Tuesday, December 31, 2013

AI-AI AT EUGENE, JACKPOT SA CAREER PERO BOKYA SA PAG-IBIG?

Parehong matagumpay sa kanilang karera ang mga komedyanteng sina Ai-Ai delas Alas at Eugene Domingo, ngunit inamin ng dalawa na hindi sila ganoon kaswerte pagdating sa kani-kanilang buhay pag-ibig sa "Tapatan Ni Tunying" ngayong Huwebes (Jan. 2).

Lubos na pinag-usapan ang mga naging relasyon ni Ai-Ai na pawang sa hiwalayan nauwi. Naging laman ng balita ang dalawang beses niyang bigong pagpapakasal lalo na ang kasal nila ng negosyanteng si Jed Salang noong 2013 na tumagal lamang ng 29 araw.

"Kasi sa edad ko, parang hinahabol ko na yung makakasama ko sa pagtanda. Ang sakit kasi sandali lang. Alam mo yung pangarap mo tapos naputol," sabi niya.

Aminado ang 49 anyos na aktres na takot siyang tumanda mag-isa ngunit matapos ang karanasan ay sinasabi nitong marami siyang natutunan. Napagtanto niyang ang kasal ay seryosong bagay na kailangang pag-isipan nang maigi. Makakatulong din daw ang pakikinig sa payo ng mga kaibigan at mga mahal sa buhay.

"Sa katangahan kong ito, ang kasal ay hindi sagot sa pagmamahalan ng isang tao," dagdag niya.

Samantala, lingid naman sa kaalaman ng marami ay hindi pa nakakapasok ang 42 anyos na si Eugene sa kahit anong seryosong relasyon. Mas natuon daw kasi ang kanyang prayoridad sa kanyang propesyon bilang aktres.

"Napabayaan ko siya. Kasi ako yung taong nagsusulat ng plano kada taon. Gaya ng gusto ko ng pelikula na isasali sa film festival, gumawa ng play, ganon ako. Pero napansin ko, hindi ko siya nasulat," pagbabahagi ni Eugene.

Maganda ang naging takbo ng taong 2013 para kay Eugene kung saan nakagawa siya ng anim na pelikula kabilang na ang prequel ng pumatok na "Kimmy Dora" na kabilang sa Metro Manila Film Festival. Handa na ba si Eugene na bigyang pansin naman ang kanyang buhay pag-ibig ngayong taon?

"Na-achieve ko yung mga bagay na lampas pa sa inasahan ko bilang artista. Sinasabi ko nga, sa huli, sa kabila ng tagumpay ko sa karera, gugustuhin ko pa ring magmahal. Sana hindi pa huli ang lahat," sabi niya.

Pag-uusapan din nina Ai-Ai at Eugene ang kanilang pakikipagsapalaran sa showbiz bago pa man nila narating ang rurok ng tagumpay.

Huwag palampasin ang "Tapatan ni Tunying" (TNT) kasama si Anthony Taberna ngayong Huwebes, 4:45 PM sa ABS-CBN Kapamilya Gold. Para sa updates, sundan ang @TNTunying sa Twitter o i-like ang www.facebook.com/TNTunying

 

NASH-ALEXA LOVE TEAM, BIDA NA!

Magic, kilig, at kwentong pampamilya ang handog ng Kapamilya tween love team nina Nash Aguas at Alexa Ilacad ngayong Enero 2014 sa pagsisimula ng pinakabagong month-long special ng "Wansapanataym" na pinamagatang 'Enchanted House.'

Mula sa kanilang pagpapakilig sa Kapamilya teen comedy series na "Luv U," bibigyang buhay naman ng Nash-Alexa love team sa 'Enchanted House' ang mga karakter nina Philip at Alice, ang magkaibigang madadamay sa mapait na nakaraan ng kanilang mga magulang. Sa kabila ng kanilang magandang samahan, unti-unting magsisimula ang kaguluhan sa pamilya nina Philip at Alice nang matuklasan ng lahat ang sumpa na ibinigay ng ina ni Philip sa mga magulang ng kanyang kaibigan.

