Sunday, July 27, 2014

Lyca, Wagi Bilang Kauna-unahang 'The Voice Kids' Grand Champion

Wagi bilang kauna-unahang grand champion ng "The Voice Kids" ang siyam na taong gulang na si Lyca Gairanod ng Cavite matapos niyang makuha ang pinakamaraming text at online votes mula sa taongbayan sa two-night finale ng top-rating at Twitter-trending na singing-reality show.

Nanguna sa botohan ang pambato ni coach Sarah Geronimo base sa tatlong rounds na Power Ballad, Upbeat Song, at Special Performance with a Celebrity Guest upang manalo ng P1 milyon, one-year recording contract mula sa MCA Universal, house and lot, home appliance showcase, musical instrument showcase, at P1 milyong worth ng trust fund.

Pumangalawa naman si Darren Espanto ng Team Sarah, kasunod sina Juan Karlos Labajo ng Team Bamboo at Darlene Vibares ng Team Lea sa ikatlo at ikaapat na pwesto.

Nagwagi si Lyca matapos kantahin ang "Narito Ako" ni Regine Velasquez para sa kanyang ballad at ang "Call Me Maybe" ni Carly Rae Jepsen sa kanyang upbeat song noong Sabado ng gabi (Hulyo 26), ngunit ang talagang tumatak sa mga manonood ay ang kanyang performance ng "Basang Basa sa Ulan" at pakikipagsabayan sa bandang Aegis noong Linggo (Hulyo 27) na umani ng standing ovation mula kay coach Lea Salonga, Bamboo, at sa audience ng Resorts World Manila.

Hindi pa man nagsisimulang umere ang "The Voice Kids" ay gumawa na ng ingay si Lyca dahil sa kanyang blind audition performance ng "Halik" ng Aegis na nagsilbing isa sa mga teaser para sa pagsisimula ng programa at naging isang viral hit.

Sa kanyang pagsuong at pagtatagumpay sa Battle Rounds, Sing-Offs, at Live Semi-Finals, nabansagan si Lyca bilang ang "little superstar" matapos siyang ikumpara ni coach Lea kay Nora Aunor. Dito rin mas nakilala pa si Lyca bilang ang batang may pangarap na lumaki sa kahirapan bilang anak ng amang mangingisda na minsa'y tinutulungan ang kanyang ina na mangalakal ng basura. Naibahagi rin ni Lyca noon na minsa'y kumakanta siya para sa kanyang mga kapitbahay para bigyan ng pera o pagkain.

Talagang inabangan, tinutukan, at pinag-usapan ng maraming netizens ang pag-aanunsyo ng unang "The Voice Kids" grand champion dahil sa pagte-trend sa buong bansa at worldwide sa Twitter ng #TheVoiceKidsChampion, #TVKDarrenForTheChampion, #WowAngGwapoNiLuis, Jhong Hilario, Lani Misalucha, Gary V and JK, You Are My Song, at iba pang hashtags.

Sa star-studded na Sunday finale, nag-perform din ang ibang finalists na sina Darren kasama si Martin Nievera, si Juan Karlos kasama si Gary Valenciano, at si Darlene kasama si Lani Misalucha. Binuksan ang nasabing gabi, na pinangunahan ng hosts na sina Luis Manzano at Alex Gonzaga, ng isang performance kasama ang Final Four young artists, tatlong coaches, at ang "The Voice of the Philippines" Season 1 grand winner na si Mitoy at finalists na sina Klarisse de Guzman, Myk Perez, at Janice Javier.

Mula nang magsimula itong umere noong Mayo, ang "The Voice Kids" ang naging pinaka-tinututukang programa sa buong bansa. Nakamit ng programa ang all-time high national TV rating nitong 37.6% noong Hunyo 8.

Inaasahan namang magsisimula ang "The Voice of the Philippines" Season 2 bago magtapos ang taon. Para sa updates, bisitahin ang thevoice.abs-cbn.com, i-like ang www.facebook.com/thevoiceabscbn sa Facebook o i-follow ang @thevoiceabscbn the Twitter at @abscbnthevoice sa Instagram.

