Friday, January 24, 2014

Angel at Echo, Bibida sa Chinese New Year Party ng 'ASAP 19'

Pakikislapin nina Angel Locsin at Jericho Rosales ang engrandeng Chinese New Year party ng "ASAP 19" ngayong Linggo (Enero 26) sa inihanda nilang makapigil-hiningang production number para sa grand launch ng upcoming primetime teleserye nilang "The Legal Wife."

Mas magiging espesyal ang weekend sa bonggang birthday treats na handog ng "ASAP 19" para kina Concert King Martin Nievera at ultimate multimedia star Toni Gonzaga.

Bagong taon na puno ng inspirasyon ang hatid sa TV viewers ng world-class production numbers nina Popstar Royalty Sarah Geronimo at international singing sensation Charice; OPM music icon Imelda Papin, singing champ Sheryn Regis, at Pop Rock Princess Yeng Constantino; at King of the Gil Enrique Gil na magpapakilig kasama sina Nash Aguas, Joaquin Lucas Reyes, John Immanuel Bermundo, Grae Fernandez, at Brace Henry Arquiza ng Gimme5.

Mas gaganahan pang humataw ang lahat ngayong Linggo sa hitik sa trendy moves ng 'ASAP Supahdance' gang nina Sam Milby, Maja Salavador, Shaina Magdayao, Iya Villania, Enchong Dee, Rayver Cruz, John Prats , Erich Gonzales, Nikki Gil, Iza Calzado, Empress, at Cristine Reyes.

Abangan rin ang grand concert treat mula kina ZsaZsa Padilla, Piolo Pascual, Lani Misalucha, Arnel Pineda, Vina Morales, Bamboo, Erik Santos, Angeline Quinto, Jed Madela, Jovit Baldivino , KZ Tandingan, Marcelito Pomoy, Marion Aunor, Radha, Janice Javier, Klarisse de Guzman, Morisette Amon, AKA JAM, at ASAP Sessionistas. 

Magle-level up pa ang kasiyahan ng ASAP Kapamilya dahil gaganapin rin ngayong Linggo ang grand launch ng bagong album ni Mr. Pure Energy Gary Valenciano.

Ipagdiwang ang Chinese New Year sa consistent top-rating at palagiang trending sa puso ng buong sambayanan, "ASAP 19," ngayong Linggo, 12:15 ng tanghali sa ABS-CBN.

Para sa TV viewers na nais bumili ng ASA official merchandise, bumisita lamang sa ABS-CBN Store sa ground floor ng ELJ building sa Quezon City, o bumisita sa ABSCBNstore.shopinas.com at MyRegalo.com.

Makihang-out nang live kasama ang stars ng ASAP Chill-Out sa pamamagitan ng pag-log on sa ASAP.abs-cbn.com. Makisaya rin sa official social networking accounts ng "ASAP 19″ sa Facebook.com/asapofficial at Twitter.com/ASAPOFFICIAL, at makibalita sa latest happenings sa programa sa pamamagitan ng pag-tweet ng hashtag na #ASAPComeback.

Wednesday, January 8, 2014

ABS-CBN CONTINUES HUNT FOR NEXT “THE VOICE” AND “PBB” BIG WINNER IN NATIONWIDE AUDITIONS

Taglay mo ba ang pambihirang talento para tanghaling susunod na "The Voice of the Philippines" o ang pagpapakatotoo sa sarili para maging Big Winner ng "Pinoy Big Brother"? Sali na sa back-to-back auditions ng ABS-CBN para sa mga bagong season ng parehong shows na gaganapin sa iba't ibang panig ng bansa ngayong Enero at Pebrero.

Sabayang gaganapin ang auditions ng "The Voice of the Philippines Kids" sa Sabado (Enero 11), 9AM sa Robinsons Place sa Dumaguete City at Capiz Gym Villareal Stadium sa Roxas City para sa mga batang edad 8 hanggang 14 anyos.

Iniimbitahan naman ang mga 16 anyos at pataas sa auditions ng "The Voice of the Philippines Season 2" sa parehong venues sa Linggo (Enero 12).

Kasunod ng Visayas auditions ay may gaganapin ding auditions sa KCC Mall sa General Santos City at SM Cagayan de Oro (Enero 18 at 19); sa Resorts World Manila sa Pasay City at sa ABS-CBN sa Quezon City (Enero 25 at 26); at sa Pacific Mall sa Lucena City at CSI Stadium sa Dagupan City (Pebrero 1 at 2). Ang auditions para sa "The Voice Kids" ay tuwing Sabado at sa "The Voice Season 2" naman ay tuwing Linggo ng mga nasabing petsa.