Maaalis pa kaya nina Philip at Alice ang sakit sa puso ng kanilang mga magulang at turuan ang mga itong magpatawad?

Makakasama rin nina Nash at Alexa sa 'Enchanted House' sina Ara Mina, Dominic Ochoa, Nikki Valdez, Candy Pangilinan, Jaime Fabregas, Celine Lim, Brace Arquiza, Marikit Morales, at Aldred Gatchalian. Ito ay sa ilalim ng panulat ni Reggie Amigo at direksyon ni Erick Salud.

Huwag palampasin ang pagsisimula 'enchanting' fairy tale nina Nash at Alexa ngayong Sabado (Enero 4) sa pinakabagong month-long special ng 2013 Anak TV Seal Awardee "Wansapanataym," pagkatapos ng "Bet On Your Baby" sa ABS-CBN. Para sa karagdagang updates, mag-log on sa www.abs-cbn.com o sundan ang @abscbndotcom sa Twitter.

Sunday, December 29, 2013

Relive the historic Gilas Pilipinas-South Korea game this Tuesday

Due to insistent public demand, Pinoy basketball fans will once again be treated to this year's most historic sports moment – the Gilas Pilipinas versus South Korea game that propelled the team to the 2014 FIBA World Cup. The much-talked about semifinals game will air this Tuesday, December 31 at 8PM on TV5.
 
South Korea had been the Philippines' rival for the dream to reach the World championship or a place in the Olympics in the past. And after years of heartbreaks and frustration, Gilas Pilipinas finally won against the Asian contender and booked one of the three seats to the FIBA World Championship in Spain. The momentous game sent Pinoys crying with tears of joy as the country finally returned to being an Asian powerhouse.

Gilas Pilipinas head coach Chot Reyes remembered that poignant moment in August.

"It was like a script out of a Hollywood movie. Umiyak ako nung nanalo Talk 'N Text, pero hindi ganito," Reyes said of the moment where he was shown crying on the team's bench after they won.

Sports5, the sports arm of TV5, brought the most comprehensive coverage of the 27th FIBA Asia Championship last August to over 90 Filipino viewers here and to millions more in 41 countries around the world. The heart-stopping game also made TV5 the primetime winner in the ratings game last August.

Friday, December 27, 2013

TOTOONG DRAMA NG MGA MAG-ASAWA, TAMPOK SA “THE LEGAL WIFE”

Mas matapang at mapangahas na family drama ang handog nina Jericho Rosales, Maja Salvador, JC de Vera at Angel Locsin sa pinagbibidahan nilang primetime teleserye sa ABS-CBN na pinamagatang "The Legal Wife." Tampok sa serye ang mga totoong pinagdaraanan ng mga mag-asawa at kung ano ang kaya nilang gawin para sa isa't isa at sa kanilang pamilya. Ang "The Legal Wife" na mapapanood na sa Enero 2014 ay sa ilalim ng direksyon nina Rory Quintos at Dado Lumibao. Pinagsama-sama ng serye ang ilan sa pinakamahuhusay na aktor sa larangan ng drama kabilang sina Joem Bascon, Ahron Villena, Christopher de Leon, Rio Locsin, at Mark Gil. Huwag palampasin ang full trailer launch ng "The Legal Wife" ngayong Miyerkules (Enero 1), pagkatapos ng "Honesto" sa ABS-CBN Primetime Bida. 

Thursday, December 26, 2013

KATHRYN: MARAMING MERON SI DANIEL NA WALA ‘YUNG IBANG BOYS

Matapos ang pag-amin kamakailan ni Daniel Padilla sa "Buzz ng Bayan" kung gaano siya ka-confident sa 'posisyon' niya sa puso ng kanyang ka-love team, si Kathryn Bernardo naman ang buong tapang na magpapahayag ng nilalaman ng kanyang puso sa "My Only Radio (MOR) 101.9 For Life!" at "MOR TV" (www.MOR1019.com) ngayong Sabado (Disyembre 28).