Friday, July 25, 2014

Ultimate Vocal Showdown ng 'The Voice Kids' Coaches Lea, Bamboo at Sarah sa 'ASAP19'

Saksihan ang ultimate vocal showdown ng "The Voice Kids" coach na pangungunahan nina Lea Salonga, Bamboo, at Popstar royalty Sarah Geronimo  ngayong Linggo (July 27).  May patikim din si Mr. Pure Energy Gary Valenciano para sa "Arise The Repeat" concert.

Muling magsasama sina Kim Chiu at Maja Salvador sa isang exciting Supahdance collaboration; paiinitin naman ang ASAP stage ng  "Once a Princess" star Erich Gonzales at "My Trophy Wife" star Cristine Reyes; hahataw ng Supahdance craze hits si Jhong Hilario kasama ang Mini-me child wonders na sina Nickzy Calma, John Steven De Guzman, at Rhaine Santos. Hataw-to-the-max kasama sina Shaina Magdayao, John Prats, Arron Villaflor, Rodi Domingo, Gimme 5's Nash, Grae, John, Joaquin at Brace. Kaabang-abang din ang extreme birthday bash ni Iya Villania.

Meron ding non-stop concert treat mula kina Martin Nievera, Piolo Pascual, Zsazsa Padilla, Yeng Constantino, Vina Morales, Erik Santos, Angeline Quinto, Klarisse De Guzman, Morissette Amon, Nikki Gil, Paolo Valenciano, Nyoy Volante, Tutti Caringal at ang ASAP Sessionistas. Bibida naman si Yael Yuzon ng Sponge Cola para sa Acoustic Sessions. Tampok naman sa Karaoke Kantahan ang mga hits ng Ultimate MultiMedia Star Toni Gonzaga kasama sina Alex Gonzaga at Marcelito Pomoy.

Makisaya sa "ASAP 19," Asia's Outstanding Variety Show sa 2014 ASIAN Rainbow TV Awards, ngayong Linggo, 12:15nn, sa ABS-CBN. Para sa TV viewers na nais bumili ng ASAP official merchandise, bumisita lamang sa ABS-CBN Store sa ground floor ng ELJ building sa Quezon City, o bumisita lamang sa www.abs-cbnstore.com.

Maki-hang-out nang live kasama ang stars ng ASAP Chill-Out sa pamamagitan ng pag-log on sa ASAP.abs-cbn.com. Makisaya rin sa official networking accounts ng "ASAP 19" sa Facebook.com/asapofficial at Twitter.com/ASAPOFFICIAL.

Vice Ganda, Hahataw Kasama ang PBB All In Housemates sa 'The Big Concert' Ngayong Sabado

Matapos makipag-bonding kasama ang housemates ng "Pinoy Big Brother All In" sa kanyang pagbisita kamakailan sa Bahay ni Kuya, muli niyang makakasama ang mga ito para sa isang ultimate hatawan ngayong Sabado (Hulyo 26) sa "PBB All In: The Big Concert" kung saan nakasalalay ang tagumpay ng kanilang weekly task.

Makikipagsabayan si Vice sa production number ng "Boom Panes," na isa lamang sa mga pinaghahandaang song and dance numbers at iba pang pasabog ng housemates.

Bukod diyan, makakasama rin ng unkabogable star at "It's Showtime" host sina Erich Gonzales, Enchong Dee, at dating "PBB" housemate na si Jason Gainza upang husgahan kung papasa ba ang show para sa kanila. Magtagumpay at mapabilib kaya nila ang celebrity judges?