Iniimbitahan naman ang mga taga-Luzon na nangangarap na maging housemate ni Kuya sa auditions na gaganapin para sa PBB regular edition ngayong Enero 18 para sa mga edad 18 hanggang 35 years old, at para sa teen edition naman sa Pebrero 1 para sa mga may edad 12 hanggang 17 years old.

Ang venue para sa parehong auditions ay PBB Hall sa Eugenio Lopez Drive, Quezon City, sa tabi ng PBB house at katapat ng ABS-CBN ELJ Building. Mag-uumpisa ang registration sa ganap na 7AM at unang 5,000 aspiring housemates lang ang makakapag-audition. Kailangan din magdala ng valid ID ang sinumang lalahok. 

Sa mga hindi makakadalo sa alinmang petsa ng auditions, bukas pa rin ang online auditions sa website napinoybigbrother.com hanggang Enero 15. Sinumang nag-audition na online ay hindi na maaring pumila para sa January 18 at February 1 auditions. 

Para sa updates ukol sa dalawang programa, sundan lang ang @thevoiceabscbn at @PBBabscbn sa Twitter, o i-like ang facebook.com/thevoiceabscbn, at facebook.com/ OfficialPinoyBigBrotherAbsCbn.

KZ, FRENCHIE, DUNCAN, NYOY, AND SITTI TRY TO DETHRONE DEFENDING CHAMP BEA IN "THE SINGING BEE."

Matindi ang pressure na haharapin ni Miss International 2013 Bea Rose Santiago ngayong Sabado (Jan 11) dahil pawang mga magagaling na mang-aawit ang susubok na agawin ang kanyang titulo bilang defending champion ng "The Singing Bee." Apat na linggo nang nagrereyna si Bea sa hit musical game show at umabot na sa P100,000 ang naipon niyang premyo. Madadagdagan pa kaya ito, o isa na kina KZ Tandingan, Frenchie Dy, Duncan Ramos, Nyoy Volante, at Sitti Navarro ang magpapataob sa kanya? Muli na kayang maririnig ang tunog ng P1 milyon sa episode na ito? Para maibsan ang tensyon, magtatanghal din ng kani-kanilang 'sample-sample' ang limang contestants. Maki-BEErit sa BEEsyo ng bayan na "The Singing Bee" ngayong Sabado (Jan 11) kasama sina Roderick Paulate at Amy Perez, pagkatapos ng "It's Showtime" sa ABS-CBN. Para sa updates, i-like at i-follow ito sawww.facebook.com/singingbeeabscbn,www.twitter.com/TheSingingBeePH, at www.instagram.com/thesingingbeeph. Ipahayag ang inyong mga opinyon at komento sa programa gamit ang hashtag na #TheSingingBeePH.

Monday, January 6, 2014

MARICAR REYES, NAGMAKALI NG PINAKASALAN SA "MMK"

Mapagmahal na asawa't ina na niloko ng kanyang mister ang bibigyang buhay na karakter ng award-winning actress na si Maricar Reyes sa family drama episode ng "Maalaala Mo Kaya" ngayong Sabado (Enero 11). Paano matatanggap ni Elena (Maricar) na ang pinakamamahal niyang asawang si Leo (Ariel Rivera) ay nauna nang ikinasal sa iba? Handa bang isakripisyo ng isang ina ang kanyang pinangarap na pamilya para matama ang isang pagkakamali? Kasama rin sa "MMK" episode na idinerek ni Garry Fernando sina Encar Benedicto, Jennifer Mendoza, Jenny Miller, Eunice Lagusad, Gem Ramos, Katya Santos, at Miguel Vergara. Ang kwento ay sinulat nina Mary Rose Colindres at Arah Jell Badayos, at sinaliksik ni Michelle Joy Guerrero. Ang "MMK" ay pinamumunuan ng business unit head nito na si Malou Santos, production manager na si Roda Dela Cerna, at executive producer na si Fe Catherine San Pablo. Huwag palampasin ang makabagdamdaming episode ng "MMK" ngayong Sabado ng gabi pagkatapos ng "Wansapanataym" sa ABS-CBN. Para sa iba pang updates, mag log on sa MMK.abs-cbn.com, sundan ang @MMKOfficial sa Twitter, at i-"like" ang Facebook.com/MMKOfficial.