"Maraming meron si DJ (Daniel) na wala 'yung ibang boys. Hindi siya 'yung typical guy na pa-cute at conscious sa sarili. Very mysterious siya at astig--medyo bad boy nga," ani Kathryn. "Gusto ko 'yung pagiging totoo niya. Prangka siyang tao, pero hindi sa masamang paraan. Kung malungkot siya, malungkot siya. Kung galit siya, galit. Hindi siya showbiz."

Tuklasin ang mas marami pang ekslusibong rebelasyon ni Kathryn tungkol sa kanyang buhay, career, at love life sa pagpapatuloy ng kanyang three-part special sa hit radio morning show na "Sabado Sikat Special" ni DJ China Paps.

Huwag palampasin ang part 2 at part 3 ng "Sabado Sikat Special" ni Kathryn sa Disyembre 28 at Enero 4, mula 9am hanggang 11am sa "MOR TV" sa www.mor1019.com at sa hottest FM radio station sa Mega Manila "MOR 101.9 For Life!" Para sa iba pang updates kaugnay ng "M.O.R. 101.9 For Life!" i-'like' lamang ang Facebook fanpage nito sa www.facebook.com/mor1019 at i-follow ang @MOR1019 sa Twitter.

Wednesday, December 25, 2013

PINAKAMALALAKING BALITA NG 2013, BABALIKAN NI KABAYAN SA ABS-CBN NEWS YEAREND REPORT

Aling mga balita ang pinaka-yumanig sa bansa at sa buong mundo nitong 2013?

Isa-isang sasariwain ni Kabayan Noli De Castro ang mga pinakamalaki at pinakamahalagang balita ng taon sa isang espesyal na yearend report ng ABS-CBN News, ang "Ulo ng Mga Balita" ngayong Linggo ng gabi (Dec 29) sa ABS-CBN.

Babalikan sa special ang naging epekto ng pananalasa ng bagyong Yolanda, ang lindol sa Bohol, ang kontrobersyal na pork barrel scam, ang gulo sa Zamboanga, ang tensyon sa pagitan ng Pilipinas at Tsina, mga trahedyang kagagawan din ng tao, at ang midterm at barangay elections.

Iaangat din sa Kapamilya Yearender ang mga tagumpay ng Pinoy sa larangan ng sports at international beauty pageants, at iba pang headline news ng 2013.

"Ihahatid namin sa inyong muli ang mga pangyayaring bumandera sa mga pahayagan, radyo, telebisyon at maging sa Internet," sabi ni Kabayan.

Kasama ni Kabayan sa pagtatampok sa "Sa Ulo ng Mga Balita" ang mga mamamahayag na sina Lynda Jumilla, Jorge Carino, Henry Omaga-Diaz, Atom Araullo, Gigi Grande, Maan Macapagal, Jeff Canoy, RG Cruz, Niko Baua, Rico Lucena , TJ Manotoc, at Ginger Conejero.

Huwag palampasin ang "Ulo Ng Mga Balita" sa ABS-CBN Sunday's Best ngayong Linggo (Dec 29) pagkatapos ng "Gandang Gabi Vice."

Thursday, December 19, 2013

LIMANG BEAUTY QUEENS, MAGSASALPUKAN SA KANTAHAN SA “THE SINGING BEE”

