang mga bagong "Pinoy True Stories" hatid ng ABS-CBN News and Current Affairds, tulad ng "Bistado" ni Julius Babao tuwing Lunes, "Engkwentro" ni Karen Davila tuwing Martes, "Saklolo" nina Maan Macapagal at Dominic Almelor tuwing Miyerkules, at "Demandahan" ni Anthony Taberna tuwing Huwebes.

No comments:

Post a Comment