Saturday, January 4, 2014

STAR CINEMA, BUBULAGAIN ANG 2014 SA BRIDE FOR RENT

MULA sa tagumpay nito sa mga kritiko at takilya sa katatapos lamang na Metro Manila Film Festival, patuloy ang Star Cinemas sa celebrasyon ng ika-20th na anibersaryo nito  sa pagbubukas ng 2014. Unang pasabog ng Star Cinema ngayong bagong taon ang Bride For Rent – isang romantic comedy na pinagbibidahan nina Kim Chiu at Xian Lim.

Ang Bride For Rent ay dinirehe ni Mae Czarina Cruz na ang pinaka-huling pelikula ay ang smash hit ng 2013 na She's The One. Minamarkahan din nito ang pinakahihintay na muling pagsasama nina Kim at Xian sa pinilakang tabing sapagkat Itinuturing ng marami na isa sa pinaka-mainit na blockbuster love-teams ngayon ang kanilang tambalan.  

Ang Bride For Rent ay isang nakakaaliw at nakakatuwang love story tungkol kina Rocco Espiritu (Lim) at Rocky Espiritu (Chiu) na parehong desperadong nangangailangan ng pera. Kailangan magpakasal si Rocco upang makuha niya ang kanyang malaking mana habang si Rocky naman ay kailangan din ng pera pambayad sa kanyang renta, sa takot ng mawalan ng tirahan dahil malapit na siyang mapalayas kasama ng kanyang pamilya.

Makikipagsabwatan si Rocco kay Rocky na papayag na magpanggap na asawa ni Rocco kapalit ang malaking "talent fee." Matapos ito, isang katutak na nakakalokang mga problema ang haharapin nina Rocco at Rocky. Uubra kaya ang kanilang plano o magiging biktima sila ng kanilang panloloko dahil baka magkaroon talaga sila ng feelings sa isa't-isa?

Ang Bride For Rent ay ang pinaka-unang film collaboration sa pagitan nina Kim at Xian matapos ang smash hit nilang Bakit Hindi Ka Crush Ng Crush Mo? nuong 2013. May espesyal na pagganap din ang Asia's Queen Of Songs na si Ms. Pilita Corrales sa pelikulang ito at ito rin ang kanyang pagbabalik sa big-screen. Maaring abangan ng mga film buffs at mga tagahangga ng Kim-Xian love-team ang isang di malilimutan at feel-good na cinematic experience sa Bride For Rent na napakagandang paraan upang umpisahan at buksan ang bagong taon.

Ipapalabas ang Bride For Rent sa lahat ng mga sinehan sa buong bansa simula Enero 15.

Para sa karagdagang impormasyon at pinakabagong updates tungkol sa "BRIDE FOR RENT" at sa iba pang 20th anniversary movie offerings ng Star Cinema, bisitahin lamang ang www.StarCinema.com.ph, http://facebook.com/StarCinema athttp://twitter.com/StarCinema.

KWELANG TAMBALAN NINA MARC AT AMY, “SAKTO” SA MASA

Iba't-ibang usapin tungkol sa lipunan at buhay pamilya ang tatalakayin ng kwelang tambalan nina "Kaka" Marc Logan at "Chang" Amy Perez tuwing umaga sa pinakabagong magazine-talk show na "Sakto" sa DZMM simula ngayong Lunes (January 6).

Sina Marc at Amy na nga ang bagong kasangga ng mga tagapakinig na maghahain ng eksaktong impormasyon at kwentuhan na hahaluan pa ng halakhakan. Tiyak na maganda ang gising ng bawat isa sa "Sakto" dahil nag-uumapaw ito sa mga kwentong bida ang masa, nakakaaliw na segments, at diskusyunang kakapulutan ng aral.

Isa sa segments nito ang "Panalo Ka Diyan" kung saan pwedeng ipagmalaki ng mga magulang ang tagumpay at kahit anong achievements ng kanilang mga anak.

Hindi naman pahuhuli ang mga haligi at ilaw ng tahanan dahil sila naman ang bibida sa "'Tay Naman" at "'Nay Ko Po."

Sagot na rin nina Marc at Amy ang mga ideya para sa weekly budget at recipe ng mag-anak sa segment na "Lutong Bahay," habang itatampok naman sa "Guest Who" ang ilan sa mga tumi-trending na personalidad.

Bukod riyan, masasaksihan din ang pagiging tunay na ama at ina nina Marc at Amy dahil sila mismo ang magbibigay ng solusyon sa mga pangkaraniwang problema ng kapwa nila mga magulang.