Hindi maikakaila ang taglay nilang kagandahan at talino, ngunit may ibubuga rin kaya sila pagdating sa kantahan? Panoorin sa "The Singing Bee" ang pasiklaban ng beauty queens na sina Venus Raj, Precious Lara Quigaman, Mutya Johanna Datul, Joanna Cindy Miranda, at ang kakapanalo pa lang bilang Miss International na si Bea Rose Santiago para sa P1 milyon ngayong Sabado (Disyembre 21). Buong mundo na ang kanilang napahanga dahil sa husay nilang ipinamalas sa sinalihang beauty pageants. Magaling din kaya sila pagdating sa paghula ng tamang lyrics ng kanta? Sino sa kanila ang mananaig at haharap sa defending champion na si Jett Pangan, na nakapag-uwi na ng P40,000 noong nakaraang linggo, sa "Final Countdown" round? Maki-BEErit sa bagong BEEsyo ng bayan na "The Singing Bee" ngayong Sabado kasama sina Roderick Paulate at Amy Perez, pagkatapos ng "It's Showtime" sa ABS-CBN. Para sa updates, i-like at i-follow itosawww.facebook.com/singingbeeabscbn, www.twitter.com/TheSingingBeePH, at www.instagram.com/thesingingbeeph. Ipahayag ang inyong mga opinyon at komento sa programa gamit ang hashtag na #TheSingingBeePH.

ATOM, IKUKUWENTO ANG MATINDING PINAGDAANAN KAY “YOLANDA”

Idedetalye ni Atom Araullo ang kaniyang karanasan habang kumakalap ng balita sa kasagsagan ng pananalasa ng pinakamalakas na bagyo sa daigdig sa espesyal ng dokumentaryong "Yolanda" ngayong Linggo (Disyembre 22) sa ABS-CBN.

"Nasaksihan namin kung gaano kabilis tumaas 'yong tubig. Kasabay noon naiisip namin 'yong libu-libong taong hindi makalikas mula sa kani-kanilang bahay," kwento ni Atom sa kanyang panayam sa programa ni Lynda Jumilla na "Beyond Politics" sa ANC.

Dagdag pa ni Atom, sadyang kakaiba ang lakas ng bagyong Yolanda kaya naman wala talagang kasiguruhan ang kaligtasan ng mga sinalanta kahit pa pinaghandaan nila ang pagdating ng bagyo.

"Makikita mong nagsisitakbuhan 'yong mga tao… Maririnig mo silang tumatangis sa kadiliman, walang kuryente, ang daming bangkay sa paligid, 'yong mga survivors aligaga kung paano ba sila makikipag-ugnayan sa pamilya nila," pagbabagi niya.

Bukod sa pagbabalik-tanaw sa kanyang hindi malilimutang pagbabalita sa Tacloban, ipapakita rin ni Atom sa dokumentaryo ang mga video at mga larawan kaugnay dito na hindi pa naipapakita sa telebisyon.

Maghahatid rin si Atom ng iba't-ibang kwento ng mga biktima na magpapakita kung gaano katibay ang loob ng mga Pilipino sa gitna ng trahedya at kwento ng pagbangon na magpapamalas naman kung paano nagbuklod ang buong mundo para maghatid ng tulong sa mga Pilipino.

Huwag palampasin ang dokumentaryong "Yolanda" ngayong Linggo sa (December 22), pagkatapos ng "Gandang Gabi Vice" sa Sunday's Best ng ABS-CBN.

Wednesday, December 18, 2013

ANDI, EXCITED MAGPASKO SA PILING NG ‘LOVE’ NIYA

Gustong-gusto nang mag-Pasko ng "Galema: Anak ni Zuma" star na si Andi Eigenmann dahil balak niya itong ipagdiwang kasama ang 'most special someone' niya—ang kanyang dalawang taong gulang na baby girl na si Ellie.  

"Hindi na ako makapaghintay na i-celebrate ang Christmas kasama ang aking love, si baby Ellie," masayang pahayag ni Andi. "Dahil sa anak ko, magiging mas masaya na at makahulugan ang holidays ko. Ito ang first Christmas na maaalala niya kaya sobra na akong excited na ilabas siya at magsimula ng bagong Christmas traditions kasama siya." 

Katulad ng ibang Pilipino na humarap ng mabibigat ng pagsubok ngayong taon, mas gusto ni Andi na manatiling positibo sa buhay. 