Isa lang ang "Big Concert" sa malalaking events ngayong linggo sa Bahay ni Kuya. Kabilang na rito ang pa-party para ipagdiwang ang ika-18 na kaarawan ni Jane na inihanda pa mismo ng housemates para sa kanya. Nakisaya sa nasabing selebrasyon ang Kapamilya stars na sina Nash Aguas, Jairus Aquino, Diego Loyzaga, at ex-housemate na si Axel para sorpresahin ang dalaga. Ngunit ang pinakanakakagulat na guest ng gabi ay ang basketball star na si Jeron Teng na minsan nang na-link kay Jane. Ano kaya ang epekto nito lalo na kay Joshua na tila pinagselosan ang pagdalaw nina Jeron at Axel? Lalo ba nitong paaapuyin ang tampuhan nina Joshua at Jane?

Huwag bibitiw at subaybayan ang mga pangyayari sa loob ng Bahay ni Kuya sa "Pinoy Big Brother All In" kasama si Toni Gonzaga gabi-gabi pagkatapos ng "Aquino & Abunda Tonight" sa Primetime Bida at sa "Pinoy Big Brother All In Uber" kasama sina Bianca Gonzalez, John Prats, at Robi Domingo pagkatapos ng "Moon of Desire" sa Kapamilya Gold. Samantala, samahan naman gabi-gabi sina Slater Young at Joj at Jai Agpangan sa "Ubertime Online" sa pinoybigbrother.com/livechat para pag-usapan ang mga pangyayari sa loob ng Bahay ni Kuya.

Alamin ang mga pinakabagong kaganapan sa Bahay ni Kuya at sundan ang kanyang Secretary sa @PBBabscbn sa Twitter o i-like ang www.facebook.com/OfficialPinoyBigBrotherAbsCbn.

Tuesday, July 22, 2014

Kapamilya Stars at Programs, Nanguna sa Yahoo! Celebrity Awards 2014

Muli na namang nagningning ang mga personalidad at programa ng ABS-CBN sa Yahoo! Celebrity Awards matapos mauwi ng mga ito ang pinakamaraming bilang ng tropeyo sa idinaos na awards night kamakailan, sa pangunguna ng teleserye princess na si Kim Chiu.

Nakatanggap ng pinakamaraming online at Kakao Talk votes si Kim para tanghaling Celebrity of the Year at Actress of the Year. Pinatunayan din ng fans nila ni Xian Lim ang kanilang pagmamahal para sa kanilang idolo dahil wagi sa ikalawang magkasunod na taon ang KimXi bilang Fan Club of the Year, habang panalo naman ang pinagbidahan nilang "Bride for Rent" bilang Movie of the Year.

Pinarangalang Social Media Star of the Year si Vice Ganda, habang itinanghal namang Love Team of the Year ang kanilang onscreen tandem ng "It's Showtime" co-host na si Karylle.

Nakuha naman ng top-rating primetime soap na "Ikaw Lamang" ang Teleserye of the Year award, samantalang kinilala rin ang mga bida nitong sina Coco Martin at Jake Cuenca bilang Actor of the Year at Male Kontrabida of the Year.

Pinangalanan naman si Kris Aquino bilang ang Female TV Host of the Year, si Vhong Navarro bilang Male TV Host of the Year, si Julia Barretto bilang Female Emerging Star, si JC de Vera bilang Male Emerging Star for, at si Andrea Brillantes bilang Child Star of the Year.

Samantala, nanguna sa botohan ang "The Voice Kids" coaches na sina Sarah Geronimo at Bamboo sa kategoryang Female at Male Performers of the Year. Natamo naman nina Gretchen Ho, ang host ng programang "Team U" ng ABS-CBN Sports + Action at DJ Chacha ng MOR 101.9 ang Female Hothlete of the Year at Female DJ of the Year awards.

Muli ring nagwagi ang "TV Patrol" bilang ang News Program of the Year.

Ang Yahoo! Celebrity Awards, ang dating Yahoo! OMG Awards, ay isa sa mga pinakamalaking awards show sa bansa na kinikilala ang mga pinakapopular na personalidad at programa sa musika, pelikula, radyo, at telebisyon.