Samantala, sa pagpasok ng tambalan nina Marc at Amy sa "Sakto" ay ang paglisan ni Korina Sanchez at ng programa niyang "Rated Korina." Pansamantala munang mawawala sa ere si Korina nang sa gayon ay matutukan niya ang kanyang pag-aaral. Kalahati pa lamang ng taong 2013 ay ipinaalam na ni Korina sa management ang plano niyang ito.

Para sa kumpletong kwento, tumutok lamang sa "Sakto" na mapapanood simula Lunes hanggang Biyernes, 10AM, sa DZMM Radyo Patrol 630, DZMM TeleRadyo (SkyCable Channel 26), o sa online livestreaming sa dzmm.com.ph. Para sa updates, sundan ang @DZMMTeleradyo sa Twitter o i-like angwww.facebook.com/DZMMTeleRadyo. Maaari ring ipahayag ang inyong komento gamit ang hashtags na #FunFunChang at #FunFunKaka.

Friday, January 3, 2014

‘Manila Clasico’ highlights the first PBA weekend of 2014 on TV5

The two most popular teams in the PBA duel again for the second time in the PLDT myDSL Philippine Cup this Sunday as league-leading Barangay Ginebra San Miguel clashes with struggling San Mig Super Coffee Mixers this Sunday, January 5 from the Mall of Asia Arena.
 
The PBA Philippine Cup eliminations resume on Saturday, January 4, with two exciting games to open the new year. The Alaska Aces are hoping to notch another win against the Talk 'N Text Tropang Texters in the 330PM game to be aired LIVE on TV5 and AksyonTV. Sophomore Calvin Abueva has found his groove in leading the charge of the Aces. Meanwhile, the Philippine Cup defending champs are still looking for the right formula to sustain their winning ways. In the second game on Saturday, Meralco Bolts hopes to stop its four-game skid against a dangerous Air 21 Express.
 
Barangay Ginebra hopes to secure another win against the Super Coffee Mixers after winning their Opening Day game last November in 'Manila Clasico' airing LIVE this Sunday at 515PM on TV5. Japeth Aguilar will be looked upon to lead the charge for Barangay Ginebra while San Mig Super Coffee guard James Yap will be looking for some support from his teammates after the team's disheartening showing last week where they lost two games before the year ended. In the first game on Sunday, the Rain or Shine Elasto Painters prepare to fortify their third place standing against the GlobalPort Batang Pier.
 
The PBA games air live on TV5 every Wednesday and Friday at 8:00pm, with a delayed telecast of the first game at 11:00pm. On Saturdays, only the 330PM game is aired live. On Sundays, both games are aired live with Sports5 Center to open the festivities.

For basketball fanatics, the PBA games are aired live on AksyonTV, starting at 5:30 pm on Wednesdays and Fridays, 3:30pm on Saturdays, and3:00pm on Sundays. Live streaming is also available onhttp://pba.sports5.ph. Radio listeners nationwide can also follow the action on DZSR Sports Radio 918AM.

Thursday, January 2, 2014

BIGATING KANTAHAN, IHAHATID NG "THE BIGGEST LOSER DOUBLES" HOSTS AT COACHES SA "THE SINGING BEE"

Bigating saya ang ihahatid sa "The Singing Bee" ng hosts ng papalapit na at inaabangang "The Biggest Loser Doubles" na sina Iza Calzado at Robi Domingo, mag-asawang fitness coach na sina Jim Saret at Toni Dimaguila, at "The Biggest Loser" season one finalist na si Hazel Chua sa kanilang pagsabak sa masayang kantahan ngayong Sabado  (January 4). Sino kaya sa kanila ang may pinaka-ibubuga sa hulaan ng tamang lyrics? May bagong milyonaryo kaya na tatanghalin ang programa ngayong bagong taon? May makadaig na kaya sa three-week defending champion na si Miss International 2013 Bea Rose Santiago na nakakalikom na ng premyong P60,000? Maki-BEErit sa bagong BEEsyo ng bayan na "The Singing Bee" ngayong Sabado (Jan 4) kasama sina Roderick Paulate at Amy Perez, pagkatapos ng "It's Showtime" sa ABS-CBN. Para sa updates, i-like at i-follow ito sa www.facebook.com/singingbeeabscbnwww.twitter.com/TheSingingBeePH, at www.instagram.com/thesingingbeeph. Ipahayag ang inyong mga opinyon at komento sa programa gamit ang hashtag na #TheSingingBeePH.