"Anumang hirap ang pinagdaanan natin nitong mga nakaraang buwan, walang dahilan para hindi natin i-celebrate ang pagdating ni Jesus Christ. Alam dapat nating may 'brighter days' pa ring darating sa ating lahat at hindi dapat tayo humihintong magpasalamat sa Kanya," ani Andi. 

Samantala, patuloy na subaybayan ang mas malalaking rebelasyon sa "Galema: Anak ni Zuma" lalo na ngayong nagsimula nang lumabas ang tunay na kulay ng mga taong nakapaligid kay Galema (Andi). Anong mga bagong masasamang plano ni Zuma (Derick Hubalde) laban sa kanyang anak na si Galema? Anong gagawin ni Morgan (Matteo Guidicelli) para mapatawad siya ni Galema na labis niyang minamahal?  

Huwag palampasin ang "Galema: Anak ni Zuma," tuwing hapon pagkatapos ng "Kapamilya Blockbusters" sa Kapamilya Gold ng ABS-CBN. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin lamang ang social networking sites ng programa sa Facebook.com/galemaofficial at Twitter.com/galemaofficial.

MELAI AT JASON, HINDI IIWAN ANG SHOWBIZ KAHIT MAGKAKAPAMILYA NA

Hindi iiwanan nina Jason Francisco at Melissa "Melai" Cantiveros ang showbiz kahit pa maiiba na ang kanilang prayoridad bilang mag-asawa at magulang sa kanilang nalalapit ng isilang na supling.

"Kung bibigyan ako ng pagkakataon, babalik ako ulit siyempre sa showbiz. Pero gusto ko muna alagaan yung baby ko ng mga tatlo o apat na buwan. Gusto ko yung tutok muna ako sa anak ko," pagbabahagi ni Melai kay Anthony Taberna sa "Tapatan Ni Tunying" na mapapanood ngayong Huwebes (Dec 19).

Inaasahan nina Melai at Jason ang pagdating ng kanilang panganay sa Abril.

Samanatala, Isasantabi naman muna ni Jason ang pangarap niyang magkaroon ng malaking pamilya dahil na rin sa pag-aalala sa kalusugan ng kanyang asawa.

"Noong una gusto ko ng malaking pamilya pero noong makadalo ako ng mga seminar bago ikasal, naintindihan ko na hindi pala basta-basta 'to. Gusto ko talaga madaming anak kaya lang iniisip ko din ang kalagayan ng asawa ko," Jason said.

Dahil na rin sa mga pagsubok at hiwalayang pinagdaanan ng kanilang relasyon, naniniwala si Jason na mas matatag na ang samahan nila ni Melai at handang-handa na silang sa pagiging magulang.

Nang tanungin naman si Melai kung magpapakasal pa rin ba siya kung sakaling hindi siya nabuntis, isang diretsahang "Oo" naman ang naging tugon ng komedyana.

"Hindi na ako nagdalawang-isip kasi nga sabi niya sa'kin gusto na niya lumagay sa tahimik. Gusto na rin niya magkaroon ng pamilya. Sabi ko naman sa sarili ko, ako rin gusto ko nang magkapamilya," Melai said.

Nabuo ang pag-iibigan nina Melai at Jason sa kanilang pananatili sa "Pinoy Big Brother" (PBB) house na talaga namang sinubaybayan ng sambayanan. Kaya naman marami ang natuwa nang sa wakas ay nauwi ito sa kasalan kamakailan na ginanap sa General Santos City.

Magbabalik-tanaw rin ang mag-asawa kung paano nga ba nabuo ang matamis nilang pagtitinginan kasanay ng mga pagsubok na kanilang pinagdaanan.

Huwag palampasin ang "Tapatan ni Tunying" (TNT) ngayong Huwebes, 4:45 PM sa ABS-CBN Kapamilya Gold. Para sa updates, sundan ang @TNTunying sa Twitter o i-like ang www.facebook.com/TNTunying.
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...